Bibingka
[00:15.91] Simbang Gabi na naman
[00:21.00] Tayo gising na, patulog pa lang ang buwan
[00:28.25] Ang simoy ng hangin, dahan-dahan na humahaplos
[00:34.91] Sa mukha ng bawat tao
[00:38.23] Bumabagsak-bagsak pa ang mata
[00:44.92] Dahan-dahang kumislap
[00:50.05] Ang mga ilaw ng tumatandang simbahan
[00:56.58] Kung sa'n magkasama tayong nagdasal
[01:00.85] At nakinig sa Misa de Gallo
[01:06.16] Pagdating ng Ama Namin, ang oras huminto
[01:12.85] Nang magkahawak ang ating mga kamay
[01:20.64] Humawi'ng mga ulap at sabay
[01:25.19] Nagsiawit ang mga anghel sa langit
[01:32.46] At nang unang gabi ng Pasko'y sumapit
[01:39.36] Kay ganda ng harana ng tinig na sumasabay sa ihip ng hangin
[01:48.70] Ang sabi nila (ang sabi nila)
[01:52.50] Ang sabi nila
[01:55.23] At pagkatapos magsimba
[02:00.26] Habang hinahatid kita sa 'yong tahanan
[02:06.98] Parang walang katapusan ang ating kuwentuhan
[02:13.65] Tungkol sa mga buhay ng isa't isa
[02:19.04] Ako'y nahalina
[02:23.10] Nang mapadaan tayo do'n sa may tindahan
[02:31.36] Humawi'ng mga ulap at sabay
[02:35.92] Nagsiawit ang mga anghel sa langit
[02:43.08] At nang unang gabi ng Pasko'y sumapit
[02:50.27] Kay ganda ng harana ng tinig na sumasabay sa ihip ng hangin
[02:59.14] Ang sabi nila (ang sabi nila)
[03:03.33] Ang sabi nila
[03:20.38] Natapos din ang siyam na araw ng Simbang Gabi
[03:27.37] Ang sabi ko sa sarili, baka ito na'ng huli
[03:34.01] Pero mula no'ng unang Ama Namin
[03:38.60] Na ang 'yong kamay ay hinawakan
[03:44.00] 'Di mo na binitawan
[03:50.22] Nagsiawit ang mga anghel sa langit
[03:57.15] At nang unang gabi ng Pasko'y sumapit
[04:04.07] Kay ganda ng harana ng tinig na sumasabay sa ihip ng hangin
[04:12.84] Ang sabi nila (ang sabi nila)
[04:17.35] Ang sabi nila (ang sabi nila)
[04:20.36] Oh, ang sabi nila
[04:24.09] Ang sabi nila, bilhan mo na siya ng bibingka
[04:32.21] Dahil ikaw na ang aking tadhana
[04:40.00] Bilhan mo na siya ng bibingka
[04:46.47] Dahil ikaw na ang aking tadhana
