Lrc Player

Dello - Mata Sa Langit Paa Sa Lupa

Unknown artist
[04:54.07]·Synced by Guest·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:16.14] Nakatingin sa kalawakan

[00:20.63] Mga mata ay nasa tala

[00:26.27] Sa lupa na nilalakaran

[00:31.63] Sino nga bang mag-aakala?

[00:36.23] Nagmula sa ilalim, umahon at nanalangin

[00:38.97] Na kahit na alanganin, sana naman mapasakin

[00:41.98] Minimithi ko't hangarin, ang pamilya mapakain

[00:44.92] Munting talentong dalangin, katumbas ng mga kanin

[00:47.73] At ulam na maihain, kahit medyo mahiyain

[00:50.49] Pinilit ko mikropono at ang kable ay hilahin

[00:52.98] Maaari po bang gamitin para sa aking awitin?

[00:55.73] Pero sila'y natatawa, natutuwa na laitin

[00:58.72] Hindi raw uso ang rap, ano daw ang sasapitin?

[01:01.22] Kung di tanggap ng tao aking bawat sasabihin

[01:04.51] Itigil ko na raw, sila'y wag nang subukang alukin

[01:06.98] Pero pangarap ko 'to at gusto ko lang na abutin

[01:09.97] At napasali sa contest isang pyestahan nung gabing

[01:12.72] Nasa San Juan, kung saan unang beses akong naging

[01:15.72] "Freestyle King" at napasuntok pa sa dingding

[01:17.99] Nang iabot ang isanglibo na tumataginting

[01:20.72] Asawa ko ang sumalubong pagdating ko sa amin

[01:23.47] Sabay abot ng pera at napangiti ng bilangin

[01:26.23] May panghanda na tayo, ako'y naluha ng yakapin

[01:29.22] Kase nung araw din yun, kaarawan ng anak naming

[01:33.49] Nakatingin sa kalawakan

[01:37.97] Mga mata ay nasa tala

[01:43.97] Sa lupa na nilalakaran

[01:49.97] Sino nga bang mag-aakala?

[01:53.96] Kapag tinitingnan ko ang mga bakas sa likuran

[01:57.47] Sa bawat pintuan na sinubukang hintuan

[02:00.46] Na hindi pinagbuksan, itinuloy ko lang ang lakad

[02:02.71] Pursigido ang sarili na dapat gawin ko yan

[02:05.71] Nakipagsapalaran, lagi pang may paraan

[02:08.45] Kahit minsan may pasan ko, langit ang nakadagan

[02:11.48] Bawat santo na alam ay aking dinadasalan

[02:13.72] Di sumuko, di tumukod, nakapila sa daan

[02:16.71] Kahit na itong sapatos eh butas ay kakayanin

[02:19.72] Na lakarin, tahakin, bahala na kung papalarin

[02:22.71] Walong libong kilometrong agwat mula dun sa amin

[02:25.45] Nandito ko sa bansa na mas marami ang buhangin

[02:27.96] Para lang sa pamilya, ako'y hindi padadaig

[02:30.96] Tinitiis ko ang inip, at ang lungkot pati lamig

[02:33.97] Nitong gabi na mag-isa, ang luha ko walang patid

[02:36.26] Pero di dapat indahin, gusto ko lang ipabatid

[02:38.96] Na pangarap at inspirasyon ang lagi kong rason

[02:41.71] Kung bakit buhay pa rin, humihinga hanggang ngayon

[02:44.72] Bigla akong pinauwi, ewan ko ba't nagkaganon

[02:47.46] Yun pala ay may naghihintay na pagkakataon

[02:50.46] At ito yon

[03:01.46] Nakatingin sa kalawakan

[03:07.37] Mga mata ay nasa tala

[03:12.96] Sa lupa na nilalakaran

[03:18.72] Sino nga bang mag-aakala?

[03:23.73] Yung nakikita mo sa TV pati sa social media

[03:26.71] Sinong nag-aakala na dati umuuwi sya

[03:29.47] Na walang pamasahe, binabaybay ang Avenida

[03:32.46] Para lamang tipirin ang kakarampot nyang kinikita

[03:35.22] Yung nakikita mo ngayong pinapalakpakan

[03:37.96] Ay nakaranas matulog habang pinapapak pa yan

[03:40.48] Ng lamok at puro kamot ang kumakalam na tiyan

[03:43.21] At may anak sya sa tabing kinakailangan paypayan

[03:45.96] Yung nakikita mo ngayon sa dyaryo at sa magazine

[03:48.97] Yung bata na dati ay nag-uulam ng asin

[03:51.70] Yung napakinggan mo sa radio ng interview-hin

[03:54.47] Ordinary lang syang tao at sya ay tulad mo rin

[03:57.22] Yung nakikita mong tumatanggap na ng plake

[04:00.24] Ay minsan din sa buhay nya, sya ay naiisantabe

[04:02.96] Dati wala silang pake, kasi walang bumibile

[04:05.46] Sa mga awit subalit pinilit nyang magpursige

[04:08.46] At yung nakikita mo sa itaas ng entablado

[04:11.21] Ay dati na rin syang hindi pinapansin ng tao

[04:13.98] Kasi daw ay mukhang gago, basura kung i-trato

[04:16.73] Ngayon madami nang nagpapakuha ng litrato

[04:19.96] Ang ibig ko lang sabihin, hindi lagi sa baba

[04:22.74] Kakayanin magawa, kung dadaanin sa tyaga

[04:25.24] Sige mangarap ka ng mataas, nakakalula

[04:28.46] Basta ang mga paa, nakasayad lagi sa lupa