Ang Bayan Kong Sinilangan
[00:19.21] Ako'y isinilang sa isang bayan ng Cotabato
[00:25.48] Kasing gulo ng tao, kasing gulo ng mundo
[00:32.51] Dahil 'di magkasundo sa relihiyon at prinsipyo
[00:38.03] Nagkagulo
[00:45.70] Ang bayan ko sa Cotabato, kasing gulo ng isip ko
[00:52.08] 'Di alam saan nanggaling, 'di alam saan patungo
[00:59.10] Kapatid sa kapatid, laman sa laman
[01:05.37] Sila-sila ang naglalaban, 'di ko alam ang dahilan ng gulo
[01:19.27] Bakit nagkaganon, ang sagot sa tanong ko
[01:25.61] Bakit kayo nag-away, bakit kayo nagkagulo
[01:31.90] Prinsipyo mo'y igagalang ko kung ako'y iyong nirespeto
[01:38.44] Kung nagtulungan kayo, 'di sana magulo ang bayan ko
[01:48.47] Sa bayan kong sinilangan, sa timog Cotabato
[01:55.25] Ako ay namulat sa napakalaking gulo
[02:01.77] Dahil walang respeto sa prinsipyo ng kapwa tao
[02:08.54] Kapwa Pilipino ay pinapahirapan mo
[02:20.22] Ang gulo
[02:33.58] Ako'y nananawagan, humihingi ng tulong niyo
[02:39.59] Kapayapaa'y bigyan ng daan, kapayapaan sa bayan ko
[02:46.62] Bakit kailangan pang maglaban, magkapatid kayo sa dugo
[02:53.13] Kailan kayo magkakasundo, kapayapaa'y kailan matatamo ng bayan ko
[03:06.29] Kung ako'y may maitutulong, tutulong nang buong puso
[03:13.04] Gitara ko'y aking inaalay, kung magkagulo'y gamitin mo
[03:19.44] Kung ang kalaba'y walang puso, puso na rin ang gamitin mo
[03:26.38] Ituring mong 'sang kaibigan, isipin mong siya'y may puso rin katulad mo
[03:36.35] Sa bayan kong sinilangan, sa timog Cotabato
[03:42.87] Ako ay namulat sa napakalaking gulo
[03:49.39] Dahil walang respeto sa prinsipyo ng kapwa tao
[03:56.16] Kapwa Pilipino ay kinakalaban mo
[04:08.57] Ang gulo
