Parokya ni Edgar - Alumni Homecoming
[00:00.40] Hi, this is Gilbert Magat on vocals
[00:00.66] Charvis Manlabat, singer
[00:01.19] Ric Mercaro, Jr. in guitars
[00:01.97] Duke Mejares on bass
[00:02.26] Ako si Tomtom Alarcon on drums
[00:02.78] And I'm Tito Ralph
[00:03.57] And we're Bigotilyo
[00:05.16] Napatunganga nu'ng bigla kitang nakita
[00:09.97] Pagkalipas ng mahabang panahon
[00:17.13] High school pa tayo nu'ng una kang nakilala
[00:22.74] At tandang-tanda ko pa, noon pa ma'y sobrang lupit mo na
[00:29.92] Hindi ko lang alam kung paano, basta biglang nagsama tayo
[00:36.02] 'Di nagtagal ay napa-ibig mo ako
[00:44.26] Mula umaga, hanggang uwian natin
[00:49.04] Laging magkasama tayong dalawa
[00:56.24] Parang kahapon lang, nangyari sa 'kin ang lahat
[01:01.84] Tila isang dulang medyo romantiko ang banat
[01:08.76] Ngunit nu'ng napag-usapan, bigla na lang nagkahiyaan
[01:14.91] Mula noon, hindi na tayo nagpansinan
[01:20.50] At bakit ko ba pinabayaan
[01:24.26] Mawala nang hindi inaasahan
[01:27.20] Parang nasayang lang
[01:29.32] Nawala na, wala nang nagawa
[01:45.54] Panay ang plano, ngunit panay ang urong
[01:50.35] At inabot na ng dulo ng taon
[01:57.54] Graduation natin nu'ng biglang nag-absent partner ko
[02:03.41] Tadhana nga naman, naging mag-partner tayo
[02:09.23] Eksakto na ang timing, planado na ang sasabihin
[02:15.64] Ngunit hanggang huli, wala akong nasabi
[02:22.54] At bakit ko ba pinabayaan
[02:26.51] Mawala nang hindi inaasahan
[02:29.46] Parang nasayang lang
[02:31.57] Nawala na, wala nang nagawa
[03:03.05] Napatunganga nu'ng bigla kitang nakita
[03:08.09] Pagkalipas ng mahabang panahon
[03:15.28] Sobrang alam ko na ang aking sasabihin
[03:20.86] At ako'y napailing sa ganda ng ngiti mo sa 'kin
[03:27.81] At nang ikaw ay nilapitan, bigla na lang napaligiran
[03:36.10] Ng 'yong mga anak mula sa pangit mong asawa
[03:41.40] At bakit ko ba pinabayaan
[03:44.85] Mawala nang hindi inaasahan
[03:48.05] Parang nasayang lang
[03:50.16] Nawala na, wala nang nagawa
[03:53.62] Bakit ko ba pinabayaan
[03:57.08] Mawala nang hindi inaasahan
[04:00.02] Parang nasayang lang
[04:02.14] Nawala na, wala nang nagawa
[04:10.18] Wala nang nagawa
[04:16.26] Wala nang nagawa
[04:21.87] Wala nang nagawa
