G owlf
[00:02.80] "G Wolf"
[00:18.79] Alam ko na isa 'to sa na-miss niyo
[00:23.05] Yung ako'y magpaka-beast
[00:24.54] Pero atleast
[00:25.31] Lagi pa rin nasa list
[00:26.05] Kahit walang ni-release
[00:27.29] Yung mga diss
[00:28.29] Buti na lang natiis ko
[00:29.30] Kahit nakaka-inis
[00:30.29] Sa "UNLI" pa lang ay panis na
[00:31.79] Wala 'kong kailangan i-please
[00:33.29] Ako lang yung 'di lumusog
[00:34.54] Pero yung sulat busog
[00:35.54] Yung beat ay palaging sunog
[00:36.79] 'Di na sumusulat ng hindi magkakatunog
[00:38.30] 'Di pa ba kayo nakatunog?
[00:39.54] Sakin lang kayo nakakanood na yung tyamba magkakasunod
[00:41.55] Kaya halatadong tulog pa yung taong nag-sabi sa aking 'di pa ko hubog
[00:45.55] Tapos sila mga lyrics may kasamang kulog (wow)
[00:49.29] Mga ugok
[00:50.79] Magkakasabay na bulok
[00:52.29] 'Di kami yung dahilan bakit 'di na kayo patok
[00:54.81] Sadyang hindi na pasok dito yung mga tira pasok
[00:57.80] Napakadami kong naalog
[00:59.04] Simula nung nakita nila 'ko tumula ng padabog
[01:00.79] Lahat sila sakin pasugod
[01:02.30] Totoo palang inggit ay hindi na kayang magamot
[01:04.06] Ako lagi tampok ng mga tunog hambog
[01:05.79] Laging may nag-aamok
[01:06.79] Kahit na wala 'kong inalok
[01:08.29] May sumasagot (hoy) ano ba naman ambot
[01:09.79] Parang sa buwan sumuntok
[01:11.30] Mga pumutok pero sa pangalan namin nakabuntot
[01:13.05] Mga kumurot nung lumagabog ang mga tunog na akala nila kabuteng sumulpot
[01:16.05] Malamang sa malamang ay mauna padin sila mauntog bago pa makarating sa tuktok sira tuktok
[01:20.04] Panahon niyo na maudlot kasi kami na ang taga-tuldok
[01:22.04] Oh sige namnamin niyo lang pero pag tagal malalaman niyo rin ang sumatutal
[01:28.05] Kung gusto niyong mapansin sige lang, pero tandaang magka-iba ang nauso lang sa popular
[01:35.05] Hoy 'di to madali boy
[01:36.05] 'Wag niyo nga 'kong kini-kengkoy
[01:38.54] 'Di ko na rin kayo ka-lebel oy!
[01:40.54] Malaki na ng kaibahan
[01:42.06] Kahit magtanong ka pa sa iba diyan
[01:43.29] Basta may alam, alam niya na yan
[01:44.55] Diyos ko naman! Pag 'di pa inamin ewan ko na lang
[01:46.80] Oh sige eto pa baka bitin ka pa sa mga naririnig mo ngayon
[01:50.04] Ito yung tipo ng isang beses mo lang maririnig sa akin kada taon
[01:52.54] 'Di 'to para sa palakpakan
[01:54.04] Gusto ko lang ipangalandakan na hindi lang ako pang-kalmahan na kantahan yun ang 'di niyo nalaman
[01:59.55] 'Yon lang ang ginawa kong hakbangan hanggang sa nagkapangalan habang yung ibang kunwaring nababawan ginagawa akong hagdanan
[02:05.29] Ang daming nakulangan, nahinaan, kailangan ko pa yatang pakitaan, kaso nga lang 'di na bali baka sa'kin pa madaming mayabangan
[02:12.04] Di mahulaan yung tugma, 'di lang sa dulo may suntok pati gitna mula umpisa may pinu-punto 'to
[02:18.57] Magaling na sana sila kung 'di natuto 'to
[02:21.56] Dahilan 'bat nawalan ng papel yung iba at 'yon ang totoo
[02:24.80] 'Di ko na din kasalanan kung ayaw ko na magpa-awat
[02:27.29] Dire-diretso ang lakad patunay na mga paa'y sa lapag naka-tapak
[02:30.29] Banat ng banat hanggang matupad lahat ng mga balak mapasakamay ang hindi ko pa hawak hanggang sa lumawak kasi nga "GANO'N NAMAN TALAGA DAPAT"
[02:35.30] Sa dami nang pinakalat ay bakit ang dami pa din nasasabi na lait
[02:40.30] Kung kami palagi ang hinahanap ng marami at sa'min sila lumalapit
[02:43.31] Kung kami palagi ang topic ng mga tao na sa awit namin ay na-adik
[02:46.30] 'Di ka na dapat nagagalit kung 'di mo gustong makisabit
[02:49.80] (Oh gusto niyo ng flex, sige ito pa yung next)
[02:51.79] Tignan niyo na lang kung sino yung nakaabante
[02:55.04] Kita naman kung sino yung naka-dyamante
[02:58.06] Daming nagkalat sa kalyeng feeling higante
[03:02.05] Pero kapag umatake, mas mabango pa yung tae ng elepante
[03:03.05] Akala ko ba magaling bakit nandiyan parin?
[03:07.29] Tignan niyo na lang kami layo na ng narating
[03:10.04] Mula nung kami'y dumating lahat sila ay naging katawa-tawa na sa scene
[03:13.79] Nakita kasing iba yung nag-mamagaling sa tunay na magagaling
