"Lando"
[00:11.38] [Francis M.]
[00:11.38] Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim
[00:19.12] Nakaabang sa sulok at may hawak na patalim
[00:27.02] Di ka hahayaan na muli pang masaktan
[00:35.00] Wag ka nang matakot sa dilim
[00:40.34] .
[00:42.72] [Gloc-9]
[00:42.72] Ito ay kwentong hango na galing sa dalawang taong
[00:46.22] Nagmamahalan ng tunay ang ngala'y Elsa at Lando
[00:50.22] At kahit parang pagkakataon ay nakakandado
[00:54.11] Dahil magkalayo ang uri ng buhay ang estado
[00:58.09] Ng buhay ni Lando ay di nalalayo sa marami
[01:01.85] Sinunog ng araw ang kulay ng balat at marami
[01:05.85] Ng galon ng pawis ang kanyang naidilig sa lupa
[01:09.60] Upang ang gutom ay di na masuklian pa ng luha
[01:13.61] Habang ang babaeng kanyang minamahal ay sagana
[01:17.68] Ngunit kabilang sa pamilya na di alintanang
[01:21.34] Makipagkapwa-tao sa mga tulad niyang dukha
[01:25.07] Gayon pa ma'y patuloy ang pagmamahal na pinula ng pagibig
[01:29.74] [Francis M.]
[01:29.74] Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim
[01:37.26] Nakaabang sa sulok at may hawak na patalim
[01:45.21] Di ka hahayaan na muli pang masaktan
[01:52.96] Wag ka nang matakot sa dilim
[01:58.34] .
[02:00.36] [Gloc-9]
[02:00.36] Kahit na ano pang bagay ang pilit na ihadlang
[02:04.12] At sino man ay walang makapipigil sa paghakbang
[02:07.99] Ng mga paa na ang nais ay marating ang ligaya
[02:12.12] Niyayang magtanan di nag-atubili na sumama
[02:16.12] Hawak ang pangarap at pangako sa isa't isa
[02:19.98] Nagpakalayo-layo di namuhay na may kaba
[02:23.59] Dahil alam nila na sa bawa't isa'y nakalaan
[02:27.59] At ang pagmamahalan tangi nilang sinasandalan
[02:31.58] Wala ng ibang bagay pa silang mahihiling
[02:35.28] Kundi isang pamilya sa loob ng apat na dingding
[02:39.39] At isang bubong na maaaring tawaging tahanan
[02:43.39] Bakit may pangit na kabanatang kailangang daanan pa
[02:47.78] [Francis M.]
[02:47.78] Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim
[02:55.29] Nakaabang sa sulok at may hawak na patalim
[03:03.27] Di ka hahayaan na muli pang masaktan
[03:11.03] Wag ka nang matakot sa dilim
[03:16.36] .
[03:18.23] [Gloc-9]
[03:18.23] Isang gabi na Huwebes lumubog na ang araw
[03:22.04] Doon tayo magkita pasalubong ko'y siopao
[03:26.16] Upang ating paghatian pagdating ng hapunan
[03:29.92] Meron palang nakaabang sa amin na kamalasan
[03:33.91] Eskinita sa Ermita may sumaksak kay Elsa
[03:37.67] Sa tagiliran isang makalawang na lanseta
[03:41.78] Ang gamit upang makuha lang ang kanyang pitaka
[03:45.53] Kami'y mahirap lamang bakit di na siya naawa
[03:49.54] Hindi ko naabutang buhay ang aking mahal
[03:53.29] At hanggang sa huling hantungan ay nagdarasal
[03:57.30] Bakit po bakit po ang laging lumalabas
[04:01.13] Sa 'king bibig palaboy-laboy ni walang landas
[04:05.15] Akong sinusunod baliw sa mata ng marami
[04:08.90] Siguro nga di ko na kilala aking sarili
[04:13.00] Pangala'y taong grasa may patalim na gamit
[04:16.76] At ang tanging alam ay isang malungkot na awit
[04:20.37] At ang sabi...
[04:21.38] [Francis M.]
[04:21.38] Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim
[04:28.93] Nakaabang sa sulok at may hawak na patalim
[04:36.81] Di ka hahayaan na muli pang masaktan
[04:44.83] Wag ka nang matakot sa dilim
[04:50.29] .
[04:52.44] Wag ka nang matakot sa dilim
