Iladnasanwakan
[00:07.46] Bakit ba ayaw nila sayo? 'di ko alam
[00:11.18] Mas gusto nila si Gumamela o 'di kaya si Santan
[00:15.16] Tutol si tatay, si nanay, si ate, si kuya, pati mga kapitbahay
[00:19.14] Madaming nagsasabi sa akin sa aming 'di raw tayo nababagay
[00:23.93] Kahit kailan, 'di nila tayo maintindihan
[00:27.12] Nagkikita tayo kaso palihim nalang
[00:29.24] Sa ilalim ng maliwanag na buwan
[00:31.10] Lagi nalang nilang tinitingnan ang kwarto ko
[00:33.76] Baka may nakatago pang mga litrato mo
[00:35.62] Kasi kung meron pa, lagot!
[00:37.21] Tadhana'y tuluyan kang ipagdadamot
[00:39.34] 'Pag nagkataon
[00:40.66] Mapapalayo na naman ako sayo ng mga buwan, taon
[00:43.32] Ayoko na non, masaya nako sa kung anong, anuman ang meron tayo ngayon
[00:47.57] 'Pag wala ng tao direcho sa kwarto, sa banyo, pinto'y isarado
[00:51.02] Ibaba ang kurtina ng bintana baka may makakita, makahalata at lalong maghinala, ugh
[00:56.34] Pakiramdaman kung sino'ng mauuna
[01:04.30] Ang lapit lang ng langit tila maaabot ko na
[01:12.82] Kumurot ng lupa, pagkatapos sa apoy pabagain
[01:16.80] Sa tubig padaanin, bumuo ng ulap, palutangin sa hangin
[01:21.85] Mahirap na, mahirap na
[01:25.04] Pagmamahalang walang halong kemikal
[01:27.16] Kelan ba tayo magiging ligal
[01:29.29] Ano nga bang nakita ko sayo? Um... 'di ko alam
[01:32.47] Ano bang klaseng pabango yan, bakit parang di kita malayuan
[01:36.46] Wala pang ibang nadadampian ang aking daliri, tanging sayo lang
[01:40.71] Kahit na minsan nababalitaan ka na namang may mga kasamang tatuan
[01:44.70] Nag-umpisa ang lahat nung pinakilala ka saken
[01:47.08] Unang sipat ko sayo, biglang hampas ng hangin
[01:48.94] Bigla rin akong ginanahan kumain
[01:51.60] Ang dating dalawa naging limang takal ng bigas ang nasaing
[01:53.73] At 'pag nababagabag at natataranta
[01:57.18] Ikaw lamang ang nalalapitan para lang makalma
[02:00.90] Tumatatag ang paniniwalang may kapangyarihang mas nakahihigit
[02:05.41] Sa twing maglalakbay, mag-iisip, nakaupo habang mga mata'y nakapikit
[02:09.40] Ako may tangkay sa iyong bulaklak
[02:11.52] Kahit medyo buto-buto ay wala tong palpak
[02:13.65] Puti daw ang buhangin sa nasabing lambak
[02:15.78] Tumalon tayo ng langit, pahiga ang bagsak
[02:17.90] May mga bagay sa mundo na hindi madaling takasan
[02:20.55] Sigurado ng walang labasan
[02:22.15] 'Pag pinagkasundo ng Amang Kalawakan at ng Inang Kalikasan
[02:25.60] Hanggang sa may inabot sakin ang pilandok
[02:27.73] Lumutang sa sabaw sakay ng higanteng sandok
[02:29.05] Ang init kumakalmot sa dibdib
[02:31.71] Napaupo sa may sahig, lupa'y napakalambot
[02:34.11] At tuluyan nakong inantok ugh
[02:35.16] Pakiramdaman kung sino'ng mauuna
[02:38.62] Ang lapit lang ng langit tila maaabot ko na
[02:50.83] Kumurot ng lupa, pagkatapos sa apoy pabagain
[02:54.55] Sa tubig padaanin, bumuo ng ulap, palutangin sa hangin
[02:59.33] Mahirap na, mahirap na
[03:02.52] Pagmamahalang walang halong kemikal
[03:04.65] Kelan ba tayo magiging ligal
[03:06.78] Ang lakas na ng tama ko sa'yo, kung alam mo lang
[03:09.98] Sana kasama kita araw-araw at lalong-lalo na 'pag umuulan
[03:13.96] Wala pa ring sinabi kahit paghalu-haluin mo ang iba't-ibang klaseng droga don
[03:17.94] Walang panama kahit ipagsabay ang ecstacy, bato, ekis, damo, acid, coca, at mogadon
[03:22.20] Sa gitna ng makakapal na usok, tayo'y maglalaro
[03:25.12] Habang pinaplano natin ang titirhang kastilyo
[03:27.78] Tinitingnan kung pa'no itatayo
[03:30.16] Tuyo na ang dahong dati'y malagkit
[03:32.02] Palayo ka ulit at yun ang masakit
[03:34.16] 'Pag tumawag ako sana ganun pa rin ang numero mo at 'di ka nagpalit
[03:38.94] Basta 'wag kang maingay
[03:40.27] Dadaanan ang eskinita't looban para lang makasilay
[03:43.19] Pagmamahalang pabulong, lakad ko'y pasulong
[03:45.59] Wala ng panahon pa para umurong
[03:47.45] Ika'y itinabi, ang tanging nag-iisang natitira, tinitipid ko pa
[03:51.16] Kaso isang gabi, sa isang kisapmata, palihim kang nahithit ng iba
[03:55.42] Tangina
[03:57.27] Maging ligal man o hindi, palihim pa rin kitang 'sasama pag-uwi
[04:03.91] Maging ligal man o hindi, palihim pa rin kitang 'sasama pag-uwi
[04:11.88] Amoy ko na sa tuwing unti-unting naglalaho ang iyong bango
[04:15.86] Kung pwede sanang habambuhay nalang tayo dito sa bakuran ko
[04:19.85] Gusto ko yung mga katulad mo, yung may sari-saring lahi
[04:23.57] Kaso nakalimutan ko, pagdating sayo, madami pala akong kahati
[04:29.14] Mahirap na, mahirap na, mahirap na
[04:33.13] (Walang aminan)
[04:37.11] Mahirap na, mahirap na
[04:40.30] Pagmamahalang walang halong kemikal
[04:42.43] Kelan ba tayo magiging ligal
