Lrc Player

Ako Naman Muna

Angela Ken
[05:27.16]·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:03.56] La, la

[00:08.07] La, la, la, la, la, la

[00:13.21] La, la, la, la, la, la

[00:20.96] Kada hakbang sa lupa'y para akong inaalon

[00:27.11] At nalulunod sa batikos ng mundo

[00:31.71] Sa kung ano lamang ang kaya ko

[00:39.71] Pigang-piga na sa mga problemang 'di masolusyonan agad

[00:47.88] Parang wala ng bukas

[00:52.76] Pwede bang umiwas?

[00:57.80] Hinahanap ang sarili ngunit 'di na kakayanin

[01:02.69] Sa ligaw na dinadaanan ko

[01:06.82] Sa'n na 'to patungo?

[01:11.35] Sa'n na 'ko patungo?

[01:16.74] Dahan-dahan nating simulan muli ang paghakbang

[01:25.75] Dahan-dahang tumingin sa salamin

[01:29.91] Upang makita ang ating kagandahan

[01:35.40] Dahan-dahang iangat ang mukha

[01:39.41] Upang masilayan ang payapang kalangitan

[01:44.91] Oo, pagod ka na, pero 'di ka nag-iisa

[01:54.45] Kaya't lumaban ka at sabihing

[02:02.62] "Ako naman muna"

[02:09.53] Kada langhap sa hangin pansin ko na lagi na lang usok

[02:15.52] Walang malinis, halos puro polusyon

[02:20.03] Parang ako raw na konsumisyon

[02:27.78] Gulong-gulo ang isip, sa'n ba lulugar kapag nagkamali?

[02:35.68] Grabe sila manghusga

[02:40.08] Bakit? Perpekto ba sila?

[02:46.08] Huminga ka ng malalim at isipin ng mabuti

[02:50.83] Ang mga desisyong ilalaan para sa kinabukasan

[02:59.33] Nang makapunta sa paroroonan

[03:04.83] Kung dahan-dahan nating simulan muli ang paghakbang

[03:14.07] Dahan-dahang tumingin sa salamin

[03:18.33] Upang makita ang ating kagandahan

[03:23.82] Dahan-dahang iangat ang mukha

[03:27.59] Upang masilayan ang payapang kalangitan

[03:33.09] Oo, pagod ka na, pero 'di ka nag-iisa

[03:42.48] Kaya't lumaban ka at sabihing

[03:50.72] "Ako naman muna"

[03:59.98] "Ako naman muna"

[04:11.89] Huwag papalamon sa lungkot

[04:14.04] Huwag hahayaang malugmok ang puso mo

[04:18.18] Sa ibabato sa 'yo ng iba

[04:23.57] Tandaan mong sapat ka

[04:30.06] Dahan-dahang tanggalin ang maskara

[04:33.49] At hayaang tumulo ang bumabadyang mga luha

[04:39.15] Dahan-dahang iangat ang mukha

[04:43.15] Upang masilayan ang mga taong ika'y pinapahalagahan

[04:48.64] Oo, pagod ka na, pero 'di ka nag-iisa

[04:57.89] Kaya't lumaban ka at sabihing

[05:06.14] "Ako naman muna"

[05:15.31] "Ako naman muna"