Cup of Joe - Estranghero (Lyric Video)
[00:17.85] 'Di na alam kung ba't na ganito
[00:21.84] Mga kilos ay nagbago
[00:25.82] Pipilitin pa ba o kusang lalayo
[00:29.81] Sa puso mong nanlalabo?
[00:34.06] ♪
[00:42.02] Ang dating alam, panaginip na lang
[00:46.27] Mga sana'y 'di mabilang
[00:50.26] Hinahanap-hanap, tamis ng nakaraan
[00:54.51] Ba't tinatalikuran?
[00:58.23] Ako ay litong-lito, saan ba ito patungo?
[01:02.74] 'Di ko na alam kung dapat bang ihinto
[01:05.93] 'Di alam ang sasabihin, 'di alam ang aking gagawin
[01:10.71] Kung mananatili sa 'yo, minamahal kong estranghero
[01:15.76] ♪
[01:31.17] Lagi na lang akong nangangapa
[01:34.88] 'Di na kita matimpla
[01:39.13] Hanggang dito na lang ba tayong dalawa?
[01:43.12] Pupunta na lang ba sa wala
[01:46.84] Ako ay litong-lito, saan ba ito patungo?
[01:51.36] 'Di ko na alam kung dapat bang ihinto
[01:54.81] 'Di alam ang sasabihin, 'di alam ang aking gagawin
[01:59.59] Kung mananatili sa 'yo, minamahal kong estranghero
[02:04.10] 'Di man lang nagsabi, biglang umalis
[02:08.09] Kasama ka ngunit ba't nangungulila pa rin?
[02:12.34] 'Di mapinta ang nadarama
[02:16.32] Ang anino mo'y 'di na makilala
[02:20.31] ♪
[02:29.87] Kahit na litong-lito, sa iyo pa rin tutungo
[02:34.39] 'Di man sigurado, 'di pa rin hihinto
[02:37.57] Isa lang ang sasabihin, isa lang ang aking gagawin
[02:42.35] Muli kitang kikilalanin, minamahal kong estranghero
