Lrc Player

Sirena

Gloc 9 ft Ebe Dancel
[04:35.23]·Synced by Guest·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:05.51] Ako'y isang sirena

[00:08.51] Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda

[00:13.02] Ako'y isang sirena

[00:16.80] Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba

[00:23.05] Drum na may tubig ang sinisisid

[00:27.80] Naglalakihang mga braso, saki'y dumidikdik

[00:32.81] Drum na may tubig ang sinisisid

[00:37.57] Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib

[00:42.33] Simula pa nang bata pa ako,

[00:44.84] Halata mo na kapag naglalaro

[00:47.34] Kaya parang lahat ay nalilito,

[00:49.85] Magaling sa chinese garter at piko

[00:51.60] Mga labi ko'y pulang pula,

[00:54.60] Sa bubble gum na sinapa

[00:56.61] Palakad-lakad sa harapan ng salamin,

[00:58.86] Sinasabi sa sarili "ano'ng panama nila?"

[01:01.62] Habang kumekembot ang bewang,

[01:03.62] Mga hikaw na gumegewang

[01:04.62] Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang

[01:06.87] Upang matakpan ang mga pasa sa mukha

[01:09.88] Na galing sa aking ama

[01:11.38] Na tila di natutuwa sa tuwing ako'y nasisilayan

[01:13.89] Laging nalalatayan,

[01:14.89] Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan

[01:16.39] Na imbes na tumigas ay tila lalong lumambot

[01:19.90] Ang puso kong mapagmahal

[01:20.91] Parang pilikmatang kulot.

[01:22.16] Ako'y isang sirena

[01:24.91] Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda

[01:31.92] Ako'y isang sirena

[01:34.93] Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba

[01:40.68] Drum na may tubig ang sinisisid

[01:45.19] Naglalakihang mga braso, saki'y dumidikdik

[01:50.21] Drum na may tubig ang sinisisid

[01:54.72] Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib

[01:59.98] Hanggang sa naging binata na ako

[02:02.24] Teka muna mali, dalaga na pala 'to

[02:04.75] Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin

[02:06.76] Ano bang mga problema nyo?

[02:10.01] Dahil ba ang mga kilos ko'y iba,

[02:12.27] Sa dapat makita ng inyong mata

[02:14.27] Sa tuwing nanonood ng liga laging natutulala

[02:17.03] Kahit di pumasok ang bola ako'y tuwang-tuwa

[02:20.04] Kahit kinalyo na sa tapang, kasi ganun na lamang

[02:23.05] Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang

[02:25.06] Tama na naman itay, di na po ako pasaway

[02:27.31] Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay

[02:29.82] Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon

[02:32.32] Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon

[02:34.07] Kasi araw-araw na lamang ay walang humpay na banat

[02:37.33] Ang inaabot ng ganda kong pang-ilalim ng dagat

[02:40.34] Ako'y isang sirena

[02:43.59] Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda

[02:49.10] Ako'y isang sirena

[02:53.36] Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba

[02:58.62] Drum na may tubig ang sinisisid

[03:03.63] Naglalakihang mga braso, sa'kin dumidikdik

[03:08.64] Drum na may tubig ang sinisisid

[03:13.64] Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib

[03:17.65] Lumipas ang mga taon, nangagsipag-asawa

[03:20.91] Aking mga kapatid, lahat sila'y sumama

[03:23.16] Nagpakalayo-layo ni hindi makabisita

[03:25.67] Kakain na po itay, nakahanda na'ng lamesita

[03:27.92] Akay-akay sa paglakad paisa isang hakbang

[03:30.17] Ngayo'y buto't balat ang dati matipunong katawan

[03:33.18] Kaya sa iyong kaarawan, Susubukan kong palitan

[03:35.69] Ang lungkot na nadarama, wag na po nating balikan

[03:37.94] Kahit medyo naiinis hindi dahil sa nagka-cancer

[03:40.44] Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y naka-duster

[03:42.44] Isang gabi, ako'y iyong tinawag, lumapit

[03:45.46] Ako sa'yong tabi ika'y tumangan, kumapit

[03:47.96] Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita

[03:50.22] Anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa

[03:52.47] Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha

[03:54.74] Dahil kung minsan mas lalaki pa sa lalaki ang bakla

[03:57.50] Drum na may tubig ang sinisisid

[04:00.75] Naglalakihang mga braso, saki'y dumidikdik

[04:06.77] Drum na may tubig ang sinisisid

[04:10.78] Sa patagalan ng paghinga,

[04:13.30] Sa'kin kayo ay bibilib

[04:16.55] Ako'y isang sirena

[04:20.80] Kahit anong gawin nila

[04:25.56] Bandera ko'y di tutumba