Alumni Homecoming
[00:00.43] Napatunganga nu'ng bigla kitang nakita
[00:05.36] Pagkalipas ng mahabang panahon
[00:12.79] High school pa tayo nu'ng una kang nakilala
[00:18.37] At tandang-tanda ko pa, noon pa ma'y sobrang lupit mo na
[00:25.54] Hindi ko lang alam kung paano, basta biglang nagsama tayo
[00:31.65] 'Di nagtagal ay napa-ibig mo ako
[00:39.62] Mula umaga, hanggang uwian natin
[00:44.93] Laging magkasama tayong dalawa
[00:51.84] Parang kahapon lang, nangyari sa 'kin ang lahat
[00:57.42] Tila isang dulang medyo romantiko ang banat
[01:04.33] Ngunit nu'ng napag-usapan, bigla na lang nagkahiyaan
[01:10.43] Mula noon, hindi na tayo nagpansinan
[01:16.01] At bakit ko ba pinabayaan
[01:19.75] Mawala nang hindi inaasahan
[01:22.67] Parang nasayang lang
[01:25.32] Nawala na, wala nang nagawa
[01:41.53] Panay ang plano, ngunit panay ang urong
[01:45.78] At inabot na ng dulo ng taon
[01:52.69] Graduation natin nu'ng biglang nag-absent partner ko
[01:58.53] Tadhana nga naman, naging mag-partner tayo
[02:05.17] Eksakto na ang timing, planado na ang sasabihin
[02:11.28] Ngunit hanggang huli, wala akong nasabi
[02:18.45] At bakit ko ba pinabayaan
[02:21.91] Mawala nang hindi inaasahan
[02:24.82] Parang nasayang lang
[02:27.22] Nawala na, wala nang nagawa
[02:58.29] Napatunganga nu'ng bigla kitang nakita
[03:03.87] Pagkalipas ng mahabang panahon
[03:10.78] Sobrang alam ko na ang aking sasabihin
[03:16.11] At ako'y napailing sa ganda ng ngiti mo sa 'kin
[03:19.03] At nang ikaw ay nilapitan, bigla na lang napaligiran
[03:29.65] Ng 'yong mga anak mula sa pangit mong asawa
[03:36.82] At bakit ko ba pinabayaan
[03:40.54] Mawala nang hindi inaasahan
[03:43.46] Parang nasayang lang
[03:45.59] Nawala na, wala nang nagawa
[03:49.57] Bakit ko ba pinabayaan
[03:52.50] Mawala nang hindi inaasahan
[03:55.42] Parang nasayang lang
[03:57.81] Nawala na, wala nang nagawa
[04:06.04] Wala nang nagawa
[04:11.89] Wala nang nagawa
[04:18.00] Wala nang nagawa
