Upuan lyrics - Gloc9 ft. Jeazell Grutas
[00:22.23] Kayo po na naka upo
[00:25.41] Subukan nyo namang tumayo
[00:30.73] At baka matanaw at baka matanaw na nyo
[00:36.03] Ang tunay na kalagayan ko
[00:40.02] Ganito kasi yan eh
[00:40.55] Tao po nandyan po ba kayo sa loob ng
[00:44.27] Malaking bahay at malawak na bakuran
[00:46.66] Mataas na pader pinapaligiran
[00:49.31] At naka pilang mga mamahaling sasakyan
[00:51.71] Mga patay na laging bulong ng bulong
[00:54.10] Wala namang kasal pero marami ang naka barong
[00:56.49] Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
[00:59.41] Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
[01:02.86] At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
[01:03.66] At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
[01:06.31] Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
[01:08.71] Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
[01:11.63] Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
[01:13.76] Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
[01:16.41] Kaya naman hindi niya pinakakawalan
[01:18.80] Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan
[01:21.45] Kayo po na naka upo
[01:25.97] Subukan nyo namang tumayo
[01:31.02] At baka matanaw at baka matanaw na nyo
[01:36.08] Ang tunay na kalagayan ko
[01:42.19] Mawalang galang na po
[01:43.24] Sa taong naka upo
[01:44.30] Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
[01:46.69] Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
[01:49.35] Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
[01:52.27] Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
[01:54.66] Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
[01:56.52] Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
[01:59.19] Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
[02:05.03] Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero
[02:05.57] Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo
[02:07.16] Pero kulang na kulang parin
[02:08.49] Ulam na tuyo't asin
[02:10.08] Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
[02:12.21] Di ko alam kung talagang maraming harang
[02:14.60] O mataas lang ang bakod
[02:15.92] O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
[02:17.78] Kahit sa dami ng pera niyo
[02:19.92] Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo kaya
[02:22.30] Wag kang masyadong halata
[02:25.75] Bato-bato sa langit
[02:30.29] Ang matamaa'y wag magalit
[02:34.80] O bato-bato bato sa langit
[02:40.91] Ang matamaan ay
[02:43.03] Wag masyadong halata (hehey)
[02:48.61] Wag kang masyadong halata
[02:53.66] Wag kang masyadong halata (hehey)
[02:58.97] Wag kang masyadong halata (hehey hehey)
[03:00.57] Hehey hehey
