Alaala Nalang - Hambog Ng Sagpro Krew [ LYRICS ](MP3_128K)
[00:12.41] Hambog ng Sagpro Krew
[00:16.13] Una sa lahat, gusto ko magpaalam
[00:21.98] Lalong-lalo na sa'yo
[00:25.16] Dahil kahit saan ako mapunta
[00:27.55] Palagi mong hawak ang puso ko
[00:40.31] Hindi ko ginusto ang ilayo ako sa'yo mahal
[00:43.49] Ngunit ito ang desisyon ng tadhana at Maykapal
[00:46.68] Alam ko din ako'y magtatagal sa lugar na 'to
[00:49.87] Na kung saan wala ka kaya kulang-kulang ako
[00:53.06] Hindi lang araw, hindi lang buwan, kung 'di ilang taon
[00:56.24] Tayo ay 'di magkikita, makakaya ko ba 'yon?
[00:59.43] Sa tingin ko, hindi, hindi ko kaya
[01:02.62] Dahil ako'y mamamatay kapag wala ka
[01:05.81] Wala ka na dito sa aking tabi kaya 'di na mapigil ang luha
[01:09.26] Gusto kitang makapiling, mayakap, mahalikan, 'yun lang 'di ko pa makuha
[01:12.44] Dahil ilang kilometro at milya ang ating distansya at ating pagitan
[01:15.63] Pangungulila ko sa iyo, 'yan ang resulta ng aking biglaang paglisan
[01:18.82] 'Di ito madali para sa'yo ngunit mas hindi madali 'to para sa'kin
[01:22.01] At alam kong hindi tayo magkakalapit kahit sa isang libong dalangin
[01:25.19] Nadadama ang lungkot, at puot, hinagpis, at ang pagkabigo, at pasakit
[01:28.38] Ngunit gaano ka man kalayo sa'king puso palagi ka ditong malapit
[01:31.30] Inisip ko kung bakit ganito ang langit
[01:34.86] Nilayo ako sa'yo
[01:37.41] Hindi ko matanggap, mahirap magpanggap
[01:41.24] Na ako'y hindi bigo
[01:44.42] Ngunit 'di ko rin inaasahang mangyayari 'to
[01:50.53] Kung ikaw ay alaala na lang, paano na ako?
[01:57.70] Binibilang ang mga araw hanggang sa'king pag-alis
[02:00.46] Habang palapit nang palapit, lalo akong nagtitiis
[02:03.65] At tinatago ang namumuong lungkot sa'king damdamin
[02:06.84] 'Di mo lang alam, 'di ko na kaya 'di ko lang maamin
[02:10.03] Dahil sabi mo sa akin, masaya ka para sa'kin
[02:13.21] 'Di mo lang alam, ako'y nalulungkot na para sa'tin
[02:16.40] Dahil tayo'y magkakalayo nang walang kalaban-laban
[02:19.59] Ang masakit pa doon kung kailan pa tayo nagmamahalan
[02:22.78] Nagmahalan tayong dalawa ngunit bakit ito naging plano
[02:25.96] Ng kapalarang naging malupit, ako'y inilayo sa'yo ng eroplano
[02:29.15] Habang ako'y nasa himpapawid, ako'y nakatingin sa mga alapaap
[02:32.34] At iniisip na sa alaala na lang ba kita muling makakayakap
[02:35.79] At sa gabi nakatitig sa mga larawan na katabi ko sa'king kama
[02:38.98] Nakatingin at tinatanong dito na lamang ba tayo magkakasama
[02:41.90] Nasa malayo na ang aking katawang tao at parang pinipilas
[02:45.35] Dahil puso ko'y naiwan d'yan sa'yo sa Pilipinas
[02:48.01] Inisip ko kung bakit ganito ang langit
[02:51.73] Nilayo ako sa'yo
[02:54.38] Hindi ko matanggap, mahirap magpanggap
[02:57.84] Na ako'y hindi bigo
[03:01.02] Ngunit 'di ko rin inaasahang mangyayari 'to
[03:07.40] Kung ikaw ay alaala na lang, paano na ako?
[03:14.04] Ang pilitin kong limutin na sa buhay ko'y wala siya
[03:17.23] Ay parang pilit sinusuot singsing na hindi kasya
[03:20.42] Dahil habang pinipilt, mas sumasakit ng todo
[03:23.60] Kaya buhay ko ay parang musikang wala sa tono
[03:26.79] 'Di ba pwede naman, magsama ang nagmamahalan
[03:29.98] 'Di ba pwede naman, wala na din ang hiwalayan
[03:33.16] 'Di ba pwede naman sa pag-ibig walang hadlang
[03:36.35] At pwede ba siya ay ibalik na lang
[03:39.54] Walang matarik na bundok, walang karagatang malalim
[03:42.73] Na aking tatawirin, maibalik ka lang sa akin
[03:45.91] Dahilan kung ba't nabuhay sa'kin ang pagkasawi
[03:49.10] Ay ang pag-ibig nating tamang nasa oras na mali
[03:52.29] At sana 'wag mo palitan d'yaan sa puso mo pangalan
[03:55.48] Ng lalaki na nagsabi na
[03:57.34] "Mahal kita, paalam at mag-ingat ka palagi" noong aalis na siya
[04:01.85] At higit sa lahat, "Mamimiss kita"
[04:04.77] Inisip ko kung bakit ganito ang langit
[04:08.49] Nilayo ako sa'yo
[04:11.15] Hindi ko matanggap, mahirap magpanggap
[04:14.87] Na ako'y hindi bigo
[04:17.79] Ngunit 'di ko rin inaasahang mangyayari 'to
[04:24.17] Kung ikaw ay alaala na lang, paano na ako?
[04:31.07] Paano na 'ko mamumuhay nito kung sa piling ko ay nawala
[04:33.99] Ang nag-iisang minahal ko, makasama ko siya ay isa na lang bang himala
[04:37.18] Alam ko na sa oras na 'to ay nakikinig kang pinipigil mo ang pag-iyak
[04:40.10] Sige, ilabas mo, 'wag pigilan ang emosyon ng iyong puso na nagkabiyak
[04:43.29] Dahil ang alaala nating dalawa ay nag-iwan ng sugat na nakamarka
[04:46.48] Sino ba naman ang hindi masasaktan kapag nalayo ang tao na mahal ka
[04:49.93] At kung minsan naisip ko din na 'wag nang ituloy itong nagawa ko na kanta
[04:53.12] Dahil malamang 'pag narinig ko ito, sigurado na maaalala kita
[04:56.31] Pero kahit pilitin umiwas sa sitwasyon natin ay kusang bumabalik ang
[04:59.49] Mga nakaraan kaya titulo ng kanta ko ngayon ay "Alaala na lang"
[05:02.68] Dahil sa alaala na lang umiikot ang aking isipan na nalilito
[05:05.87] At prisensya ng pagmamahal mo sa akin ay dala ko lagi at naririto
[05:09.06] Hindi man kita nabigyan ng materyal pero 'di mo alam may iniwan ako
[05:12.24] Ito ang isang bagay na 'di maluluma, 'yun ay ang pagmamahal ko sa iyo
[05:15.43] Sana pagkaingatan mo 'yan hanggang sa oras na ikaw ay muli kong balikan
[05:18.62] Dahil ipinangako, 'di na 'ko iibig sa puso ko 'di ka mapapalitan
[05:21.54] Inisip ko kung bakit ganito ang langit
[05:24.99] Nilayo ako sa'yo
[05:27.91] Hindi ko matanggap mahirap magpanggap
[05:31.63] Na ako'y hindi bigo
[05:34.56] Ngunit 'di ko rin inaasahang mangyayari 'to
[05:41.20] Kung ikaw ay alaala nalang paano na ako
[05:47.67] Inisip ko kung bakit ganito ang langit
[05:50.70] Nilayo ako sa'yo
[05:53.36] Hindi ko matanggap mahirap magpanggap
[05:57.08] Na ako'y hindi bigo
[06:00.26] Ngunit 'di ko rin inaasahang mangyayari 'to
[06:06.63] Kung ikaw ay alaala na lang, paano na ako?
