Bulag, Pipi at Bingi
[00:04.89] Sa bawat yugto ng buhay
[00:06.89] May wasto at may mali
[00:08.64] Sa bawat nilalang
[00:10.39] Ay may bulag, may pipi, at may bingi
[00:16.96] Madilim ang 'yong paligid, hating-gabing walang hanggan
[00:22.96] Anyo at kulay ng mundo sa 'yo'y pinagkaitan
[00:28.97] 'Wag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan
[00:35.21] Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan
[00:45.22] Hindi nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
[00:50.71] Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
[00:56.71] Hindi makita, 'di madinig, minsa'y nauutal
[01:02.96] Patungo sa hinahangad na buhay na banal
[01:14.72] Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin
[01:20.47] Sigaw ng puso't damdamin, wala sa 'yong pumapansin
[01:26.47] Sampung daliri, kaibigan, d'yan ka nila pakikinggan
[01:32.71] Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman
[01:42.47] Hindi nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
[01:48.71] Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
[01:54.72] Hindi makita, 'di madinig, minsa'y nauutal
[02:01.22] Patungo sa hinahangad na buhay na banal
[02:24.46] Ano sa 'yo ang musika? Sa 'yo ba'y mahalaga?
[02:30.71] Matahimik mong paligid, awitan ay 'di madinig
[02:36.96] Mapalad ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo
[02:43.47] Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo
[02:52.57] Hindi nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
[02:59.08] Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
[03:05.07] Hindi makita, 'di madinig, minsa'y nauutal
[03:11.58] Patungo sa hinahangad na buhay na banal
[03:19.58] Hindi makita, 'di madinig, minsa'y nauutal
[03:25.82] Patungo sa hinahangad na buhay na banal
