07 Gloc 9 - Upuan
[00:41.11] Kayo po na naka upo
[00:45.86] Subukan nyo namang tumayo
[00:51.36] At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
[00:56.12] Ang tunay na kalagayan ko
[01:02.11] Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng
[01:04.61] Malaking bahay at malawak na bakuran
[01:07.11] Mataas na pader pinapaligiran
[01:09.60] At naka pilang mga mamahaling sasakyan
[01:12.36] Mga Patay na laging bulong ng bulong
[01:14.11] Wala namang kasal pero marami ang naka barong
[01:16.87] Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
[01:19.36] Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
[01:21.86] At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
[01:24.36] At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
[01:26.88] Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
[01:29.63] Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
[01:31.86] Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
[01:34.60] Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
[01:37.11] Kaya naman hindi niya pinakakawalan
[01:39.61] Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan
[01:41.86] Kayo po na naka upo
[01:46.62] Subukan nyo namang tumayo
[01:52.10] At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
[01:56.86] Ang tunay na kalagayan ko
[02:02.48] Mawalang galang na po
[02:03.73] Sa taong naka upo
[02:04.99] Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
[02:07.23] Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
[02:09.98] Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
[02:12.73] Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
[02:14.98] Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
[02:17.47] Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
[02:20.22] Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
[02:22.72] Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero
[02:25.23] Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo
[02:27.73] Pero kulang na kulang parin
[02:29.23] Ulam na tuyo't asin
[02:30.48] Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
[02:33.23] Di ko alam kung talagang maraming harang
[02:35.23] O mataas lang ang bakod
[02:36.73] O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
[02:38.71] Kahit sa dami ng pera niyo
[02:40.22] Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo
[02:42.71] Kaya...
[02:43.48] Wag kang masyadong halata
[02:46.73] Bato-bato sa langit
[02:51.12] Ang matamaa'y wag magalit
[02:56.12] O bato-bato bato sa langit
[03:01.13] Ang matamaan ay
[03:03.87] Wag masyadong halata (ooh)
[03:08.85] Wag kang masyadong halata
[03:12.12] Hehey, (Wag kang masyadong halata)
[03:18.87] (Wag kang masyadong halata)
