Sampaguita
[00:12.50] Oh aking sinta pasensya ka na
[00:14.35] Kung ang makapiling ka ay hindi ko magawa
[00:18.35] Hawak-hawak lagi ay larawan ng iyong mukha
[00:21.52] Napakahirap ang bumuhat ng lungkot na malubha
[00:24.98] Sa tuwing may okasyon ay wala ako palagi
[00:28.16] Kay dami ng taon ang kailangan kong mabawi
[00:31.62] Nagdaang mga pasko bagong taon at araw
[00:35.08] Ng mga pusong hindi kita makuhang madalaw
[00:38.52] At maabutan man lang ng paborito mong bulaklak
[00:41.46] 'Pag kausap ka'y hindi ko mapigilang maiyak
[00:44.64] Sa mundong 'di sigurado isa lamang ang tiyak
[00:48.37] Mag-isa ka lang nang isinilang mo'ng ating anak
[00:52.09] Nangungulila hanggang sa tumila ang ulan
[00:55.01] Mga sana na mahirap nang bilangin kung ilan
[00:57.93] Sa pagkain sa labas ay 'di kita masabayan
[01:01.38] At sa paglubog ng araw 'di kita matabihan
[01:05.37] Kahit saan man mapadpad
[01:08.03] Sa 'yo pa rin ako babalik giliw
[01:16.26] Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita
[01:29.81] Sa halimuyak ng 'yong
[01:35.92] Anak kaarawan mo na ulit
[01:41.23] 'Wag mong kalimutang suutin ang bago mong damit
[01:44.68] Tandaan mo lagi kahit 'di tayo magkalapit
[01:48.14] Naaalala ka ni tatay tuwing ako'y pumipikit
[01:51.60] Patawarin mo ako anak kung hindi kita
[01:55.07] Masamahang magpalipad ng gawa mong saranggola
[01:58.52] O lumangoy sa batis na katulad ng iba
[02:01.71] At mapunasan ka ng pawis kapag nagbibisikleta
[02:04.90] Magbutones ng uniporme mo sa unang araw
[02:08.09] Ng pasok sa eskwela puso ko'y nag-uumapaw
[02:11.82] Sa tuwa dahil gan'yang gan'yan ako noon
[02:13.93] Ngunit agad napapaluha 'pag ika'y nagtatanong
[02:17.65] Kailan ka uuwi sa 'kin ay binubulong
[02:21.37] Sagot na bukas na anak ay palaging nakakulong
[02:24.83] Sa pagtakbo'y madadapa minsan ay masasaktan
[02:28.27] Pero sugat mo sa tuhod hindi ko mahalikan
[02:32.27] Kahit saan man mapadpad
[02:36.26] Sa 'yo pa rin ako babalik giliw
[02:43.70] Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita
[02:57.00] Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita
[03:11.88] Sa halimuyak ng 'yong
[03:18.27] Dumating na'ng araw na aking pinakahihintay
[03:21.72] Malapit nang magsimula ang aking paglalakbay
[03:24.92] Pabalik sa 'king pamilya kahit napakalayo
[03:28.37] Mula sa lugar na para kumita ay dinayo
[03:31.82] Lahat ng pasalubong ko ay nasa kahon na
[03:35.01] Tsokolate at laruan pati sabong panlaba
[03:38.20] Eroplano'y lumapag na ako lamang mag-isa
[03:41.67] Ang babiyahe pauwi para masorpresa sila
[03:44.85] Kaso nang sumakay ako ng taxi ay para bang tila iba
[03:47.78] Ang tingin sa 'kin ng mama na sa manibela malayo akong dinala
[03:51.23] No'ng tanungin ko teka muna pare ay bigla na lamang s'yang natawa
[03:54.68] Nag-iba'ng aking kaba teka bakit may pumasok pa na dalawa
[03:58.40] Hanggang hinawakan ako sa balikat ng isa na may tangan na patalim
[04:01.32] Pilit inaagaw ang dala kong bag na pinakatatago ko nang palihim
[04:04.51] Dahil ang laman nito ay ang lahat ng mga araw na ako'y nakatingin
[04:08.23] Sa bituin kahit madilim pero bakit sa dulo ako pa rin kahit ano'ng gawin
[04:13.01] Kahit saan man mapadpad
[04:15.93] Sa 'yo pa rin ako babalik babalik giliw
[04:18.59] Sa halimuyak sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita sampaguita
[04:39.31] Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita
[04:50.20] La la la la la oh
[04:54.97] Sa halimuyak ng 'yong (sampaguita)
