Lrc Player

dragdenph_1672509302850848

Unknown artist
[05:18.93]·Synced by Guest·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:06.28] Sinong magsasabing 'di ko kayang lumipad

[00:09.20] Ako'y may kapa, may kapa

[00:12.39] Sinong huhusga kung ako'y magladlad

[00:15.32] Ako'y may kapa, may kapa

[00:18.23] Ano ka ba? Malabo ba?

[00:20.36] O baka ang pag-unawa mo ay makitid lang talaga

[00:24.34] Di mo ba alam na ang respeto'y sobrang halaga

[00:27.27] Bakit ba? Sariling trip ko to! Walang akong inaabala

[00:30.72] Pagkat ako'y nagpasya, na ako'y magpakasaya

[00:33.40] Habang lahat ng hirap ko'y unti-unti kong kinakaya

[00:36.85] Kahit ano pa ang ingat ko, ako'y laging nangangamba

[00:39.78] Pagkat noon, hanggang ngayon may nang aalipusta

[00:43.23] Sinong magsasabing 'di ko kayang lumipad

[00:45.62] Ako'y may kapa, may kapa

[00:49.35] Sinong huhusga kung ako'y magladlad

[00:52.26] Ako'y may kapa, may kapa

[00:55.46] Yun lang ba? Tapos ka na sa'yong pagdadrama?

[00:58.11] Buong buhay ko punung-puno ng pagdurusa

[01:01.57] Kahit anong mangyari sakin ay walang nag-aalala

[01:04.49] Kung ituring pa ko, parang akong bale-wala

[01:07.95] 'Di sana komplikado ang takbo ng ating mundo

[01:10.88] Kung lahat ay may unawa at lahat nagkakasundo

[01:13.79] Kung sakali mang pagtapak sakin ay laging ganito

[01:17.52] Tuloy pa rin ako sa laban at hindi hihinto

[01:20.17] Sinong magsasabing 'di ko kayang lumipad

[01:23.10] Ako'y may kapa, may kapa

[01:26.28] Sinong huhusga kung ako'y magladlad

[01:29.21] Ako'y may kapa, may kapa

[01:32.93] Ako naman kinukutya, binabastos, pinagtatawanan

[01:35.06] Bawat oras, Bawat araw, kada linggo, kada buwan

[01:39.58] Walang lugar kung san ligtas, pati sarili mong tahanan

[01:41.16] Mga bagay na masakit sa akin, sa kanila'y katatawanan

[01:44.61] Hay naku kahit ganito, ako pa rin ay asal tao

[01:47.83] Ang hirap magpigil sa paggamit ng kamao

[01:51.01] Kailangan ba ipaliwanag ang aking pagkatao

[01:53.93] Kahit ano pa ang sabihin ko, sa mata nila ako ay talo

[01:57.12] Sinong magsasabing 'di ko kayang lumipad

[02:00.03] Ako'y may kapa, may kapa

[02:03.22] Sinong huhusga kung ako'y magladlad

[02:06.41] Ako'y may kapa, may kapa

[02:09.60] Dinadaan ko na lang sa mga tawa at ngiti

[02:12.25] Kahit na ang turing sakin, isa akong pagkakamali

[02:15.45] Ang aking pagladlad ay hindi madali

[02:18.39] Sa sakit at hingapis, habang buhay kang nakatali

[02:21.83] Mahirap man ang daan, ano man ang kapalit

[02:24.50] Gagawin ko ang lahat, mawala lang ang sakit

[02:27.70] May pangarap din akong gusto makamit

[02:31.14] Pagsisikapan kong maabot ang langit

[02:34.06] Sinong magsasabing 'di ko kayang lumipad

[02:36.74] Ako'y may kapa, may kapa

[02:40.20] Sinong huhusga kung ako'y magladlad

[02:43.12] Ako'y may kapa, may kapa

[02:46.31] Bawat oras na dumadaan, dumarami ang hadlang

[02:49.25] Dumarami ang tanong dumarami ang puwang

[02:52.45] Pagkat ang munting buhay ko ay simple lang naman

[02:55.12] Gusto ko lang maging masaya, at makahanap ng katuwang

[02:58.83] Ang kaligayahan ko ay ipinagkakait

[03:01.76] Pero kahit ganito, buhay ay 'di ipagpapalit

[03:04.14] Ginawa ko na ang lahat, at ako'y nagpakabait

[03:07.08] Pero tingin pa rin nila sakin ay napakaliit

[03:10.81] Sinong magsasabing 'di ko kayang lumipad

[03:13.72] Ako'y may kapa, may kapa

[03:16.90] Sinong huhusga kung ako'y magladlad

[03:20.36] Ako'y may kapa, may kapa

[03:23.06] Kumapit ka na lang, at wag kang mainis

[03:25.98] Kasi lahat naman tayo ay may pagtitiis

[03:29.13] Kung ayaw mong mabwiset at tumanda nang mabilis

[03:32.06] Maghangad ka ng mabuti at mamuhay nang malinis

[03:35.27] Kaya mahalaga na yakapin ang 'yong kapa

[03:38.47] Ito'y isang kayamanan na dala ay ligaya

[03:41.67] Humanda sa paglipad, sa pag-angat, at sa paglaya

[03:44.62] Sa iyong paglaladlad, masasaya ang 'yong mga luha

[03:47.81] Sinong magsasabing 'di ko kayang lumipad

[03:50.46] Ako'y may kapa, may kapa

[03:53.92] Sinong huhusga kung ako'y magladlad

[03:56.58] Ako'y may kapa, may kapa

[04:00.06] Bakit 'di natin ilabas ang tunay na kapangyarihan

[04:02.97] Kakayahang magmahal

[04:04.30] Mahirap man ang pagdaanan

[04:06.43] Sa ating mga damdamin tayo'y 'di mapipigilan

[04:09.00] Sama-samang lilipad sa makulay na kalawakan

[04:12.56] Dahil alam natin, ang kahalagahan

[04:15.48] Ng tunay na pagmamahal na walang pag aalinlangan

[04:18.40] Ano man ang pinanggalingan, ano man ang pinagdaanan

[04:21.32] Ang tunay na pagmamahal ay dapat ipaglaban

[04:24.70] Sinong magsasabing 'di ko kayang lumipad

[04:27.09] Ako'y may kapa, may kapa

[04:30.54] Sinong huhusga kung ako'y magladlad

[04:33.74] Ako'y may kapa, may kapa

[04:37.19] Buti naman, mayroon tayong pagkakasunduan

[04:39.85] Ako'y naniniwalang hawak natin ang kapalaran

[04:42.75] Kahit minsan ang tadhana'y mahirap maunawaan

[04:46.20] Basta buo ang 'yong loob, lahat ay may paraan.

[04:49.43] Di madali ang pagbabago at maaring matagalan

[04:52.36] Mahalin ng buong mundo ang ating kasarian

[04:55.54] Ang kapa ko, kapa mo, ang paglipad ay simulan

[04:58.75] Saba-sabay tayo, ang buhay ay ipagdiwang

[05:01.92] Sinong magsasabing 'di ko kayang lumipad

[05:04.59] Ako'y may kapa, may kapa

[05:07.78] Sinong huhusga kung ako'y magladlad

[05:10.71] Ako'y may kapa, may kapa