Lrc Player

Handa, Awit

Moira Dela Torre
[02:34.25]·Synced by Guest·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:01.79] Sa wakas nahanap din kita

[00:06.57] Ilang taon na rin akong paikot-ikot sa bakurang ito

[00:09.76] Nabaliktad ko na ang lahat ng mga bato

[00:12.41] Nahawi ko na ang bawat piraso ng damo

[00:15.33] Hinalughog ko na ang langit at lupa Para sa nawawalang kapiraso ng aking dibdib

[00:20.11] Ang buto na kukumpleto sa balangkas ng imahe ng pag-ibig

[00:24.63] Sa panaginip sinundan ko ang mga iniwan mong bakas

[00:28.61] At sa pagbukas ng aking mga mata

[00:31.00] Sa wakas nahanap din kita

[00:33.13] Totoo pala yung mga kwento nila

[00:36.31] Naalala ko sabi nila sa 'kin kapag natagpuan mo na daw ang hinahanap mo

[00:42.69] At bumaliktad ang iyong sikmura

[00:45.35] Nanghina ang mga tuhod mo

[00:47.47] Bumilis ang tibok ng puso mo

[00:51.19] At hindi mo mapigilan ang nginig sa iyong mga kamay

[00:53.58] Nagkakamali ka

[00:54.91] Hindi siya ang hinahanap mo

[00:56.77] Dahil kapag nahanap mo na daw tinadhana sayo ng kalawakan

[01:00.75] Sabi nila kasabay mong matatagpuan ang kapayapaan

[01:03.68] Ang lubag ng loob

[01:05.00] Ang kalma

[01:06.86] Na parang bago pa magtagpo ang ating mga katawan

[01:09.52] Matagal na itong plinano ng ating mga kaluluwa

[01:12.18] Na minsan hindi tayo magkasya sa isang dibdib

[01:15.10] Kaya't pinaghiwalay tayo ng may likha

[01:17.49] Para balang araw kapag naikot ko na ng sapat na beses

[01:20.41] Ang mga pader sa pagitan nating dalawa

[01:22.53] Ang mga ito ay tutumba

[01:24.39] At sa wakas kapag humupa na ang sigwa

[01:26.79] Matatagpuan din kita

[01:28.91] At natagpuan nga kita

[01:30.50] Sana hindi ako nagkamali

[01:32.36] Dahil minsan na akong naging bala ng tirador

[01:35.02] Na hinawakan ng mahigpit

[01:36.08] At hinatak papalapit

[01:37.68] Para lamang bitiwan at palayain

[01:39.27] Iwang lumilipad sa hangin

[01:40.86] Hindi ko alam kung saan ako babagsak

[01:42.98] Pero dinala ako ng tadhana sa bakurang ito

[01:45.38] At naniniwala akong lahat ng bagay ay may dahilan

[01:48.57] Dahil naniniwala ako sa kanya

[01:50.42] Sa may hawak ng tirador na pumuksa

[01:52.55] Ng mga higante sa aking dibdib

[01:54.41] Noong mga panahong wala pang lakas ang aking mga bisig

[01:57.07] Pero ngayon masasabi kong handa na ako

[01:59.72] Handa na akong muling sumugal

[02:01.58] Handa na akong muling magmahal

[02:03.70] Handa na akong lumabas sa aking bangka

[02:06.09] Kahit ilang beses na akong nagtangka at lumubog

[02:08.75] At nalunod sa kasinungalingan na ang pag-asa

[02:11.41] Ay isang pantasya na binubulag ako sa katotohanan

[02:14.33] Alam kong ang katotohanang andito ka ngayon

[02:16.99] Sa aking harapan ay hindi ko kagagawan

[02:18.31] Pero sa wakas nahanap din kita

[02:21.24] Dahil ngayon handa na ako

[02:23.10] At ang tanging panalangin na isinisigaw ko sa hangin

[02:26.02] Ay sana ikaw rin

[02:27.61] Handa ka na ba?