Lrc Player

Paalam_Leonora_(256k)

Unknown artist
[04:23.23]·Synced by Guest·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:00.86] Tong alay kong harana, para sa dalagang

[00:08.04] Walang kasingganda, amoy-rosas ang halimuyak

[00:16.54] Kung nanaisin ng tadhanang mapanlinlang

[00:23.44] 'Di hahayaang mawala pa

[00:32.21] 'Tong liham na umaasang mata mo ang makabasa

[00:40.45] Handang gawin lahat, maging pamilya'y liligawan

[00:48.42] Ngayon lang nakadama ng wagas na pagkamangha

[00:55.32] Hiling ko lang naman na

[01:03.55] Tayo na sanang dalawa ang siyang huli at ang umpisa

[01:11.25] Papatunayang ang unang pag-ibig ay 'di mawawala

[01:15.24] Nakailang tula na, ba't tila 'di napupuna?

[01:30.38] Ang tangi kong hiling, hanggang dulo, ikaw ang kapiling

[01:38.61] Kung puwede lang, hanggang pangmagpakailanman

[01:45.52] Hinding-hindi na papakawalan kailanman

[01:53.49] Ang dating tamis ng pagsasama, nasa'n na?

[02:01.19] Ba't sa 'ting dal'wa, ako na lang ang natira?

[02:09.16] Tinig mong kay ganda, maririnig pa ba?

[02:15.54] Handang tahaking mag-isa kahit wala ka na

[02:59.10] Kung nasa'n ka man, nawa ay masaya ka na

[03:07.60] Kahit na 'di na tayo magsasama pa

[03:15.31] Dinggin mo lang ang hiling na mag-iingat ka

[03:21.68] Oh, Leonora kong sinta, ah

[03:31.51] Hindi man tayong dalawa ang siyang huli at ang umpisa

[03:39.74] Liham ko ma'y matatapos na, pag-ibig ko'y habang-buhay na