Lrc Player

Rizal

Ren
[03:09.57]·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[01:53.18] Sa may kalawakan ng pampang ng tanak, lambuting buhangin,

[01:55.43] Sa paa ng bundok na balot ng kulay na lunti sa tingin,

[01:58.17] Ang hamak kong kubo’y doon itinayo, sa maayang lilim

[02:03.92] Niyong kakahuyan upang sa gubat ngang payapa’y hanapin

[02:07.41] Ang pamahinga niyaring isipan, tighaw sa panimdim.

[02:15.42] Ang atip ng bubong ay hamak na pawid, sahig ay kawayan,

[02:18.18] Magaspang na kahoy ang mga haligi, pingga at tahilan,

[02:20.92] Sa kubo kong ito ay walang bahaging may kahalagahan,

[02:23.92] Lalong mabuti pa ang doon humilig sa lunting damuhan

[02:26.44] Na abot ng bulong at awit ng dagat sa dalampasigan.

[02:32.18] Doon ay may batis na umaawit pa habang naglalagos

[02:35.17] Sa may batuhan magmula sa gubat sa may dakong likod;

[02:37.67] Batis ay nagsanga sa tulong ng isang magaspang na tungkod,

[02:40.67] Kung gabing tahimik ay may bulong siyang nakapag-aantok,

[02:43.42] At kung araw naman ang langit ay parang ibig na maabot.

[02:46.43] Kung ang kalangita’y payapang-payapa, agos ay banayad,

[02:49.18] Panay ang taginting ng kanyang sitarang hindi namamalas,

[02:51.68] Pagbagsak ng ulan, ang tulin ng agos ay walang katulad,

[02:54.67] Humahagunot pa sa nangaghambalang na batong malapad,

[02:57.68] Sa di mapipigil na kanyang pagtakbong patungo sa dagat.

[03:00.42] Palahaw ng aso at awit ng ibon, at sigaw ng kalaw,

[03:01.92] Ang ingay na tanging siyang bumabasag sa katahimikan;

[03:02.42] Doo’y di kilala ang tinig ng taong palalo’t mayabang

[03:02.92] Na susunud-sunod sa nasang guluhin ang aking isipan;

[03:03.17] Ako’y naliligid ng katabing dagat at ng gubat lamang.