Lrc Player

Upuan

Gloc-9
[04:07.92]·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:40.66] Kayo po na naka upo

[00:44.65] Subukan nyo namang tumayo

[00:49.96] At baka matanaw at baka matanaw na nyo

[00:55.54] Ang tunay na kalagayan ko

[00:59.26] Ganito kasi yan eh

[01:00.89] Tao po nandyan po ba kayo sa loob ng

[01:04.07] Malaking bahay at malawak na bakuran

[01:06.73] Mataas na pader pinapaligiran

[01:09.38] At naka pilang mga mamahaling sasakyan

[01:11.77] Mga patay na laging bulong ng bulong

[01:13.90] Wala namang kasal pero marami ang naka barong

[01:16.42] Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong

[01:19.07] Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong

[01:21.73] At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon

[01:24.12] At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon

[01:26.78] Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan

[01:29.43] Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan

[01:31.56] Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan

[01:34.21] Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan

[01:36.60] Kaya naman hindi niya pinakakawalan

[01:39.27] Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan

[01:41.65] Kayo po na naka upo

[01:45.37] Subukan nyo namang tumayo

[01:50.16] At baka matanaw at baka matanaw na nyo

[01:56.26] Ang tunay na kalagayan ko

[02:01.04] Mawalang galang na po

[02:03.17] Sa taong naka upo

[02:04.50] Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno

[02:07.15] Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero

[02:09.56] Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo

[02:11.95] Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin

[02:14.61] Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling

[02:17.01] Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero

[02:19.65] Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo

[02:22.05] Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero

[02:24.72] Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo

[02:27.11] Pero kulang na kulang parin

[02:28.97] Ulam na tuyo't asin

[02:30.30] Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin

[02:32.42] Di ko alam kung talagang maraming harang

[02:34.80] O mataas lang ang bakod

[02:36.11] O nagbubulag-bulagan lamang po kayo

[02:38.50] Kahit sa dami ng pera niyo

[02:39.83] Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo kaya

[02:42.48] Wag kang masyadong halata

[02:46.20] Bato-bato sa langit

[02:49.66] Ang matamaa'y wag magalit

[02:54.97] O bato-bato bato sa langit

[03:00.28] Ang matamaan ay

[03:03.74] Wag masyadong halata (hehey)

[03:06.10] Wag kang masyadong halata

[03:11.41] Wag kang masyadong halata (hehey)

[03:16.45] Wag kang masyadong halata (hehey hehey)

[03:23.10] Hehey hehey