Gloc 9 - Walang Natira (feat. Sheng Belmonte)
[00:01.25] [Sheng Belmonte (Gloc-9)]
[00:01.25] Napakaraming guro dito sa amin
[00:06.63] Ngunit bakit tila walang natira
[00:11.37] Napakaraming nars dito sa amin
[00:16.62] Ngunit bakit tila walang natira
[00:20.63] Nag-aabroad sila (Gusto kong (Yumaman [4x])
[00:25.62] Nag-aabroad sila (Gusto kong (Yumaman [4x])
[00:30.61] Nag-aabroad sila
[00:32.12] [Gloc-9]
[00:32.12] Lupa kong sinilangan ang pangalan ay pinas
[00:34.51] Ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas
[00:36.87] Nauubusan ng batas parang inamag na bigas
[00:39.49] Lumalakas na ang ulan ngunit ang payong ay butas
[00:41.98] Tumatakbo ng madulas mga pinuno ay ungas
[00:44.50] Sila lang ang nakikinabang pero tayo ang utas
[00:46.87] Mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas
[00:49.38] Para pumunta ng ibang bansa at doon magtanas
[00:52.04] Ng kamay para lamang magkakalyo lang muli
[00:54.42] Ang pahingay iipunin para magamit paguwi
[00:57.04] Dahil doon sa atin mahirap makuha ang buri
[00:59.40] Mapahiran ng tsokolate ang matamis na ngiti
[01:02.03] Ng anak na halos di nakilala ang ama
[01:04.42] O ina na wala sa tuwing kaarawan nila
[01:07.03] Dadarating kaya ang araw na ito'y magiiba
[01:09.39] Kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na
[01:11.27] [Sheng Belmonte (Gloc-9)]
[01:11.27] Napakaraming inhinyero dito sa amin
[01:16.51] Ngunit bakit tila walang natira
[01:21.26] Napakaraming karpintero dito sa amin
[01:26.64] Ngunit bakit tila walang natira
[01:30.75] Nagaabroad sila (Gusto kong (Yumaman [4x])
[01:35.63] Nag-aabroad sila (Gusto kong (Yumaman [4x])
[01:40.63] Nag-aabroad sila
[01:42.14] [Gloc-9]
[01:42.14] Mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan
[01:44.27] Ang kapalaran ng lahat nang nakipagsapalaran
[01:46.93] Kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan
[01:49.29] Ng mahal sa buhay ang sugal ay tatayaan
[01:52.04] Sasanla lahat ng kanilang pag-aari
[01:54.54] Mababawi din naman yan ang sabi pagnayari
[01:56.93] Ang proseso ng papeles para makasakay na sa eroplano
[02:00.18] O barko kahit saan man papunta
[02:02.05] Basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso
[02:04.41] Ang isa ay katumbas ng isang dakot na mamiso
[02:06.93] Ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino
[02:09.40] Lilisanin ang pamilya ang amo kahit na sino
[02:11.92] Gugutumin sasaktan malalagay sa piligro
[02:14.42] Uuwing nasa kahon ni wala man lang testigo
[02:16.93] Darating kaya ang araw na itoy mag-iiba
[02:19.42] Kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na
[02:21.44] [Sheng Belmonte (Gloc-9)]
[02:21.44] Napakaraming kasambahay dito sa amin
[02:26.55] Ngunit bakit tila walang natira
[02:31.30] Napakaraming labandera dito sa amin
[02:36.56] Ngunit bakit tila walang natira
[02:40.57] Nagaabroad sila (Gusto kong (Yumaman [4x])
[02:45.57] Nag-aabroad sila (Gusto kong (Yumaman [4x])
[02:50.57] Nag-aabroad sila
[02:52.05] [Gloc-9]
[02:52.05] Subukan mong isipin kung gaano kabigat
[02:54.44] Magbuhat ng maleta halos hindi mo na maangat
[02:56.93] Ihahabilin ang anak para 'to sa kanila
[02:59.44] Lalayo upang mag-alaga ng anak ng iba
[03:01.92] Matapos lamang sa kolehiyo matutubos din ang relo
[03:04.67] Bilhin mo na kung anong gustong laruan ni Angelo
[03:07.18] Matagal pa kontrata ko titiisin ko muna 'to
[03:09.81] Basta ang mahalaga ito'y para sa pamilya ko
[03:11.48] [Sheng Belmonte (Gloc-9)]
[03:11.48] Napakaraming guro dito sa amin
[03:16.47] Ngunit bakit tila walang natira
[03:21.22] Napakaraming nars dito sa amin
[03:26.47] Ngunit bakit tila walang natira
[03:30.71] Nagaabroad sila (Gusto kong (Yumaman [4x])
[03:35.72] Nag-aabroad sila (Gusto kong (Yumaman [4x])
[03:40.72] Nag-aabroad sila
[03:41.45] Napakaraming tama dito sa atin...
[03:47.09] Ngunit bakit tila walang natira...
