Lrc Player

Classmate - Hambog ng Sagpro Krew

Unknown artist
[05:42.23]·Synced by Guest·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:24.69] Unang araw palang minahal na kita

[00:29.94] Bakit ba ganito ang aking nadama

[00:34.94] Di man kita lubusan pang kilala

[00:40.69] Eh ano naman basta mahal kita

[00:45.44] Unang araw sa school ako'y nasa eskwelahan

[00:48.19] Uniporme ay cool baka may maeksenahan

[00:50.93] Syempre meron bagong chicks ngayon nagenroll

[00:53.44] Kaso yung iba mukang pang shake rattle and roll (Oh)

[00:56.44] Pero iisa ang agaw pansin

[00:58.69] Isang babaeng kumakain magisa sa canteen

[01:01.18] Tapos lalo pa kong natuwa at lalong sumaya

[01:03.69] Nung nalaman ko ang crush ko classmate ko pala

[01:06.44] Haha ngayon nga madiskartehan

[01:08.68] Wala akong pake kung magtaray o maginarte yan

[01:10.68] Basta gusto ko lang sabihin salitang nakakasado

[01:13.93] Sa exam ng puso ko alam mo ba ikay pasado

[01:16.69] Pero teka lang pangalan mo di ko pa alam

[01:19.44] "Hoy mister wag kang maingay" tumahimik ka ma'am

[01:22.18] Anyway di ko pa rin alam pangalan mong banal

[01:24.18] Pero pwede ba tawag ko nalang sayo mahal

[01:27.19] Unang araw palang minahal na kita

[01:32.43] Bakit ba ganito ang aking nadama

[01:37.67] Di man kita lubusan pang kilala

[01:40.94] Eh ano naman basta mahal kita

[01:47.69] 2nd subject andun kame sa may lab

[01:50.69] Hindi ako nakikinig titig ako kay my love

[01:53.43] Oo love na nga kita L-O-V-E

[01:55.69] Di ko dama ang pagod ko kahit na mag P. E.

[01:58.45] Pag topic ay P. C. ito'y hindi easy

[01:59.94] Kaya ika'y busy pero ako'y sisi-

[02:02.18] Ngit pa rin sa oras mo kahit ikaw ay maines

[02:05.94] Kase ikaw bumubusog sa puso ko kapag recess

[02:08.69] Kung eskwelahan ang puso ko ikaw ang principal

[02:11.44] Dahil sinusunod lamang nito kanyang minamahal

[02:14.19] Daig ko pa ang first honor kapag nakita kita

[02:16.44] Ikaw solution sa problem sa matematika

[02:18.94] Ng buhay ko kase ikaw plus ako equals for better

[02:21.69] Multiply by tiwala at love equals forever

[02:24.43] At wala ng pwedeng magdivide sa ating dalawa

[02:27.19] Kase sa aklat ng Sibika tayo'y nakatalaga

[02:29.69] Unang araw palang minahal na kita

[02:34.95] Bakit ba ganito ang aking nadama

[02:40.18] Di man kita lubusan pang kilala

[02:45.44] Eh ano naman basta mahal kita

[02:50.44] Tumatangge ako sa tropa pagsinabeng cutting tayo

[02:52.94] Kase misyon ko saking pagpasok maging tayo

[02:55.44] Yayayain lang nila ko sa bilyarang kalapitan

[02:57.94] Bakit pa ko dun sasamakung sayong tabe kalangitan

[03:01.19] Di ba tama aking katuwiran

[03:03.19] Sa eskwelahan dun lang kita natatabihan

[03:05.93] Kapag ikaw ang seatmate ko ayoko ng lumisan

[03:08.44] Sana dito nalang tayo at walang uwian (Damn)

[03:11.44] Baliw na ba ko hay nako lagot

[03:13.44] Saking assignment, quiz at exam pangalan mo sagot

[03:16.18] Lagi kong hinahanap ang yong essence at presence

[03:18.94] Kase kinukumpleto mo ang nonsense na sentence

[03:21.69] Kaya di na aabsent you're the angel God sent

[03:24.42] Ayos ba ang accent syempre laging present

[03:26.97] Di nawawala sa school laging lumalapag

[03:29.19] Kase ikaw ang dahilan kung bat ako nagsisipag

[03:31.68] Unang araw palang minahal na kita

[03:33.93] Bakit ba ganito ang aking nadama

[03:42.43] Di man kita lubusan pang kilala

[03:47.45] Eh ano naman basta mahal kita

[03:54.70] Ika'y iba sa lahat masasabeng ibang klase

[03:55.69] At salamat sapagkat ika'y aking naging kaklase

[03:58.19] At ikaw ngayon ang subject dito sa aking rap

[04:00.42] Kung hindi ka nakilala malamang ako'y nadrop

[04:03.19] Kase tamad akong binatang sawa sa eskwelahan

[04:05.69] Ngunit ikaw ay estudyante don kaya may kwenta yan

[04:08.44] Gumawa ako ng project tulang ipapabasa

[04:10.94] Di ito para kay ma'am sayo ko to papasa

[04:13.97] Sana pumasa ako sayo

[04:15.94] Sana magreview ka rin na umaasa ko sayo

[04:18.43] At ang mahalin kita hindi ko yon pinagaralan

[04:20.93] Dahil nadama ko yon ng kusa at agad agaran

[04:23.70] Classmate kong mahal sana maisip mo na

[04:26.68] Matamis mong oo ang tuturing kong diploma

[04:29.44] At bago ka mawalay sakin sa bakasyon

[04:32.46] School year na kasama ka sa puso ko babakas yon

[04:34.69] Unang araw palang minahal na kita

[04:40.69] Bakit ba ganito ang aking nadama

[04:44.68] Di man kita lubusan pang kilala

[04:49.94] Eh ano naman basta mahal kita