Lrc Player

Eskapo (feat. John Roa)

LOONIE
[05:03.44]·Synced by Guest·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:06.51] (Kapayapaan sa sarili kailan ko pa ba matatagpuan

[00:10.03] Araw-araw na lang ang pag-aalala parang wala na siyang katapusan)

[00:14.30] Dumudugo ng luha ang mga mata pag ang puso'y sugatan

[00:17.25] Gusto ko nang lumuha ng dugo, para ulo'y gumaan

[00:21.55] Gusto ko nang matulog, bukas ipagpapatuloy ko na lang

[00:25.00] Baka alam mo kung saan ang tamang daanan pakituro mo naman

[00:28.73] Kasi gusto kong tingnan kung nasa'n nga ba ang pinagbuhatan

[00:32.20] Ng kasalukuyan, ang hinaharap ay pinangunahan

[00:35.91] Pinarusahan nabilanggo sa nakaraan na kinamulatan

[00:39.64] Hindi na rin makapaghintay pa sa pagdating ng kinabukasan

[00:43.37] Kaya ako ay pumalaot, nagpaanod, at inabot pa ng bagyo

[00:47.14] Sumasabog ang mga alon at pinasok na ang barko

[00:51.14] Ang kisame ng kabaong ko'y puro kalmot ng kuko

[00:54.05] Ramdam ko na naman bigla ang ginaw na bumabalot sa buto, nako po

[00:58.85] Habagat na ang ihip, pag malamig magkumot

[01:01.76] Magdamag nasa isip, masasakit na hugot

[01:05.49] Masamang panaginip, ang kalakip ng tulog

[01:09.49] Kaharap pagkagising, mas malaking bangungot

[01:12.94] Kaya...

[01:15.61] Gusto lang namang kumawala

[01:17.20] Ng isip kahit pansamantala

[01:20.64] Pero bakit tila mas lumalala

[01:24.12] Di ko na alam kung saan ako dinadala

[01:28.09] Gusto lang namang kumawala

[01:31.55] Ng isip kahit pansamantala

[01:35.26] Pero bakit tila mas lumalala

[01:38.99] Minsan gusto ko na lang na mawala na

[01:42.71] Huwag kang, magpapalimita sa iisang plano ('wag na 'wag, 'wag na 'wag)

[01:47.24] Imbis na mainip pagisipan pa ng maigi kung pa'no (magdamag, magdamag)

[01:50.16] Malimit mahilig magbilin sa ibang tao

[01:53.61] Ngunit tila di ko masunod sunod ang sarili kong payo

[01:57.32] Katahimikan nakahiligan, kapaligiran parang libingan

[02:01.35] At kahit minsan walang bisita nasa dilim at nakangiti lang

[02:05.08] Naging pihikan sa pagibig, maging sa kaibigan

[02:08.29] Napili kong piitan ay ang sarili kong isipan

[02:12.25] Kaya maya't maya natataranta sa mga nakaamba na pangamba

[02:15.98] Kailangan ng pampakalma ayoko nang maalala ang pagaalala

[02:19.44] Nakakawala ng gana, isip ay parang ibong lumilipad

[02:23.70] Sa loob ng hawla na gawa sa mga negatibong posibilidad

[02:27.13] Habagat na ang ihip, pag malamig magkumot

[02:30.33] Magdamag nasa isip, masasakit na hugot

[02:34.05] Masamang panaginip, ang kalakip ng tulog

[02:37.76] Kaharap pagkagising, mas malaking bangungot

[02:41.21] Kaya madalas ay...

[02:42.53] Gusto lang namang kumawala

[02:45.47] Ng isip kahit pansamantala

[02:49.19] Pero bakit tila mas lumalala

[02:52.35] Di ko na alam kung saan ako dinadala

[02:56.91] Gusto lang namang kumawala

[03:00.38] Ng isip kahit pansamantala

[03:04.37] Pero bakit tila mas lumalala

[03:07.56] Minsan gusto ko nalang na mawala na

[03:11.28] Minsan lapis at papel ang mas madaling kausap

[03:14.60] Sakit sa ulo, ang sabi ng iba ito'y sakit sa utak

[03:18.33] Kada gabi nagmamadali na makarating sa ulap

[03:22.04] Bukas magkatabi na butas ng ilong may nakatakip na bulak

[03:25.52] Balisong sa pulso, kwarenta'y singkong nakatutok sa bibig

[03:29.51] Pero parang gusto ko yung kumot nakapulupot sa leeg

[03:33.22] Ang gulo ng buong daigdig, wala naman yatang gustong makinig

[03:36.97] Mas masarap pang mamundok, o kaya magmukmok sa sulok ng pook na liblib

[03:40.96] Puno ang dibdib ng kawalan ng pag-asa parang kusang sumusuko ang katawan sa mga pasan na wala ng hupa

[03:48.14] Para kang sa Alcatraz pumuga, sa taas ay nakakalula

[03:51.33] Makaalpas ka man sa mga bara paglabas ay wala nang lupa

[03:55.31] At kung makatakas ka man, mahal mo naman sa buhay ang sasakluban

[03:59.04] Nakakabuwang, lahat tayo balang araw isa lang ang hahantungan

[04:02.49] Kapayapaan sa sarili tsaka ko na lang to natagpuan

[04:06.51] Nung ang makitid ko na pagiisip ang siyang nagawa ko na matakbuhan

[04:10.48] Gusto lang namang kumawala

[04:21.66] Ng isip kahit pansamantala

[04:25.13] Pero bakit tila mas lumalala

[04:28.83] Di ko na alam kung saan ako dinadala

[04:32.57] Gusto lang namang kumawala

[04:36.29] Ng isip kahit pansamantala

[04:39.73] Pero bakit tila mas lumalala

[04:43.21] Minsan gusto ko nalang na mawala na