Lrc Player

Norem

Shantidope
[04:44.42]·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:12.75] Dami nang gustong kumuha

[00:15.52] D'yan na lang sa may bangketa

[00:19.05] Para 'di masyadong kita

[00:22.32] Nang mabenta ko'ng paninda ko, oh-oh-oh, oh-oh-oh

[00:31.10] Ano ba 'to, oh-oh-oh, oh-oh-oh

[00:31.60] Binebenta ko, oh-oh-oh, oh-oh-oh

[00:34.38] Pa'no ba 'to, oh-oh-oh, oh-oh-oh

[00:36.63] Ako lang ang meron nito

[00:38.65] Alas-12, hating gabi

[00:42.43] Pwedeng pa-gramo gramo kung gusto bumili

[00:45.18] Abutan ng bayad sa may tabi-tabi

[00:48.18] Ingat lang dahil baka may makasalisi

[00:51.20] Makinig sa istorya do'n sa may Divisoria

[00:54.47] Alamin ang lahat tungkol sa anak ni Aling Gloria

[00:57.49] Palagi nasa lansangan kahit na maalinsangan

[01:01.26] 'Di siya nag-aalinlangan basta't tama'ng bentahan

[01:04.05] Kaya ingat lang sa kapkapan, baka magka-bakbakan

[01:07.56] May bakal ka ba na dala na katulad nila, sinubukang lumaban?

[01:10.83] 'Wag n'yo akong tutularan sa tabi ng kanyang pangalan

[01:13.83] May dugo na namang bumaha sa daan na kailangang punasan

[01:17.11] Kailan kaya matututo? 'Wag matigas iyong ulo

[01:20.37] 'Di nakontento sa porsyento, dividendo, kilo-kilo

[01:23.62] Napariwara na ba ay ilan, sagot laging tanong ay kailan

[01:26.89] Ilan pa bang buhay ang dapat masira't kailangang hanguin sa putikan

[01:30.15] Paninda ko, oh-oh-oh, oh-oh-oh

[01:33.16] Ano ba 'to, oh-oh-oh, oh-oh-oh

[01:35.41] Binebenta ko, oh-oh-oh, oh-oh-oh

[01:39.21] Pa'no ba 'to, oh-oh-oh, oh-oh-oh

[01:41.47] Ako lang ang meron nito

[01:43.74] Ako na lang ang meron, wala na dito sa 'min

[01:46.76] Mga isdang kasabaya'y naprito na't nadaing

[01:50.04] Sistemang mapanlamon, ang dami kong inihain

[01:53.06] Handa 'kong mamatay dahil may dapat na buhayin

[01:56.07] Pamilyang umaasang matulungan sila

[01:59.10] Buo kong nilunok ang kaba kahit maputol ang paghinga

[02:02.36] 'Di puwedeng ako'y makulong, lalaban ako kahit mag-isa

[02:05.37] Sabog ulo man o palit ulo kahit pa magturo pa ng iba

[02:08.64] Nakulong na si kosa, nanlaban na si tropa

[02:11.91] Pasensya na kayo, kailangang maabot ang kota

[02:14.92] Para 'to sa pangsuporta, wala nang makakakontra

[02:17.94] Trabaho lang, walang personalan bago lumayo ng sobra

[02:21.71] Sa espadahan ng sungay, kailangan ikaw ay mahusay

[02:24.74] Kailangang masigurado ko ang kinabukasan ng aking pamilya bago humandusay

[02:28.52] 'La akong pakialam kung marami na nabiktima at nahulog sa hukay

[02:31.78] Mga ilang kilo na lang ay titigil na din ako sa ganitong hanapbuhay

[02:35.06] Gusto ko na talagang magbagong buhay

[03:03.82] Kasi lumalaki na 'yong mga anak ko

[03:05.33] Mamang nakaputi pede ka bang lumingon

[03:07.60] 'Yong tinda mo sa 'yong munting kariton

[03:11.10] Ang bibig ko'y tikom lang, kita'y lalago

[03:14.11] Basta may libreng tikim sa iyong nilalako

[03:17.14] Sabi ko noon kay inay, kaya ko na pong mag-isa

[03:20.42] Sa pagbabalik ko ultimo sa mga ngipin ko'y walang natira

[03:23.69] Sa kada pandikit ko nagtatanong sa sarili nang maiba

[03:26.72] Papa'no kung maaga ko mapagnasahan ang aking mabatong lapida

[03:30.25] Kaya kahit na 'ko'y dilat, hirap manalamin

[03:33.27] Kung kaninong bungod 'yong kaharap ko sa salamin

[03:36.54] Pero kahit madalas mapraning, bihasang-bihasa na 'to sa pagdating

[03:39.79] Sa galawan, ako lamang ang tanging biktima at salarin

[03:43.07] Pinugad ang kagipitan, salapi't kaibigan

[03:46.59] Habang buhay dinala, kasiyahan na panandalian

[03:49.84] Mundong nilasap ko ng matagal kahit pa sabik pa kong iwan

[03:53.11] Kaso sa huli rehas at libingan lamang ang pwede kong pagpilian

[03:56.12] Dami nang gustong kumuha

[03:59.38] D'yan na lang sa may bangketa

[04:02.65] Para 'di masyadong kita

[04:05.91] Nang mabenta kong paninda ko, oh-oh-oh, oh-oh-oh

[04:11.20] Ano ba 'to, oh-oh-oh, oh-oh-oh

[04:14.47] Binebenta ko, oh-oh-oh, oh-oh-oh

[04:17.99] Pa'no ba 'to, oh-oh-oh, oh-oh-oh

[04:20.74] Ako lang ang meron nito

[04:26.80] Ako lang ang meron nito

[04:32.33] Ako lang ang meron nito