Bayad ko
[00:12.91] Mama, para dyan na lamang po ako sa may tabi
[00:18.48] Bababa na po ako, heto po ang bayad ko
[00:25.94] Mama, para dyan na lamang po ako sa may tabi
[00:32.05] Bababa na po ako, heto po ang bayad ko
[00:38.97] Si Mang Berto na sumakay sa may kanto
[00:42.67] Atin nang simulan ang mga kwento
[00:46.40] May kaisa-isang anak na babae
[00:49.85] Ngalan ay Luisa, isang estudyante
[00:53.04] Ang pag-aaral iginagapang
[00:56.49] Upang kahirapan ay matakasan
[01:00.21] Isang gabi ng Marso, bandang alas otso
[01:03.39] Maagang umuwi ng bahay si mang Berto
[01:06.58] May dalang supot ng pansit at mamon
[01:09.50] Maligaya kahit sa bihirang pagkakataon
[01:12.79] Bukas ay magtatapos na sa kursong kinuha
[01:16.77] Ang kanyang pinakamamahal na si Luisa
[01:19.96] Dapat sana'y meron na silang patutunguhan
[01:22.61] Ngunit sadya bang may sumpa itong ating lipunan?
[01:26.35] Dahil natagpuang patay sa ilalim ng tulay
[01:29.53] Pangarap ni Luisa ay inanod lang na kasabay
[01:33.00] Mama, para dyan na lamang po ako sa may tabi
[01:38.85] Bababa na po ako, heto po ang bayad ko
[01:45.76] Mama, para dyan na lamang po ako sa may tabi
[01:52.14] Bababa na po ako, heto po ang bayad ko
[01:59.06] Pagdaan sa may Quezon Avenue
[02:02.28] Sumakay naman si Ate Marilou
[02:05.73] Bente-kwatro anyos, walang natapos
[02:09.17] Ang anak ay nasa ICU
[02:12.37] Pagpatak ng alas onse naka kolorete
[02:15.55] Sya'y nasa tabi at pumapara ng kotse
[02:19.27] Kahit dosbente kanyang papatulan
[02:22.72] Pambili ng gamot para malunasan
[02:25.91] Kahit isang araw lang
[02:28.30] Buhay ng kanyang anak madugtungan
[02:31.76] Bukas ng gabi naman
[02:33.63] May ilang buwan na ring kanyang ginagawa
[02:36.57] Walang matakbuhan, wala syang magawa
[02:40.02] Bakas sa mukha lahat ng pait
[02:43.75] Ngunit sanggol nya'y walang kapalit
[02:47.46] Kahit alam niyang sya'y nahawa ng sakit
[02:49.58] Para sa kanyang anak gagawin ng papikit
[02:53.04] Mama, para dyan na lamang po ako sa may tabi
[02:59.16] Bababa na po ako, heto po ang bayad ko
[03:06.07] Mama, para dyan na lamang po ako sa may tabi
[03:12.45] Bababa na po ako, heto po ang bayad ko
[03:19.61] May isang batang nakasabit sa estribo
[03:23.33] Anim na taon, ang pangalan ay Benito
[03:26.79] Maghapon, magdamag syang nagtratrabaho
[03:29.70] Punas ng sapatos at bote, dyaryo
[03:33.45] Para may makain ang tatlong kapatid
[03:36.64] Lima, apat, dalawang taon, isang batang paslit
[03:40.09] Pa lamang ay naatang na sa kanyang balikat
[03:43.01] Responsibilidad iniwan ng ama'y nalipat
[03:46.19] Nang ipinasok sa kulungan ang ina sila'y iniwan
[03:49.65] Sinubukan nyang pigilan ngunit sya'y pinagtulakan
[03:53.39] Hanggang sa nagkasakit ang bunsong kapatid
[03:56.33] At sa isang kariton ang hininga'y napatid
[03:59.55] Ngayon ay 'di na batid kung ano ang syang hatid
[04:03.27] Ng bukas para kay benito na tila parang manhid
[04:06.46] Na sa hapdi na dulot ng mga pangyayari
[04:10.17] Sumisinghot ng rugby, bumaba sa may Malate
[04:13.09] Mama, para dyan na lamang po ako sa may tabi
[04:19.24] Bababa na po ako, heto po ang bayad ko
[04:25.88] Mama, para dyan na lamang po ako sa may tabi
[04:32.28] Bababa na po ako, heto po ang bayad ko
[04:39.46] Kahit na ano mang hirap ang sa ati'y dumating
[04:46.10] Tumawag lang kay mamang drayber
[04:49.81] Tayo'y makakarating
[04:52.76] Kahit na ano mang hirap ang sa ati'y dumating
[04:59.13] Tumawag lang kay mamang drayber
[05:03.12] Tayo'y makakarating
[05:09.49] Mama para (mama para)
[05:16.93] Mama para (mama para)
[05:20.65] Mama para (mama para)
[05:23.85] Tayo'y makakarating
[05:31.02] Mama para (mama para)
[05:34.47] Mama para (mama para)
[05:37.40] Mama para (mama para)
[05:41.38] Tayo'y makakarating
