Lrc Player

【Kagamine Len_鏡音レン】 Nakakapagpabagabag 【Original】(MP3_320K)

Unknown artist
[03:00.55]·Synced by Guest·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:25.68] Kamusta? bakit tila dumatal ang kaba?

[00:28.68] Ano ba ang agam-agam na bumabagabag?

[00:32.18] Ang dinadamdam nila'y mahirap ipinta

[00:35.41] Bakit ba ako nagtataka?

[00:38.63] Ako ba'ng may kasalanan kung bakit na iwan sila?

[00:41.92] Ako nga itong nagpaparaya para sa adhikaing walang patutunguhan-

[00:46.40] O, Kay saklap

[00:48.68] Pa'no ba tayo magkakaisa?

[00:55.48] Sinabihan na kitang tumakbo papalayo sa mundong

[00:59.88] Nakakapagpabagabag!

[01:02.16] Pinilit kong sagipin ang mga naliligaw sa dilim

[01:06.17] Nakakapagpabagabag!

[01:08.65] Naniwala pa ako sa sinungaling mong mga luha

[01:12.88] "Ngunit mahal pa rin kita"

[01:15.37] Kasalanan ko paba na 'di mo na ako makikita?

[01:19.16] Nakakapagpabagabag!

[01:22.88] Mas sanay na akong maglakad ng nakapiring ang aking mata

[01:25.93] Habang buhay ko nang pinagsisisihan

[01:29.16] Na iniwan ang tanging sidha sa puso

[01:32.68] Naglahong parang usok

[01:35.92] 'Di na maibabalik pa

[01:37.18] Parang sa panaghinip ko lang masisilayan ang mukha nila

[01:39.22] "Parang awa mo na hindi na mauulit ang panganib"

[01:42.43] Masarap makinig sa inyong mga paghihinagpis

[01:46.15] Na tila ubod ng tamis

[01:49.19] Sinabihan ko silang bilisan ang pagtakbo sa mundong

[01:53.20] Nakakapagpabagabag!

[01:55.92] Di sila nakikinig ngunit ngayo'y nagmamakaawa

[02:00.19] Nagpapatawa ba sila?

[02:02.64] Naniwala pa ako sa sinungaling n'yong mga mata

[02:06.92] "Ngunit kami'y mali rin ba?"

[02:09.18] Sino nga lang ba ako para iligtas ang inyong diwa?

[02:13.37] Nakakapagpabagabag!

[02:16.39] Bakit ba ako nababahala sa mundong ito?

[02:19.89] Nakakapagpabagabag ba?

[02:22.87] Pinilit kong sagipin ngunit sila'y nasakop na ng dilim

[02:26.62] Nakakapagpabagabag!

[02:29.15] Naniwala pa ako sa sinungaling mong mga luha

[02:33.92] "Ngunit huli na ang lahat!"

[02:35.66] Kasalanan ko pa ba na di mo na ako makikita?

[02:39.92] Nakakapagpabagabag!