Ginintuang Tanawin
[00:03.53] “Paano kapag sinabi kong mahal kita?”
[00:09.28] “Hmm, syempre mahal mo ‘ko. Magkaibigan tayo eh, ‘di ba?”
[00:14.52] Napapaisip sa gitna ng kaguluhan
[00:20.27] Litong-lito sa pulso ng nararamdaman
[00:25.79] Di mawari kung ito’y isang panaginip
[00:31.77] Tila ang puso ko’y naglalaro sa kalawakan
[00:40.27] Sa liwanag ng araw, ika’y nariyan, Magkatabi’t sinisilayan ka
[00:50.05] ‘Di na alam, naguguluhan tuwing kasama kita sa
[01:00.27] Ginintuang tanawin, sa ilalim ng langit, ika’y kapiling ko
[01:10.27] Sa pag-ihip ng hangin, kasabay ng awitin, ramdam ang palad mo
[01:20.02] Sana’y dinggin ang dalangin, ang aking hangaring mahalin mo rin ako
[01:46.53] Kulay kahel na langit, nakitang gumuhit sa ganda ng mata mo
[01:51.28] Sumisilip ang tinatagong kagustuhan
[01:57.03] Makasama ka’t manatili sana sa ‘yong tabi
[02:02.28] Umaawit sa kislap ng ‘yong mga ngiti
[02:08.28] Hihiling na lang na sana’y ako man lang ay ‘yong tignan
[02:17.06] Sa liwanag ng araw, ika’y nariyan, magkatabi’t sinisilayan ka
[02:26.52] ‘Di na alam, naguguluhan tuwing kasama kita sa
[02:36.78] Ginintuang tanawin, sa ilalim ng langit, ika’y kapiling ko
[02:46.51] Sa pag-ihip ng hangin, kasabay ng awitin, ramdam ang palad mo
[02:56.52] Sana’y dinggin ang dalangin, ang aking hangaring mahalin mo rin ako
[03:06.26] Kulay kahel na langit, nakitang gumuhit, sa ganda ng mata–
[03:14.77] Nagtatanong ang aking isipan, nais mo rin ba akong mahagkan?
[03:26.07] Hanggang dito nalang ba ang ating pagkakaibigan?
[03:27.26] “Dito ka lang ah?”
[03:30.71] “Oo naman, hindi ako aalis.”
[03:44.39] Ginintuang tanawin, sa ilalim ng langit, sana’y malaman mo
[03:52.54] Sa pag-ihip ng hangin, kasabay ng awitin, ramdam mo ba ako?
[04:03.52] Sana’y dinggin ang dalangin, ang aking hangaring mahalin mo rin ako
[04:10.00] Kulay kahel na langit, hindi mapipilit, mabigyan ng pag-ibig mo
