Lrc Player

Panaginip

Crazy As Pinoy
[04:49.97]·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:22.48] Nagtitipon na ang puso ko 'pag ako'y inaantok

[00:26.74] Wala na 'kong pakialam kahit papakin pa ng lamok

[00:29.93] Kahit mainit, malamig basta't napasandal

[00:32.85] Dire-diretso na ang tulog kahit bumarandal

[00:35.95] Well, okey lang, alam ko naman na magkikita pa naman

[00:39.15] Tayong dalawa sa may tagpuan tayo lang ang may alam

[00:41.53] Maramdaman na kahit minsan na ako'y iyong mahal

[00:45.44] Subalit nagising na lang ako na meron nang sumasakal

[00:48.09] Umaandar pa rin ang isip ko na kasama pa kita

[00:51.28] Kahit sinasampal nila ako, nakikita pa kita

[00:54.46] Ano nga bang pinakain mo, bakit patay na patay ako

[00:57.65] Pati na nga trabaho ko, napabayaan ko

[01:01.10] Ipagtatapat sa 'yo ikaw lang ang aking pantasya

[01:03.76] Sagutin mo lang ako, ililibot kita sa Asya

[01:06.68] Buong hacienda, ipapamana sa iyo

[01:09.60] Okey na sana ang lahat, bakit ginising mo pa ako

[01:13.86] Kung panaginip ka lang, ayaw ko nang magising pa

[01:22.36] 'Pagkat nadarama'y ligaya

[01:26.61] Lahat ng naisin mo'y aking ibibigay

[01:33.51] 'Pagkat ikaw ay aking mahal

[01:38.20] Pagbigyan mo naman ako, minsan na lamang hihiling

[01:40.59] Pagkatapos naman nito, patuloy kitang mamahalin

[01:43.51] 'Wag mo namang palampasin ang gabing ito nang 'di malinaw

[01:46.70] 'Paliwanag mo nang mabuti pero 'wag mong isigaw

[01:49.88] Napahiyaw 'pagkat nangyari ang aking inaasam

[01:53.07] Kahit medyo suntok sa buwan at least 'di na manghihiram

[01:55.99] Kay Ka Bunegro na may gawa ng matatamis na panaginip

[01:59.20] Luluwang na ang paghinga, ang puso'y 'di na maninikip

[02:02.11] Pinapahigpit mo pa nga ang yakap, ako nama'y tuwang-tuwa

[02:05.29] At ang milagro ngang ito, sa isip ko, walang-wala

[02:08.48] Binalewala ang mga kantsaw na 'di raw tayo nababagay

[02:11.67] Ako mismo, 'di makapaniwala na sa 'kin ka pa bibigay

[02:14.58] Pinagpalagay ko na lang ang lahat ay kaloob sa 'kin ng Diyos

[02:17.51] Kailanma'y 'di babastusin, susundin lahat ng utos

[02:20.96] Hanggang mapaos sa awitin, sana nama'y iyong dinggin

[02:23.62] At kung panaginip lang ito, sana'y 'di na ko magising

[02:28.13] Kung panaginip ka lang, ayaw ko nang magising pa

[02:35.84] 'Pagkat nadarama'y ligaya

[02:40.35] Lahat ng naisin mo'y aking ibibigay

[02:48.06] 'Pagkat ikaw ay aking mahal

[02:51.78] Dapat ko lang tapatan, taasan, higitan nang walang hanggan

[02:54.70] Pagmamahal na inalay mo, lubusan kong tutumbasan

[02:57.35] Sabihin mo lang, sige lang, sige lang bago tuluyang mabuang

[03:00.54] 'Di na nga makapaghihintay, pahalik naman

[03:02.83] Isa lang, isa lang, isa lang

[03:04.42] Ha, ha ha ha ha ha ha, he he he

[03:07.07] Nababaliw yata ako sa tamis ng 'yong halik

[03:09.73] Masasabik ako parati na ikaw ay makapiling

[03:12.92] Pero this time, baby, ako'y nagising, nagising, nagising, nagising

[03:16.64] Na para bang duling, para bang lasing na napraning

[03:19.31] Sabihin mo lang kung sa'n patungo upang aking marating

[03:22.22] Ang minimithi abot-kamay, walang wala ito sablay

[03:25.40] Handang-handa nang maghintay, wala na sanang bibigay

[03:28.60] Mamahalin hanggang buhay

[03:30.20] Mamahalin kahit patay

[03:31.51] Parang pilay na walang saklay kapag ika'y humiwalay

[03:34.44] Mamamatay dahil sa 'yo, mabubuang dahil sa 'yo

[03:37.63] Mamamatay na lang ako kung panaginip lang ito

[03:42.15] Kung panaginip ka lang, ayaw ko nang magising pa

[03:49.85] 'Pagkat nadarama'y ligaya

[03:54.09] Lahat ng naisin mo'y aking ibibigay

[04:01.79] 'Pagkat ikaw ay aking mahal

[04:08.17] Mahal...

[04:14.28] 'Pagkat ikaw ay aking mahal

[04:18.53] Haah... haah... hahh... haah...