Lrc Player

Tugmang Preso

Loonie
[06:54.20]·Synced by Guest·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:19.49] Bagamat makulay ang mga pabalat

[00:24.27] Alam mong mahusay ang pagkakalahad

[00:26.93] Mga tunay na ganap, isinulat ng pa-rap

[00:29.32] Kaya 'wag ka nang magulat

[00:31.98] Kung magtutugma lahat

[00:33.04] Sapagkat ito'y galing sa memorya

[00:34.37] Isang napaka-importante na istorya

[00:36.76] Ito ang aking personal na testimonya

[00:39.41] Pangontra sa mga ignorante na teyorya

[00:42.87] Ito ay tunay na buhay

[00:44.46] Wala 'kong dahilan para magsinungaling

[00:45.79] At mga detalye palitan

[00:48.18] Ito ang kwento kung pa'no kami tinaniman ng

[00:00.00] Marijuana ng mga parak na mukhang taliban

[00:00.00] Bandang alas otso ng gabi sa Pilipinas

[00:00.00] Sa isang gusali doon sa may Ortigas

[00:00.00] Walang oras bago ang rehas ay mahimas

[00:00.00] Kasama ko si Ron Henley ng Stick Figgas

[00:00.00] May interview kami sa radyo nung gabi na 'yon

[00:00.00] Tungkol sa marijuana at sa legalisasyon

[00:00.00] Pagkatapos namin umalis agad sa istasyon

[00:00.00] Dahil meron pa 'kong

[00:00.00] Pupuntahang isang okasyon

[00:00.00] Do'n sa Poblacion, birthday daw ni Shawn

[00:00.00] 'Yun lang alam ko na detalye pa noon

[00:00.00] Medyo masama ang panahon, umaambon

[00:00.00] Kaya tinext ko na si utol

[00:00.00] Pumunta ka na ngayon

[00:00.00] Humiwalay na si Ron, sumakay ng taxi

[00:00.00] Dahil bukas may recording pa kami ni Klumcee

[00:00.00] Utol kong si Idyll, sinundo ako sa lobby

[00:00.00] Gamit ang aking Subaru na tunog Ferrari

[00:00.00] Saan tayo pupunta? Private daw na party

[00:00.00] 'Yung reception ay isang hotel do'n sa Makati

[00:00.00] Bata na may cancer, kumontak kaniyang mommy

[00:00.00] Idol ako ng anak at rap ang kaniyang hobby

[00:00.00] Pangalan daw ay Shawn, walang pake sa money

[00:00.00] Kasi handang magbayad kahit magkano si daddy

[00:00.00] Lumambot ang aking puso nung una ko narinig

[00:00.00] Naawa ako kay Shawn, mga luha nangilid

[00:00.00] Nung nalaman kong lagay na

[00:00.00] Daw ng bata tagilid

[00:00.00] 'Di niyo kailangan magbayad

[00:00.00] Pupunta ako sa event

[00:00.00] Rekta sa Makati kahit traffic ay kainip

[00:00.00] Hay!

[00:00.00] Kasama ko si Rude at si Ivan ang sikip

[00:00.00] At si Kuya Albert 'yung driver kong mabait

[00:00.00] At tsaka si Idyll aking manager at kapatid

[00:00.00] Na merong talastimya, isang kakaibang sakit

[00:00.00] Kailangan niya laging salinan ng

[00:00.00] Dugo na pantawid at dahil malapit lang sa

[00:00.00] Hotel 'yung Makati Med

[00:00.00] Sumabay na lang siya sa'min

[00:00.00] Para mas makatipid

[00:00.00] Sabay ka na para isang kotse na lang

[00:00.00] 'Yung katabi ko sa back seat

[00:00.00] Si Rude Boy at si Ivan

[00:00.00] Documentation, security at hype man

[00:00.00] Bali siksikan kami sa aking tsikot

[00:00.00] (Wag malikot)

[00:00.00] Tatlo kaming mga lalaki sa likod

[00:00.00] Pagdating sa Makati, sakto lang 'yung tayming

[00:00.00] Nag-text na rin 'yung mommy at nagsabing

[00:00.00] Nag-start na daw 'yung party

[00:00.00] Sa basement daw 'yung parking, salamat

[00:00.00] Sa pagpunta, pasok lang kayo, darling

[00:00.00] Pagbaba ng kotse, hinanap ko

[00:00.00] 'Yung main floor

[00:00.00] May nagpa-litrato sa tabi ng elevator

[00:00.00] Idol pwede favor? Baka pwede magpa-picture

[00:00.00] Kasi idol na idol

[00:00.00] Ka talaga ng anak ko na grade four

[00:00.00] (Yeah, four)

[00:00.00] Nag-selfie kaming dalawa sa kaniyang razor

[00:00.00] Tapos tinutok sa'kin 'yung

[00:00.00] Baril ni terminator (Positive, Sir)

[00:00.00] Pero bilang na rator, lagyan natin ng flavor

[00:00.00] Para 'di masyadong halata 'yung

[00:00.00] Trauma ko na major (What the fuck?)

[00:00.00] Nakakagulantang 'sang katutak na ninja cops

[00:00.00] Sa amin ang tumambang

[00:00.00] Parang WuTang Clan lang

[00:00.00] Lampas sampu lumabas sa van

[00:00.00] Pasensya na idol, napag-utusan lang

[00:00.00] Humakbang paatras at wala nang nagawa

[00:00.00] Tinutukan ng beretta sa mukha

[00:00.00] Pinadapa, pinosasan

[00:00.00] Pilit pinapatingin sa baba

[00:00.00] Mga bulsa namin isa-isa nilang kinapa

[00:00.00] Akala ko kidnap for ransom ang sadya o

[00:00.00] Kaya baka prank lang 'to na malala

[00:00.00] 'Langhiya

[00:00.00] Dapa, dapa, dapa!

[00:00.00] Kamay sa likod, tingin sa baba dapa sabi eh!

[00:00.00] Nakadapa kami habang napapanood ng aking

[00:00.00] Utol na kasalukuyang naka-bukod

[00:00.00] May tinabi silang kahon

[00:00.00] Malakas kaniyang kutob na meron 'tong

[00:00.00] Mga lamang kontrabando sa loob

[00:00.00] Tsaka na lang silang nagpakilalang mga parak

[00:00.00] Nung isa na sa mga kasama nila nasapak

[00:00.00] Walang uniporme at naka maskara lang

[00:00.00] Lahat, walang Mirandang binasa

[00:00.00] Basta basta lang agad (My God)

[00:00.00] Sikat na hotel at

[00:00.00] Nakakapagtaka'y maraming CCTV

[00:00.00] Lahat nakapatay

[00:00.00] Wala man lang body cam na nakalagay

[00:00.00] Kahit kuha man lang ng cellphone

[00:00.00] Gamit kamay sabi daw ng pulisya

[00:00.00] Sa'kin daw nakumpiska pero 'di makumpirma

[00:00.00] Kasi walang kahit ni isang saksi na pumirma

[00:00.00] Walang video ng palitan, magmula nung umpisa

[00:00.00] Kung under surveillance pala dapat

[00:00.00] May footage ka

[00:00.00] ('Di ba? Kung under surveillance pala

[00:00.00] Dapat may footage na)

[00:00.00] Kung normal na tao nagva-viral

[00:00.00] 'Pag nahuli siya

[00:00.00] Paano na lang kaya kung si Loonie pa

[00:00.00] Nung nasagot ko 'yung PDEA at aking kinondena

[00:00.00] Mga ulo nila bigla nagkaroon ng

[00:00.00] Bumbilya para ma-promote sa pwesto

[00:00.00] Ako ang pinuntirya

[00:00.00] Ng mga ninja cops na gustong magbida-bida

[00:00.00] ('Di ba, 'di ba?)

[00:00.00] Bigla silang nakaisip ng ideya kasi napanood

[00:00.00] Nila 'yung live ko sa PDEA

[00:00.00] Nung binan nila 'yung kantang

[00:00.00] "Amatz" dahil sa tema

[00:00.00] Pero "Maria Hiwaga" ni Sassa, walang problema

[00:00.00] Aba, punyeta talamak na ang taniman

[00:00.00] Buy bust daw kaso bakit parang madalian

[00:00.00] 'Di ba dapat pinaghahandaan 'yan at

[00:00.00] Kalimitan minamanmanan ng malayuan

[00:00.00] Malapitan

[00:00.00] May mga camera na nakatago sa pagitan kaya

[00:00.00] Medyo weirdo kasi walang video ng palitan

[00:00.00] Akala ko ba buy bust 'to

[00:00.00] Na malakihan, nakakapagtaka lang, kaibigan

[00:00.00] Gusto mong maintindihan at mabatid

[00:00.00] Gamitin mo lang ang sentido kumon, kapatid

[00:00.00] Para sa isang daang libro magpapaka-astig

[00:00.00] Kayang-kaya ko 'yang kitain ng

[00:00.00] Triple isang gig at kung pusher man ako

[00:00.00] Na sinasabi nilang weed

[00:00.00] Bakit naman ako pa mismo maghahatid

[00:00.00] Ni hindi nga ako lumalabas ng bahay tsaka

[00:00.00] Bihira mong makita sa kalsada tumawid

[00:00.00] At bakit ako magbebenta sa 'di ko kakilala

[00:00.00] Kung sa eksena ko ay maraming nagma marijuana

[00:00.00] Bakit ko papahirapan ang sarili ko habang

[00:00.00] Sinusugal ang karerang matagal

[00:00.00] Kong pinagsikapan bakit isasama ko pa 'yung

[00:00.00] Kapatid kong may karamdaman

[00:00.00] At camera man para mag-vlog ng kaganapan

[00:00.00] Walang saysay na mga paratang

[00:00.00] Pawang haka haka

[00:00.00] Lamang para pangalan ko ay yurakan

[00:00.00] Alam kong meron akong mga paa na natapakan

[00:00.00] Ngunit 'di ko 'yon sinasadya

[00:00.00] Ako ay tao lamang

[00:00.00] Pinaglaban lang ang paglikha

[00:00.00] Ng merong kalayaan at kung 'yon ay masama

[00:00.00] 'Yun lang ang aking kasalanan