Lrc Player

Mas mahal na kita ngayon

Unknown artist
[04:29.24]·Synced by Guest·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:16.88] Mas mahal na kita ngayon, higit pa kesa noon

[00:23.79] Mas mahal na kita ngayon, at sa habang panahon

[00:30.70] Wala akong pakialam sa 'king nakaraan

[00:35.48] Kahit na ako'y pinagtatawanan

[00:42.39] Ang mahalaga'y mas mahal na kita ngayon

[00:47.17] Dahil...

[00:49.56] Di mo na 'ko tinutulak sa'ting hagdanan

[00:52.75] Di mo na nilalagyan ng lason ang ulam

[00:56.47] At sa gabi pag ako'y tulog nang mahimbing

[00:59.93] Di mo na ako tinatakpan ng unan

[01:03.93] Di mo na sinusubsob ang mukha ko sa kalan

[01:07.12] Di mo na 'ko sinisipa sa 'king harapan

[01:11.11] At mas makinis na rin ang balat sa dibdib

[01:14.57] Dahil hinding hindi mo na 'ko pinakukulam

[01:18.55] Ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon

[01:25.73] Di ko na ramdam pagkat mas mahal na kita ngayon

[01:36.89] Mas mahal na kita ngayon

[01:40.35] 'Wag ka nang magtatanong

[01:43.53] Basta't mahal na kita ngayon

[01:47.53] Yan ang lagi kong tugon

[01:50.72] Kahit di mo nakikita o nararamdaman

[01:55.50] Ang aking tuwa ay walang paglagyan

[02:02.14] Ang alam ko lang mas mahal na kita ngayon

[02:07.46] Dahil...

[02:09.58] Di mo na pinapakain ng para sa pusa

[02:13.03] Di mo na pinipitik ang mata ng pigsa

[02:16.48] At pag sinabi mo sa 'king damit ko'y maganda

[02:19.94] Di na masyadong malakas ang iyong tawa

[02:23.66] Di mo na 'ko pinasisinghot ng paminta

[02:27.12] Di mo na nilalagyan ng langgam sa tenga

[02:31.11] Hindi na kulay dugo ang aking paningin

[02:34.56] Dahil hindi na hinihiwa ng blade sa mata

[02:38.29] Ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon

[02:45.99] Di ko na ramdam pagkat mas mahal na kita ngayon

[03:04.05] Ang mahalaga'y mas mahal na kita ngayon

[03:09.10] Dahil...

[03:11.48] Di mo na kinukwentong satanista ako

[03:14.68] At ang nanay ko'y nireyp ng isang maligno

[03:18.41] Nabawasan na rin ang bukol sa ulo

[03:22.13] Dahil hindi mo na'ko pinapalo ng tubo

[03:25.59] 'Di mo na pinapalayas ng nakahubo

[03:29.30] 'Di mo na pinapaligo ng bagong kulo

[03:33.03] Medyo hindi na rin ako nagmumukhang bungo

[03:36.76] Dahil hindi mo na dinodonate ang aking dugo

[03:40.47] Ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon... Howohuwohuwo

[03:47.90] ('Di ko na ramdam pagkat mas mahal na kita ngayon)

[03:55.07] Kahit nasan ka man mas mahal na kita ngayon

[04:02.78] Ang cute mo naman bagay ka sa iyong... Ataol...