Lrc Player

Goodson Remix

Hero
[02:27.07]·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:08.81] Ikaw na naman, 'di ba kalalabas mo lang

[00:00.00] Kung magsulat ka ng kanta, laging binibilisan

[00:00.00] Parang lupang 'di tigang sa letra mong binang

[00:00.00] Walang tigil sa pag-agos pinapadulas mo lang

[00:00.00] Hindi naman super lolo pero bakit sumasabog

[00:00.00] Ang lahat nakuha mo kahit 'di makapal ang apog

[00:00.00] Pinagmanhik-manaog, ibang klaseng tagalog

[00:00.00] Parang alta-presyon sa kumakapal na batok

[00:00.00] Tapos na'ng biruan walang pala-palabok

[00:00.00] Wag kang gumamit ng baldeng butas sa pagsalok

[00:00.00] Magpahagod 'pag napagod 'pag dumagok magpadagok

[00:00.00] Laging handa sa pagsusulit kahit walang pasok

[00:00.00] Ang bata na inaral ang abakada

[00:00.00] E ga ha i la ma na nga o pa ra sa ta o wa ya

[00:00.00] Kung 'di makasabay sa aking maka-kaya

[00:00.00] Bumaba ka sa aking pasada mama para

[00:00.00] Ibalik ang bayad sumayad ang speaker sa lakas

[00:00.00] Ng tunog lumubog ang mga mapangahas

[00:00.00] Na humahamig kahit na hangin lang ang kinahig

[00:00.00] Nag-uunahan sa pagdampot ng putik at ipahid

[00:00.00] Sino ang magaling? Palaging sumisigaw

[00:00.00] Sa loob ng kaing na may kaiburong na manggang hilaw

[00:00.00] O kandilang tunaw o itak na bingaw

[00:00.00] 'Pag pinagsama natin ang mga yan, oo ikaw

[00:00.00] Matagal-tagal na rin po akong nagtatampisaw

[00:00.00] Sa tubig na kung minsan ay parang kanal sa hangin

[00:00.00] Kaya may oras na parang gusto kong bumitaw

[00:00.00] Ngunit salamat sa hindi nadadala sa akin

[00:00.00] Pero aamin ko nakakapanghinayang

[00:00.00] Lisanin ang trabaho na kailangan mong tibayan

[00:00.00] Ang muka mo, di na bagong kabisado na tula to

[00:00.00] Sa muka mo, itaya mo, pati pato, ano kamo

[00:00.00] Bawat cd'ing nabenta mo wala pang limang piso

[00:00.00] Ang babalik sayo teka wala kang benepisyo

[00:00.00] Pero ayos lang kasi ito ang 'yong pinagdasal

[00:00.00] 'Di man kasing bango ng lahat ng nahahalal

[00:00.00] Mga nakakarinig sila ang suma total

[00:00.00] Pagkakataong humukay ng panibagong bukal

[00:00.00] Na humuhubog sa isip ng mga batang may pangarap

[00:00.00] Kahit ano mangyari wag kang bibitaw sa yakap

[00:00.00] Yan ay hindi patapon

[00:00.00] Ilabas mo sa kahon

[00:00.00] Mga letrang mamantika, malasa pa sa hamon

[00:00.00] Hayaang ipasa ko sayo ang pagkakataong

[00:00.00] Masabi ang mga saloobin simula pa no'n

[00:00.00] Ikaw naman