Lrc Player

Tugmang preso

Loonie
[06:54.17]·Synced by Guest·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[01:16.63] OverviewVideosLyricsListenArtists

[00:00.00] LOONIE:

[00:00.00] Bagama’t makulay ang mga pabalat

[00:00.00] Alam mong mahusay ang pagkakalahad

[00:00.00] Mga tunay na ganap isinulat ng pa-rap

[00:00.00] Kaya wag ka nang magulat kung magtutugma lahat

[00:00.00] Sapagkat ito'y galing sa memorya

[00:00.00] Isang napakaimportante na istorya

[00:00.00] Ito ang aking personal na testimonya

[00:00.00] Pangontra sa mga ignorante na teorya

[00:00.00] Ito ay tunay na buhay wala kong dahilan

[00:00.00] Para magsinungaling at mga detalye palitan

[00:00.00] Ito ang kwento kung pano kami tinaniman

[00:00.00] Ng marijuana ng mga parak na mukhang Taliban

[00:00.00] Bandang alas otso ng gabi sa Pilipinas

[00:00.00] Sa isang gusali doon sa may Ortigas

[00:00.00] Walong oras bago ang rehas ay mahimas

[00:00.00] Kasama ko si “Ron Henley ng Stick Figgas”

[00:00.00] May interview kami sa radyo nung gabi na yon

[00:00.00] Tungkol sa marijuana at sa legalisasyon

[00:00.00] Pagkatapos namin umalis agad sa istasyon

[00:00.00] Dahil meron pa akong pupuntahang isang okasyon

[00:00.00] Don sa Poblacion, birthday daw ni Shaun

[00:00.00] Yon lang ang alam ko na detalye pa noon

[00:00.00] Medyo masama ang panahon umaambon

[00:00.00] Kaya tinext ko na si utol “Pumunta ka na ngayon”

[00:00.00] Humiwalay na si Ron, sumakay ng taxi

[00:00.00] “Dahil bukas may recording pa kami ni Klumcee”

[00:00.00] Utol kong si Idyll sinundo ako sa lobby

[00:00.00] Gamit ang aking Subaru na tunog Ferrari

[00:00.00] “Saan tayo pupunta? Private daw na party?”

[00:00.00] “Yung reception ay isang hotel don sa Makati”

[00:00.00] Bata na may cancer, kumontak kanyang mommy

[00:00.00] Idol ako ng anak at rap ang kayang hobby

[00:00.00] Pangalan daw ay Shaun walang pake sa money

[00:00.00] Kasi handang magbayad kahit magkano si daddy

[00:00.00] Lumambot ang aking puso nung una kong narinig

[00:00.00] Naawa ako kay Shaun mga luha nangilid

[00:00.00] Nung nalaman kong lagay na daw ng bata tagilid

[00:00.00] “Di nyo kelangan magbayad pupunta ko sa event”

[00:00.00] Rekta sa Makati kahit trapik ay kainep (hayyy)

[00:00.00] Kasama ko si Rude at si Ivan, ang sikep!

[00:00.00] At si kuya Albert yung driver kong mabait

[00:00.00] Atsaka si Idyll, aking manager at kapatid

[00:00.00] Na merong Thalassemia isang kakaibang sakit

[00:00.00] Kailangan nyang laging salinan ng dugo na pantawid

[00:00.00] At dahil malapit lang sa hotel yung Makati Med

[00:00.00] Sumabay na lang sya samin para mas makatipid

[00:00.00] (“Sabay ka na para isang kotse nalang”)

[00:00.00] Yung katabi ko sa backseat si Rudeboy at si Ivan

[00:00.00] Documentation, security, at hypeman

[00:00.00] Bale siksikan kami sa aking tsikot (wag malikot!)

[00:00.00] Tatlo kaming mga lalake sa likod

[00:00.00] Pagdating sa Makati, sakto lang yung timing

[00:00.00] Nagtext na rin yung mommy at nagsabing

[00:00.00] Nagstart na daw yung party, sa basement daw yung parking

[00:00.00] “Salamat sa pagpunta, pasok lang kayo darling”

[00:00.00] Pagbaba ng kotse hinanap ko yung main floor

[00:00.00] May nagpalitrato sa tabi ng elevator

[00:00.00] “Idol pwede favor? Baka pwede magpapicture kasi idol na idol ka talaga ng anak ko na grade 4”

[00:00.00] Nagselfie kaming dalawa sa kanyang razor

[00:00.00] Tapos tinutok sa’kin yung baril ni terminator (hasta la vista)

[00:00.00] Pero bilang narrator, lagyan natin ng flavor

[00:00.00] Para di masyadong halata yung trauma ko na major (what the fuck?!)

[00:00.00] Nakakagulantang

[00:00.00] Sangkatutak na ninja cops sa amin ang tumambang

[00:00.00] Parang Wu-Tang Clan

[00:00.00] Lampas sampu lumabas sa van

[00:00.00] “Pasensya na idol, napagutusan lang”

[00:00.00] Humakbang paatras at wala nang nagawa

[00:00.00] Tinutukan ng Beretta sa mukha, pinadapa

[00:00.00] Pinosasan, pilit pinapatingin sa baba

[00:00.00] Mga bulsa namin isa-isa nilang kinapa

[00:00.00] Akala ko kidnap for ransom ang sadya

[00:00.00] O kaya baka prank lang ‘to na malala

[00:00.00] Lang hiya!

[00:00.00] (“Dapa, dapa, dapa!

[00:00.00] Kamay sa likod, tingin sa baba!

[00:00.00] Dapa sabi eh!”)

[00:00.00] Nakadapa kami habang napapanood

[00:00.00] Ng aking utol na kasalukuyang nakabukod

[00:00.00] May tinabi silang kahon

[00:00.00] Malakas kanyang kutob

[00:00.00] Na meron ‘tong mga lamang kontrabando sa loob

[00:00.00] Tsaka na lang silang nagpakilalang mga parak

[00:00.00] Nung isa na sa mga kasama nila nasapak

[00:00.00] Walang uniporme at nakamaskara lang lahat

[00:00.00] Walang “Mirandang” binasa, basta-basta lang agad (my god!)

[00:00.00] Sikat na hotel at ang nakakapagtaka'y

[00:00.00] Maraming CCTV lahat nakapatay

[00:00.00] Wala man lang body cam na nakalagay

[00:00.00] Kahit kuha man lang ng cellphone gamit kamay

[00:00.00] Sabi daw ng pulisya

[00:00.00] Sakin daw nakumpiska

[00:00.00] Pero di makumpirma

[00:00.00] Kasi walang kahit ni isang saksi na pumirma

[00:00.00] Walang video ng palitan magmula nung umpisa

[00:00.00] Kung under surveillance pala, dapat may footage ka

[00:00.00] Kung under surveillance pala, dapat may footage na

[00:00.00] Kung normal na tao nagvaviral pag nahuli sya

[00:00.00] Paano na lang kaya kung si Loonie pa?

[00:00.00] Nung nasagot ko yung PDEA at aking kinondena

[00:00.00] Mga ulo nila biglang nagkaron ng bumbilya

[00:00.00] Para mapromote sa pwesto ako ang pinuntirya

[00:00.00] Ng mga ninja cops na gustong magbida-bida (diba? diba?)

[00:00.00] Bigla silang nakaisip ng ideya

[00:00.00] Kasi napanood nila yung live ko sa PDEA

[00:00.00] Nung binan nika yung kantang Amatz dahil sa tema

[00:00.00] Pero Maria Hiwaga ni Sassa walang problema

[00:00.00] Aba punyeta! Talamak na ang taniman

[00:00.00] Buybust daw kaso bakit parang madalian?

[00:00.00] Di ba dapat pinaghahandaan yan at kalimitan

[00:00.00] Minamanmanan ng malayuan, malapitan?

[00:00.00] May mga camera na nakatago sa pagitan?

[00:00.00] Kaya medyo weirdo kasi walang video ng palitan

[00:00.00] Akala ko ba buybust to na malakihan?

[00:00.00] Nakakapagtaka lang kaibigan

[00:00.00] Gusto mong maintindihan at mabatid?

[00:00.00] Gamitin mo lang ang sentido kumon kapatid

[00:00.00] Para sa isang daang libo, magpapakaastig?

[00:00.00] Kayang-kaya ko yan kitain ng triple isang gig

[00:00.00] At kung pusher man ako ng sinasabi nilang weed

[00:00.00] Bakit naman ako pa mismo maghahatid?

[00:00.00] Ni hindi nga ako lumalabas ng bahay tsaka

[00:00.00] Bi-hira mong makita sa kalsada tumawid

[00:00.00] At bakit ako magbebenta sa di ko kakilala

[00:00.00] Kung sa eksena ko ay maraming nagmamarijuana?

[00:00.00] Bakit ko papahirapan ang sarili ko habang

[00:00.00] Sinusugal ang karerang matagal kong pinagsikapan?

[00:00.00] Bakit isasama ko pa yung kapatid kong may karamdaman

[00:00.00] At cameraman para magvlog ng kaganapan?

[00:00.00] Walang saysay na mga paratang!

[00:00.00] Pawang haka-haka lamang para pangalan ko ay yurakan

[00:00.00] Alam kong meron akong mga paa na natapakan

[00:00.00] Ngunit di ko ‘yon sinasadya ako ay tao lamang

[00:00.00] Pinaglaban lang ang paglikha nang merong kalayaan

[00:00.00] At kung yun ay masama, yun lang ang aking kasalanan