Lrc Player

Ginintuang Tanawin

Marc Alfaro ft. Gwy Saludes
[00:00.00]·Synced by Guest·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:06.05] “Paano kapag sinabi kong mahal kita?”

[00:09.03] “Hmm, syempre mahal mo ‘ko. Magkaibigan tayo eh, ‘di ba?”

[00:14.78] Napapaisip sa gitna ng kaguluhan

[00:20.02] Litong-lito sa pulso ng nararamdaman

[00:25.77] Di mawari kung ito’y isang panaginip

[00:31.29] Tila ang puso ko’y naglalaro sa kalawakan

[00:37.27] Sa liwanag ng araw, ika’y nariyan, Magkatabi’t sinisilayan ka

[00:45.77] ‘Di na alam, naguguluhan tuwing kasama kita sa

[00:55.55] Ginintuang tanawin, sa ilalim ng langit, ika’y kapiling ko

[01:05.77] Sa pag-ihip ng hangin, kasabay ng awitin, ramdam ang palad mo

[01:15.77] Sana’y dinggin ang dalangin, ang aking hangaring mahalin mo rin ako

[01:25.52] Kulay kahel na langit, nakitang gumuhit sa ganda ng mata mo

[01:52.03] Sumisilip ang tinatagong kagustuhan

[01:56.78] Makasama ka’t manatili sana sa ‘yong tabi

[02:02.53] Umaawit sa kislap ng ‘yong mga ngiti

[02:07.78] Hihiling na lang na sana’y ako man lang ay ‘yong tignan

[02:13.78] Sa liwanag ng araw, ika’y nariyan, magkatabi’t sinisilayan ka

[02:22.56] ‘Di na alam, naguguluhan tuwing kasama kita sa

[02:32.02] Ginintuang tanawin, sa ilalim ng langit, ika’y kapiling ko

[02:42.28] Sa pag-ihip ng hangin, kasabay ng awitin, ramdam ang palad mo

[02:52.01] Sana’y dinggin ang dalangin, ang aking hangaring mahalin mo rin ako

[03:02.02] Kulay kahel na langit, nakitang gumuhit, sa ganda ng mata–

[03:11.76] Nagtatanong ang aking isipan, nais mo rin ba akong mahagkan?

[03:20.27] Hanggang dito nalang ba ang ating pagkakaibigan?

[03:31.57] “Dito ka lang ah?”

[03:32.76] “Oo naman, hindi ako aalis.”

[03:36.21] Ginintuang tanawin, sa ilalim ng langit, sana’y malaman mo

[03:49.89] Sa pag-ihip ng hangin, kasabay ng awitin, ramdam mo ba ako?

[03:58.04] Sana’y dinggin ang dalangin, ang aking hangaring mahalin mo rin ako

[04:09.02] Kulay kahel na langit, hindi mapipilit, mabigyan ng pag-ibig mo