Ang Huling El Bimbo
[00:21.07] Kamukha mo si Paraluman
[00:27.97] No'ng tayo ay bata pa
[00:34.34] At ang galing-galing mong sumayaw
[00:38.08] Mapa-boogie man o cha-cha
[00:43.15] Ngunit ang paborito
[00:48.22] Ay pagsayaw mo ng El Bimbo
[00:53.81] Nakakaindak, nakakaaliw
[00:59.11] Nakakatindig-balahibo
[01:05.75] Pagkagaling sa 'skuwela ay
[01:09.75] Didiretso na sa inyo
[01:16.39] At buong maghapon ay
[01:20.90] Tinuturuan mo ako
[01:28.35] Magkahawak ang ating kamay
[01:33.92] At walang kamalay-malay
[01:39.50] Na tinuruan mo ang puso ko
[01:44.54] Na umibig na tunay
[01:51.19] Naninigas ang aking katawan
[01:57.56] 'Pag umikot na ang plaka
[02:03.14] Patay sa kembot ng bewang mo
[02:07.92] At pungay ng 'yong mga mata
[02:13.25] Lumiliwanag ang buhay
[02:18.30] Habang tayo'y magkaakbay
[02:23.61] At dahan-dahang dumudulas
[02:29.20] Ang kamay ko sa makinis mong braso, ooh
[02:37.43] Sana noon pa man ay
[02:40.64] Sinabi na sa iyo
[02:46.75] Kahit hindi na uso ay
[02:50.73] Ito lang ang alam ko
[02:56.05] Magkahawak ang ating kamay
[03:00.82] At walang kamalay-malay
[03:06.42] Na tinuruan mo ang puso ko
[03:12.02] Na umibig na tunay
[03:17.06] La-la-la-la, la-la
[03:24.52] La-la, la-la-la
[03:30.09] Lumipas ang maraming taon
[03:34.07] 'Di na tayo nagkita
[03:40.19] Balita ko'y may anak ka na
[03:44.44] Ngunit walang asawa
[03:49.75] Tagahugas ka raw
[03:54.53] Ng pinggan sa may Ermita
[04:00.11] At isang gabi'y nasagasaan
[04:05.70] Sa isang madilim na eskinita, ha
[04:12.61] Lahat ng pangarap ko'y
[04:16.59] Bigla lang natunaw
[04:23.23] Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw
[04:34.65] Magkahawak ang ating kamay
[04:40.25] At walang kamalay-malay
[04:45.56] Na tinuruan mo ang puso ko
[04:51.14] Na umibig na tunay
[04:56.45] Magkahawak ang ating kamay
[05:01.78] At walang kamalay-malay
[05:07.61] Na tinuruan mo ang puso ko
[05:12.92] Na umibig na tunay
[05:20.36] La-la-la-la, la-la
[05:25.67] La-la, la-la-la
[05:27.81] La-la-la-la, la-la
[05:28.88] La-la, la-la-la
