Lrc Player

Isang Buhay

Abaddon
[04:24.20]·Synced by Kobe Maratas·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:21.13] Sa bawat buhay ng tao'y mayro'ng pag-ibig na nakahimlay

[00:24.63] At ang tanging dapat mo lang gawin, sa aki'y sumabay

[00:27.39] Halika na't gisingin natin ang tulog mong diwa

[00:30.13] Ibaba mo ang armas at sandatang nakakahiwa

[00:32.89] Sa pagkakataong ito, hari aking opinyon

[00:35.64] Layunin ko'y magkaisa lahat ng relihiyon

[00:38.38] Bilyon ang tao sa mundo kung ating tutuusin

[00:41.38] Bawat tao ay may buhay na pwede ring tubusin ng Diyos

[00:44.64] Ano mang oras, handa man o hindi

[00:46.89] Madadaig mo ba si Kristo sa kanyang pagtitimpi

[00:50.13] Habang pasan ang krus at ipinakong walang laban

[00:52.89] Mahal ka ng Diyos, hindi mo lang 'to nalalaman

[00:55.89] Minsan sa ating buhay, mayro'ng suliranin

[00:58.39] At hindi mo matanto kung sasapat ka ba o kukulangin

[01:01.64] Basta't mahalaga mayro'ng isang pag-ibig

[01:03.88] Umaasang may gabay na nandiyan lang sa 'ting paligid dahil tayo'y may

[01:07.64] Isang buhay na may pag-ibig, 'yan ang kailangan ko

[01:13.38] Kailangan mo at ng buong mundo

[01:15.64] Isang buhay na may pag-ibig, 'yan ang kailangan ko

[01:24.89] Kailangan mo at ng buong mundo

[01:29.14] Ako'y nabuhay sa mundong hindi inabot ang ama

[01:31.89] At inasa ang lahat sa 'king nag-iisang ina

[01:34.63] Ang mayakap sya't pasalamatan, gusto ko pa sana

[01:37.39] Nang hindi hinahangad saki'y nakalaang pamana

[01:40.39] Ngunit, ako ay naligaw, kay haba na ng sungay

[01:43.13] Sa tuwing kakausapin niya ko, mata ko'y mapungay

[01:46.13] Pinili kong daan, iba sa karaniwang bata

[01:48.89] Impiyernong itinuri, mas matindi pa yata

[01:52.14] Ang mapayapa at pangakong paraiso

[01:54.39] Ay 'di mo makakamtan kung nasa bulsa mo ay piso

[01:57.63] Limutin na lang ano man ang maibigan

[02:00.14] Kung wala kang pera, walang tapat na kaibigan

[02:02.89] Masaklap man ang inabot ko, katulad ba sa 'yo

[02:05.89] Istorya ko't maging sayo'y hindi naman nagkalayo

[02:08.64] Siguro nga pareho lang tayo ng naranasan

[02:11.39] Tuloy pa rin ang luha, ilan beses man punasan dahil mayro'n kang

[02:14.89] Isang buhay na may pag-ibig, 'yan ang kailangan ko

[02:20.89] Kailangan mo at ng buong mundo

[02:25.38] Isang buhay na may pag-ibig, 'yan ang kailangan ko

[02:32.14] Kailangan mo at ng buong mundo

[02:37.14] Dumalaw sa mga kaibigan para matulungan sila

[02:39.64] Na maibsan ang kalungkutan sa kulungan

[02:42.14] 'Yan ang aking gawain dati kung alam niyo

[02:44.64] Sa piling ng mga kasama kong nakabilanggo

[02:47.39] Sa mga kasama kong nasa laya na may atraso

[02:50.38] Lihim na kung mamuhay at binilang na retaso

[02:53.89] At isang pilas ng papel na nilamukos

[02:56.89] Kasalanan ba nila kung ang galit biglang mabuhos

[02:59.14] At bakit ganon? 'Pag sinabing Muslim ay matapang

[03:01.89] 'Pag sinabing taga Capiz, mangkukulam, mambabarang

[03:04.64] 'Pag sinabing waray, walang awa akong pumatay

[03:07.13] At 'pag sinabing Pilipino, alipin habang-buhay

[03:09.89] Ako ay Pilipino, isa rin sa kinakapos

[03:12.63] Tanong ko lang, sino ba yung tinatawag nilang Diyos?

[03:15.63] Siya ba 'yung nakasama mo sa madilim na eskinita

[03:18.39] At inakay ka sa may liwanag kahit 'di mo siya nakita?

[03:22.14] Isang buhay na may pag-ibig, 'yan ang kailangan ko

[03:28.14] Kailangan mo at ng buong mundo

[03:33.39] Isang buhay na may pag-ibig, 'yan ang kailangan ko

[03:39.38] Kailangan mo at ng buong mundo

[03:44.64] Isang buhay na may pag-ibig, 'yan ang kailangan ko

[03:50.39] Kailangan mo at ng buong mundo

[03:55.63] Isang buhay na may pag-ibig, 'yan ang kailangan ko

[04:02.39] Kailangan mo at ng buong mundo