Loonie - Tao Lang
[00:01.39] Uy! si Loonie yun ah?
[00:03.39] Tara lapitan natin..
[00:04.64] Idol FlipTop tayu..
[00:06.65] Tara isa lang kuya.. Sige na...
[00:09.39] Parinig naman ng rap mo! sample naman d'yan
[00:11.89] Ang ganda naman ng cap mo! arbor nalang yan
[00:14.14] Ang yabang mo naman! wala ka bang kanta na bago?
[00:16.64] Bakit wala kang battle? Takot ka bang matalo? Ha?
[00:19.14] Paulit-ulit ang tanong ng mga tao
[00:21.39] Wag sanang apurado, anong magagawa ko?
[00:23.39] Wala akong maisip, masyado pang mainit
[00:25.89] Akala mo tuloy mukhang suplado pag tahimik
[00:28.39] Pagod lang talaga, galing gig Tuguegarao
[00:30.39] Walong oras sa van, tatlong oras sa kalabaw
[00:32.89] Tapos pag uwi ko pa para bang hindi ko malaman
[00:35.40] Kung bakit ang buhay ko ay para bang naging pelikula
[00:37.94] Laging puyat! Nagkalat ang papel na nilamukos
[00:41.15] Andame ng kapeng ipinautos
[00:42.89] Tinta ng aking bolpen, malapit ng maubos
[00:44.89] Isang patak na lang pero aking ibubuhos
[00:47.39] Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko
[00:52.18] Ako ay tao lang din naman na tulad mo
[00:56.64] Ano ba ang dapat na gawin
[00:58.90] Dapat bang kamuhian o dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang
[01:05.89] Pasensya na, tao lang
[01:08.17] Pasensya na, tao lang
[01:10.92] Pasensya na, tao lang
[01:14.65] Sapul sa pagkabata, sablay nung tumanda
[01:17.14] Lumakad humakbang hanggang sa madapa
[01:19.39] Wag kang mawawalan ng pag-asa, wag kang madadala
[01:22.39] Kung wala ka pang mali wala ka pang nagagawa
[01:24.64] Madadapa ka muna bago ka matutong lumakad
[01:27.14] Ang buhay ay utang, hulugan ang bayad
[01:29.40] Kaya wag kang matakot magkamali
[01:31.38] Pero alalay lang wag kang masyadong magmadali
[01:34.14] Yan ang sabi sa akin ng aking itay
[01:36.64] Na pinapaalala palagi sakin ni inay na kadalasan ay
[01:39.89] Hindi nasusunod
[01:41.16] Ayoko ng sumali, gusto kong manuod
[01:43.39] Minsan wala ng gana, ayoko ng mag Rap
[01:45.66] Kase akala ko dati, alam ko na lahat
[01:48.14] Yun pala kulang pa ang kaalaman kong labis
[01:50.64] Ngayon alam ko na kung ba't may pambura ang lapis
[01:52.89] Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko
[01:57.39] Ako ay tao lang din naman na tulad mo
[02:02.64] Ano ba ang dapat na gawin
[02:03.92] Dapat bang kamuhian o dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang
[02:11.39] Pasensya na, tao lang
[02:13.64] Pasensya na, tao lang
[02:15.90] Pasensya na
[02:19.64] Pero di ba tao ka lang din, hindi mo ba napansin?
[02:22.13] Kahit anong taas mo na, titingala ka pa rin
[02:24.64] Kahit planuhin mong mabuti, bakit ganun pa din?
[02:26.89] Di maiwasan na magkamali kahit anong gawin
[02:29.14] Kadalasan, nangyayari ay ang kabaliktaran
[02:31.89] Marami kang detalye na makakaligtaan
[02:33.90] Mamamali ka ng daan lalo kung wala kang g'anong alam
[02:36.64] Ano magagawa mo? Tao ka lang
[02:38.64] Napapagod, natatakot, naiinip
[02:41.39] Natatawa, nagtataka, naiinggit
[02:43.89] Nangangawit, nagagalit, nabibigla
[02:46.39] Nalulungkot, nauutot, nahihiya
[02:48.68] Natutukso, nakukonsensya, nauubusan din ng pasensya
[02:53.39] Nasasaktan, nagmumura pero nagmamahal pa rin kahit natuto na
[02:58.14] Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko
[03:02.66] Ako ay tao lang din naman na tulad mo
[03:07.14] Ano ba ang dapat na gawin
[03:09.64] Dapat bang kamuhian o dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang
[03:16.64] Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko
[03:21.41] Ako ay tao lang din naman na tulad mo (tao lang pasensya na)
[03:25.89] Ano ba ang dapat na gawin (ano ba)
[03:28.39] Dapat bang kamuhian (ano ba)
[03:30.14] O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang
[03:35.39] Pasensya na, tao lang
[03:37.64] Pasensya na, tao lang
[03:39.89] Kagaya mo, tao lang
[03:42.14] Pasensya na... tao lang
[03:44.64] Pasensya na, tao lang..
[03:50.14] Pasensya na, sorry naman
[03:51.40] Kung pwede lang sanang isoli na lang
[03:54.42] Pasensya na
