Marc Alfaro - Ginintuang Tanawin
[00:00.52] “Paano kapag sinabi kong mahal kita?”
[00:03.18] “Hmm, syempre mahal mo ‘ko. Magkaibigan tayo eh, ‘di ba?”
[00:09.30] Napapaisip sa gitna ng kaguluhan
[00:14.34] Litong-lito sa pulso ng nararamdaman
[00:19.94] Di mawari kung ito’y isang panaginip
[00:24.98] Tila ang puso ko’y naglalaro sa kalawakan
[00:31.36] Sa liwanag ng araw, ika’y nariyan, Magkatabi’t sinisilayan ka
[00:40.65] ‘Di na alam, naguguluhan tuwing kasama kita sa
[00:49.41] Ginintuang tanawin, sa ilalim ng langit, ika’y kapiling ko
[01:00.05] Sa pag-ihip ng hangin, kasabay ng awitin, ramdam ang palad mo
[01:09.87] Sana’y dinggin ang dalangin, ang aking hangaring mahalin mo rin ako
[01:19.70] Kulay kahel na langit, nakitang gumuhit sa ganda ng mata mo
[01:42.81] Sumisilip ang tinatagong kagustuhan
[01:51.04] Makasama ka’t manatili sana sa ‘yong tabi
[01:56.62] Umaawit sa kislap ng ‘yong mga ngiti
[02:01.94] Hihiling na lang na sana’y ako man lang ay ‘yong tignan
[02:08.06] Sa liwanag ng araw, ika’y nariyan, magkatabi’t sinisilayan ka
[02:16.83] ‘Di na alam, naguguluhan tuwing kasama kita sa
[02:26.14] Ginintuang tanawin, sa ilalim ng langit, ika’y kapiling ko
[02:36.78] Sa pag-ihip ng hangin, kasabay ng awitin, ramdam ang palad mo
[02:46.60] Sana’y dinggin ang dalangin, ang aking hangaring mahalin mo rin ako
[02:56.44] Kulay kahel na langit, nakitang gumuhit, sa ganda ng mata–
[03:05.21] Nagtatanong ang aking isipan, nais mo rin ba akong mahagkan?
[03:14.76] Hanggang dito nalang ba ang ating pagkakaibigan?
[03:24.86] “Dito ka lang ah?”
[03:26.48] “Oo naman, hindi ako aalis.”
[03:30.20] Ginintuang tanawin, sa ilalim ng langit, sana’y malaman mo
[03:41.88] Sa pag-ihip ng hangin, kasabay ng awitin, ramdam mo ba ako?
[03:52.51] Sana’y dinggin ang dalangin, ang aking hangaring mahalin mo rin ako
[04:02.87] Kulay kahel na langit, hindi mapipilit, mabigyan ng pag-ibig mo
