Magda by Gloc9
[00:14.45] Magdalena ano'ng problema
[00:17.00] Bakit ‘di ka makawala sa kadena?
[00:19.49] At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda
[00:22.00] Na hanap buhay mo ngayon
[00:24.75] Magdalena ano'ng problema
[00:27.25] Alam naman natin na dati kang nena
[00:29.75] At sa iyong ama ikaw ay prinsesa
[00:31.99] Ano'ng nangyari sa'yo?
[00:34.51] Ito'y kwento ng isang babaeng
[00:39.76] Tulog sa umaga, gising sa gabi
[00:44.75] Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete
[00:49.75] Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi
[00:53.26] Simulan na natin ang istorya
[00:55.23] Ako'y kanyang matalik na kaibigan
[00:58.00] Ernesto ang aking pangalan
[01:00.49] Kwentong dapat ‘nyong malaman
[01:03.00] ‘Wag nang magbulag bulagan
[01:05.50] Bakit ang nais natin ay malaman ang baho ng iba?
[01:11.76] Pagbibigyan kita
[01:14.00] Kilala mo ba si Magda?
[01:15.73] Na aking kababata mula pa ng pagkabata
[01:18.24] Kami lagi magkasama mga bangkang papel sa sapa
[01:21.00] Kanyang ngiti lumiliwanag ang paligid
[01:22.75] At pag siya'y dumadaan mga leeg ay pumipilipit
[01:25.94] Ubod ng ganda noong siya ay nagdalaga
[01:28.20] Tuwing kausap ko na malimit akong tulala
[01:30.68] Kahit may nararamdaman pinilit kong isara
[01:33.19] Ang bibig at pintig ng puso sa kanya
[01:35.69] At sa sayawan matapos kaming makapagtapos
[01:38.19] Dahil pinawis ang mukha ako'y nagpunas ng pulbos
[01:40.94] Kahit parang hindi pantay ay nagmamadaling hinila
[01:43.71] Pinakilala niya lalaki na taga Maynila
[01:46.42] Magdalena ano'ng problema
[01:48.94] Bakit ‘di ka makawala sa kadena?
[01:51.43] At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda
[01:53.94] Na hanap buhay mo ngayon
[01:56.69] Magdalena ano'ng problema
[01:59.19] Alam naman natin na dati kang nena
[02:01.70] At sa iyong ama ikaw ay prinsesa
[02:04.19] Ano'ng nangyari sa'yo?
[02:06.44] Maraming taon ako'y nalipasan
[02:09.69] Pinilti ko mang takasan
[02:11.94] Bagkus ay aking nalaman
[02:14.69] Ang tunay kong kailangan
[02:16.93] ‘Di ko maibaling ang pagtingin ko sa iba
[02:23.19] Minamahal ko s'ya
[02:25.44] Hahanapin ko si Magda
[02:27.19] Lumuwas habang nagdarasal na maabutan
[02:29.45] Sa lugar na ang sabi'y kanyang pinagtatrabahuhan
[02:32.17] Nakita ko'ng larawan niya na nakadikit sa pintuan
[02:34.94] Iba man ang kulay ng buhok ‘di ko malilimutan
[02:37.43] Ang kanyang mata at tamis ng kanyang ngiti
[02:39.70] At dahil ubod ng saya hindi na nag atubili
[02:42.19] Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim
[02:44.69] Madaming lamesa't mga nag-iinumang lasing
[02:47.20] Nang biglang nagpalakpakan may mabagal na kanta
[02:49.94] Sa maliit na entablado ay nakita ko na
[02:52.69] Ako ay nagtaka, nagtanung, nagkamot
[02:55.20] Bakit s'ya sumasayaw na sapatos lang ang suot?
[02:57.44] Ito'y kwento ng isang babaeng
[03:02.94] Tulog sa umaga, gising sa gabi
[03:07.70] Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete
[03:12.95] Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi
[03:16.19] Ituloy natin ang istorya
[03:18.20] Agad siyang sumama sa'kin walang kakabakaba
[03:20.59] Ang trato niya sa'kin ay nobyo tila katakataka
[03:23.07] Bumaba sa taxi-ng pinara sa Sta. Mesa
[03:25.82] Parang ako'y bida sa mga sumunod na eksena
[03:28.32] Kung ito ay panaginip ayoko nang magising
[03:30.57] Ngunit ako'y nanaginip umaga na nang magising
[03:33.27] Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag
[03:35.77] Liham para sa'kin na isinulat niya magdamag
[03:38.52] Kahit gulong gulo ang isip pinilit kong basahin
[03:41.02] ‘Di malilimutan ang mga sinabi niya sa akin
[03:43.53] Mahal kong Ernesto alam kong tulog mo'y malalim
[03:46.27] ‘Di na ‘ko nagpaalam ‘di na kita ginising
[03:48.77] Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay
[03:51.28] At sa pinakamasayang gabi ng aking buhay
[03:53.76] Nung iniwan ko ang baryo natin ang akala ko
[03:56.53] Isang tunay na pag-ibig ang matatagpuan ko
[03:58.77] Hinanap kung saan-saan at kung kani-kanino
[04:01.52] ‘Di ko inakalang ito ang kahahantungan ko
[04:03.77] Imbis na ako'y sagipin itinulak sa bangin
[04:06.53] Ito pala'ng ibig sabihin ng kapit sa patalim
[04:09.03] Kung mabaho sabunin, kung makati gamutin
[04:11.52] Kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin
[04:14.01] Kahit ako ay bayaran at kaladkaring babaeng
[04:16.77] Alam ang amoy ng laway ng iba't-ibang babae
[04:19.28] Isa lang ang kaya kong sayo'y maipagmalaki
[04:21.78] Ikaw lang ang bukod tanging hinalikan ko sa labi
[04:24.51] Gusto ko mang manatili sa'yong mga yakap
[04:27.03] Ako may natutuwa dahil ako'y iyong nahanap
[04:29.52] Wala na yatang walis ang makakalinis ng kalat
[04:32.27] At ang katulad ko sa'yo ay ‘di karapat-dapat
[04:34.78] Pinangarap kong sa altar ako'y iyong ihatid
[04:37.03] Ngunit sa dami ng pait ang puso ko'y namanhid
[04:39.75] ‘Di ko makakalimutan ang pabaon mong halik
[04:42.27] Pero pakiusap huwag ka na sana pang babalik
[04:45.01] Regalo ng Maykapal ang ikaw ay makilala
[04:47.49] Salamat sa ala-ala, nagmamahal Magda
[04:50.24] Magdalena ano'ng problema
[04:52.77] Bakit ‘di ka makawala sa kadena?
[04:55.24] At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda
[04:57.73] Na hanap buhay mo ngayon
[05:00.48] Magdalena ano'ng problema
[05:02.98] Alam naman natin na dati kang nena
[05:05.49] At sa iyong ama ikaw ay prinsesa
[05:07.99] Ano'ng nangyari sa'yo?
[05:10.49] Ito'y kwento ng isang babae
