Sirena
[00:05.43] Ako'y isang sirena
[00:09.15] Kahit ano'ng sabihin nila, ako ay ubod ng ganda
[00:14.46] Ako'y isang sirena
[00:18.72] Kahit ano'ng gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba
[00:23.78] Drum na may tubig ang sinisisid
[00:28.31] Naglalakihang mga braso, sa 'ki'y dumidikdik
[00:33.36] Drum na may tubig ang sinisisid
[00:38.16] Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib
[00:42.99] Simula pa nang bata pa ako
[00:45.11] Halata mo na kapag naglalaro
[00:47.49] Kaya parang lahat ay nalilito
[00:49.89] Magaling sa Chinese garter at piko
[00:52.56] Mga labi ko'y pulang-pula
[00:54.96] Sa bubble gum na sinapa
[00:57.92] Palakad-lakad sa harapan ng salamin
[00:59.77] Sinasabi sa sarili, "Ano'ng panama nila?"
[01:01.91] Habang kumekembot ang bewang
[01:04.07] Mga hikaw na gumegewang
[01:05.66] Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang
[01:08.06] Upang matakpan ang mga pasa sa mukha
[01:10.18] Na galing sa aking ama na tila 'di natutuwa
[01:12.30] Sa t'wing ako'y nasisilayan, laging nalalatayan
[01:14.99] Sa paglipas ng panahon ay 'di ko namamalayan
[01:17.67] Na imbes na tumigas ay tila lalong lumambot
[01:20.06] Ang puso kong mapagmahal, parang pilik-matang kulot
[01:22.47] Ako'y isang sirena
[01:26.46] Kahit ano'ng sabihin nila, ako ay ubod ng ganda
[01:32.05] Ako'y isang sirena
[01:36.33] Kahit ano'ng gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba
[01:41.39] Drum na may tubig ang sinisisid
[01:45.91] Naglalakihang mga braso, sa 'ki'y dumidikdik
[01:50.96] Drum na may tubig ang sinisisid
[01:55.49] Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib
[02:00.82] Hanggang sa naging binata na ako
[02:02.96] Teka muna, mali, dalaga na pala 'to
[02:05.09] Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin?
[02:08.82] Ano ba'ng mga problema n'yo?
[02:10.16] Dahil ba ang mga kilos ko'y iba
[02:12.56] Sa dapat makita ng inyong mata?
[02:15.23] Sa tuwing nanonood ng liga, laging natutulala
[02:17.65] Kahit 'di pumasok ang bola, ako'y tuwang-tuwa
[02:20.55] Kahit kinalyo na sa tapang, kasi gano'n na lamang
[02:22.97] Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang
[02:25.37] "Tama na naman, Itay, 'di na po ako pasaway
[02:27.53] 'Di ko na po isusuot ang lumang saya ni Inay"
[02:30.20] Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon
[02:32.59] Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon
[02:34.99] Kasi araw-araw na lamang ay walang humpay na banat
[02:37.66] Ang inaabot ng ganda kong pang-ilalim ng dagat
[02:40.08] Ako'y isang sirena
[02:43.79] Kahit ano'ng sabihin nila, ako ay ubod ng ganda
[02:49.65] Ako'y isang sirena
[02:53.37] Kahit ano'ng gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba
[02:58.94] Drum na may tubig ang sinisisid
[03:03.46] Naglalakihang mga braso, sa 'ki'y dumidikdik
[03:08.53] Drum na may tubig ang sinisisid
[03:13.06] Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib
[03:18.90] Lumipas ang mga taon
[03:19.97] Nangagsipag-asawa aking mga kapatid, lahat sila'y sumama
[03:23.71] Nagpakalayo-layo, ni hindi makabisita
[03:26.09] "Kakain na po, Itay, nakahanda na'ng lamesita"
[03:28.48] Akay-akay sa paglakad, paisa-isang hakbang
[03:30.87] Ngayo'y buto't balat ang dating matipunong katawan
[03:33.26] Kaya sa 'yong kaarawan, susubukan kong palitan
[03:35.66] Ang lungkot na nadarama, 'wag na po nating balikan
[03:38.04] Kahit medyo naiinis, hindi dahil sa nagka-cancer
[03:40.71] Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y naka-duster
[03:43.11] Isang gabi, ako'y iyong tinawag, lumapit
[03:45.79] Ako sa 'yong tabi, ika'y tumangan, kumapit
[03:47.91] Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita
[03:50.03] "Anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa
[03:52.97] 'Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha
[03:55.09] Dahil kung minsan, mas lalaki pa sa lalaki ang bakla"
[03:57.74] Drum na may tubig ang sinisisid
[04:01.48] Naglalakihang mga braso, sa 'ki'y dumidikdik
[04:06.79] Drum na may tubig ang sinisisid
[04:11.31] Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib
[04:17.17] Ako'y isang sirena
[04:21.15] Kahit ano'ng gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba
