Lrc Player

gasolina

loonie ft. clr
[04:16.33]·Synced by Guest·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:06.60] OverviewLyricsVideosListenArtistsAnalysis

[00:08.46] Kamusta na

[00:08.99] Matagal tagal na rin ang huli nating pagkikita kapatid

[00:10.32] Ako ito gumagawa ng kasaysayan

[00:12.45] Tamang himay ng mensahe na ihahatid

[00:14.58] Sa inyo kailangan ko lang ng konting gasolina

[00:17.24] Pangsilab ng apoy bago 'ko manlamig

[00:19.37] 'Yoko kayong maantig ngunit hindi ko matiis

[00:22.02] Lubos ko na kayong namimiss

[00:23.63] Magdamag nagsusulat sa madilim na bartolina

[00:26.02] Ba't ako magtutulak kung maraming gasolina

[00:28.41] Bawat isa sa aking mga nakatagong rima

[00:30.80] Tila payong hinuhugot sa pabago bagong klima

[00:33.47] Kaso di natatakot sa apoy ang arsonista

[00:35.59] Manhid na sa sakit hanggang sa naging masokista

[00:37.98] Armado ng tinta mautak pa sa pogita

[00:40.36] Ganyan sa umpisa sadyang nagpapatalo

[00:43.03] Bida bago ipakita ang isang daang porsyento

[00:45.15] Tandaan na ang progreso dadaan pa sa prosesong

[00:47.54] Mausisa at mabusisi na sa huli palagi ang pagsisisi

[00:50.73] Pag pauwi na bawat palpak sa aking isip

[00:53.65] Nakakadagdag ng mga titik na makamandag aking mithiin

[00:56.04] Mamayagpag bilang magiting na alagad ng sining

[00:58.43] Basta may pagibig na kalasag ay pilit na papalag

[01:00.82] At mananatiling naglalagablab

[01:02.14] Kamusta na

[01:04.02] Matagal tagal na rin ang huli nating pagkikita kapatid

[01:06.94] Ako ito gumagawa ng kasaysayan

[01:09.63] Tamang himay ng mensahe na ihahatid

[01:12.01] Sa inyo kailangan ko lang ng konting gasolina

[01:14.39] Pangsilab ng apoy bago 'ko manlamig

[01:17.06] 'Yoko kayong maantig ngunit hindi ko matiis

[01:19.44] Lubos ko na kayong namimiss

[01:21.04] Sa likod ng pulang kurtina puro oportunistang

[01:23.43] Handa kang sagasaan ng hindi bumubusina

[01:26.08] Puro pangako ng pangarap na kumukutitap

[01:28.47] Puro gustong kumita lalo nung umuso hiphop

[01:31.14] Puro subpoena diyos ko por bida

[01:32.99] Puro gunggong na gusto lang manghila doon sa pila

[01:35.12] Puro bulok na media at kolumnista

[01:38.31] Na gagawin kang kontrabida at durugista kaya kung minsan

[01:40.43] Nakakatamad nang pagisipan ang mga bara

[01:42.82] Hanapin kung saan naisiksik ang mga bala

[01:45.21] Ngunit pag nakakabasa ng liham ng tagahanga

[01:47.60] Unti unti na naman nagniningas ang mga baga

[01:49.72] Bumabalik ang gana sa t'wing naaalala

[01:52.14] Tilian palakpakan hagikhikan mga tawa

[01:54.52] Siksikan sa gig parang sardinas na nasa lata

[01:56.65] Ako'y muling magliliyab na parang gin at marijuana sa sagada

[01:59.30] Kamusta na

[02:01.70] Matagal tagal na rin ang huli nating pagkikita kapatid

[02:04.62] Ako ito gumagawa ng kasaysayan

[02:07.01] Tamang himay ng mensahe na ihahatid

[02:09.66] Sa inyo kailangan ko lang ng konting gasolina

[02:12.07] Pangsilab ng apoy bago 'ko manlamig

[02:14.47] 'Yoko kayong maantig ngunit hindi ko matiis

[02:15.80] Lubos ko na kayong namimiss

[02:18.99] Sa t'wing ako'y sumusulat ng mga tula

[02:21.12] At mga kantang pinagsisikapang mabuo

[02:23.24] Matiyak sapul pati puso at kaluluwa

[02:25.90] Sapagkat hindi lang isip ang busog

[02:28.29] Pinagpupuyatan ang tugma kahit pagod na pinaghihirapan ang tunog

[02:32.81] Lahat kayo'y pinagkukuhanan ng apoy

[02:35.21] Kapag ako'y pinanghihinaan ng loob

[02:38.13] Lahat ng kumalaban at naiinggit sa akin

[02:39.99] Ay pawang mga taga hangang nahihiyang umamin

[02:42.38] Lahat ng taga hangang habambuhay sumuporta

[02:45.05] Ng masugid ay tinuturing kong tunay kong katropa

[02:47.43] Lahat ng tropa kong dikit sa ginhawa at sakit

[02:50.09] Itinatrato kong higit pa sa kapatid

[02:52.48] Kasama sa init at sa lamig

[02:54.34] Mga sinunog kong tulay ang naging ilaw sa pagtawid

[02:57.26] Naaalala nyo pa ba ako

[03:02.04] Kaya n'yo ba 'tong mga bagay na ginagawa ko

[03:04.43] Lumalabas sa TV na parang si sadako

[03:07.09] Naaalala nyo pa ba ako

[03:11.60] Ang yabang mo naman wala ka bang kanta na bago

[03:13.99] Bakit wala kang battle takot ka bang matalo

[03:16.39] Kamusta na

[03:18.24] Matagal tagal na rin ang huli nating pagkikita kapatid

[03:21.70] Pinagpupuyatan ang tugma kahit pagod na pinaghihirapan ang tunog

[03:25.95] Sa inyo kailangan ko lang ng konting gasolina

[03:28.87] Pangsilab ng apoy bago 'ko manlamig

[03:30.73] Lahat kayo'y pinagkukuhanan ng apoy

[03:32.87] Kapag ako'y pinanghihinaan ng loob

[03:35.52] Kamusta na

[03:38.71] Matagal tagal na rin ang huli nating pagkikita kapatid

[03:41.10] Kaya n'yo ba 'tong mga bagay na ginagawa ko

[03:42.70] Lumalabas sa tv na parang si Sadako

[03:45.62] Sa inyo kailangan ko lang ng konting gasolina

[03:48.81] Pangsilab ng apoy bago 'ko manlamig

[03:50.13] Ang yabang mo naman wala ka bang kanta na bago

[03:52.57] Bakit wala kang battle takot ka bang matalo