Lrc Player

HULING PATAK NG LUHA by Still One, Hambog & Flickt One ( Lyric) (320 kbps)

Unknown artist
[06:22.08]·Synced by Guest·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:22.99] Matagal na buhat ng tinapos mo kung ano ang meron tayo

[00:27.00] At ang masakit nun saglit lang meron ka na agad bago

[00:30.49] Malambing ka sa kanya pero ba't sa'kin hindi ka ganon?

[00:33.23] Tiniis ko ang tratong malamig sa pagtagal natin ng tatlong taon

[00:36.26] Wala kang ginawa kundi ang pasakitan lang ako at idapa

[00:39.75] Sa kalungkutan at bigat ng loob diba dun mo'ko dinala?

[00:42.74] Puro poot ang aking napala

[00:43.98] Sobrang sakit ang aking nadama nung makita kong may iba ka na

[00:46.99] Tang ina, buti ka pa

[00:48.74] Ikaw ay hinabol ko kahit pinagtutulakan mo'ko palayo

[00:51.75] Kahit masakit sa'kin, bakit pinagmamasdan ko pa kayo?

[00:54.74] Magkahawak kamay

[00:56.50] Ang ganda ng lagay

[00:57.23] Habang ako'y durog -- parang mamamatay

[00:58.50] Labis na nanamlay sa paghihiwalay

[00:59.75] Sarili ko, saan ko ba ilalagay?

[01:01.74] Habang nakikita kong napaibig ka nya, nahawakan ka nya

[01:03.99] Parang ayoko nang mabuhay mag-isa

[01:05.49] Gusto kong mamatay na at magpahinga

[01:06.99] Bakit ba ang sakit mo mahalin?

[01:08.74] Anong kasalanan ko sa Maykapal?

[01:10.24] Kung meron man? Sa tingin ko yun ang labis kitang minahal

[01:13.00] Marahil hindi nga ikaw ang tadhana ko

[01:18.01] Magiging bahagi ka nalang ng alaala ko

[01:24.75] Alam kong hindi ganon kadali ang lahat

[01:30.50] Pero salamat sa pagmamahal mo

[01:35.99] Patawad sa mga pagkukulang ko

[01:42.24] Pangakong huling patak na ng luha 'to

[01:49.00] Maging masaya ka sana't mag-iingat ka

[01:55.24] Mahirap man pero alam mong ito ang mas makakabuti para sa'ting dalawa

[02:02.75] Mali pala ang makinig sa'yo

[02:05.73] Pero alam mo? Ako'y bilib sa'yo

[02:08.74] Kase ang puso ko mahirap 'tong wasakin

[02:12.00] Pero ikaw palang nakasakit sa akin

[02:14.99] Ang galing no? Ako'y iyong napagtripan

[02:18.50] Kakahiwalay palang agad mo'kong napalitan

[02:21.00] At aking natutunan nung ikaw ay nakamtan

[02:23.75] Madali lang manakit, ngunit mahirap masaktan

[02:27.23] Ganon pa man, bakit ako'y nagpapakahangal?

[02:30.24] Kahit na meron ka nang pinalit na iba, ba't ikaw parin ang aking mahal?

[02:33.22] Bakit ako nagkakaganito?

[02:34.75] Bakit ako nagpapakatanga?

[02:36.49] Bakit ako umaasa sa tao na 'di naman ako ang mahalaga?

[02:39.24] Bakit ganon? Bakit ganyan? Bakit ako ay sinaktan mo rin?

[02:42.49] Bakit ang dami kong tinatanong kahit na alam kong di mo sasagutin?

[02:45.49] Kahit na pagdudusa pinapadama mo sa akin, pilit kitang aabutin

[02:48.48] Ba't kahit ang sakit sakit na, bakit gusto ko pa din?

[02:51.49] Marahil hindi nga ikaw ang tadhana ko

[02:56.25] Magiging bahagi ka nalang ng alaala ko

[03:02.99] Alam kong hindi ganon kadali ang lahat

[03:09.25] Pero salamat sa pagmamahal mo

[03:14.50] Patawad sa mga pagkukulang ko

[03:20.74] Pangakong huling patak na ng luha 'to

[03:27.74] Maging masaya ka sana't mag-iingat ka

[03:33.75] Mahirap man pero alam mong ito ang mas makakabuti para sa'ting dalawa

[03:41.49] Hanggang ngayon ay ikaw parin sinta

[03:52.74] Ang alaala mo ay yakap ko oohh

[04:02.49] Sa init at lamig

[04:06.00] Pagod na pagod na akong umiyak

[04:07.24] Pagod na pagod na akong mahirapan

[04:08.75] Pagod na pagod na akong marinig na tayo'y di na magkakabalikan

[04:11.74] Pagod na ako, hindi ko na kaya

[04:13.24] Siguro hanggang dun nalang talaga

[04:14.74] Siguro kailangan ko nang ilakad palayo sa'yo ang aking mga paa

[04:17.75] Pangako hindi na ako aasa na ikaw ay muli ko pa na makukuha

[04:20.73] Pangako huli na 'to hindi na papatak ang aking mga luha

[04:23.99] Pangako wala ng ako na palagi kang haharangan ka sa daan

[04:27.00] Pangakong magbuhat ngayon, lalayo na ako, di mo na 'ko mararamdaman

[04:30.00] Uulitin ko, hindi mo na 'ko mararamdaman

[04:33.24] Lalayuan na kita dahil di ko makakalimutan pa na tandaan

[04:36.25] Na sinaktan, pinalitan mo ako, bakit ano'ng dahilan?

[04:39.50] Dahil ba di ka na masaya sa'kin kaya ang solusyon mo'y palitan

[04:42.25] Ang katulad kong nagmamahal sa iyo kahit na paghihirap lang ang kapalit?

[04:45.50] Tang ina, minahal kita alam mo yan, ako'y di sumusuko kahit masakit

[04:48.50] Ngunit tama na, tama na, tama na

[04:49.99] Oo, tama na ang pagdudusa ko

[04:51.98] Ito na aang huling pagpatak ng luha ko

[04:56.99] Matagal na kaming nagdudusa

[04:59.24] Madami na din kaming naipatak na mga luha

[05:03.74] Nakakasawa na

[05:06.99] At nakakapagod din

[05:09.75] Kaya tama na siguro yun

[05:13.24] Kaya ito ang huli naming pamamaalam

[05:17.50] Marahil hindi nga ikaw ang tadhana ko

[05:24.00] Magiging bahagi ka nalang ng alaala ko

[05:30.98] Alam kong hindi ganon kadali ang lahat

[05:36.99] Pero salamat sa pagmamahal mo

[05:42.24] Patawad sa mga pagkukulang ko

[05:48.50] Pangakong huling patak na ng luha 'to

[05:55.75] Maging masaya ka sana't mag-iingat ka

[06:03.00] Mahirap man pero alam mong ito ang mas makakabuti para sa'ting dalawa