Lrc Player

Kapalaran

DVJD
[04:49.33]·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:11.45] Hetong si Dante, sa unang tingin ay mukhang mayaman

[00:14.91] Bumibili ng gamit ng di nag aalinlangan

[00:18.10] Sumasabay sa uso kahit di nya ginagamit

[00:21.03] Nakikipindot lang kahit walang alam sa gadget

[00:24.21] Tapos hetong si Dante ang lakas pa pumusta

[00:26.87] Ngunit nawawala bigla kapag sya'y kinakamusta

[00:30.06] Dumating ang araw ay nagka lubog lubog sa utang

[00:33.24] Ni walang araw ang utak nya ay parang di lumutang

[00:36.43] Kapag nadadaanan kanyang mga inutangan

[00:39.62] Kamay sa ulo, mata sa baba't tatawa lamang

[00:42.54] Kung kulitin mo man ay parang sya pa yung galit

[00:45.46] Sasabihan ka pa na di na sya uutang ulit

[00:49.18] At hetong si Dante ay nakahanap ng katapat

[00:51.57] Hinampas sya ng patpat habang sya ay nakangarat

[00:54.76] Nung gumising na, naka posas ang paa't kamay

[00:57.68] Di alam ni Dante dun na pala sya mamamatay

[01:00.87] Leron leron sinta, wag ka nang gagaya

[01:06.98] Sa mga tao na tong naging pangit ang bunga

[01:13.09] Pagdating sa dulo, mamamatay din pala

[01:19.46] Kapus-kapalaran, marami pang iba

[01:25.84] Hetong si Vico, dumadami na ang kaibigan

[01:28.76] Dinadaan sa kwento upang sya ay kahiligan

[01:31.68] Ang dami nya daw pera, bahay at mga mansyon

[01:34.60] Ginagawa nya yon para sa kanyang atensyon

[01:37.80] Nung tumindi ang tensyon ay 'di na sya mapakali

[01:40.72] May nagtanong kasi kung pano nya yun nabili

[01:43.91] Hanggang sa isang araw mali ang tinuro nya

[01:47.10] Pinagdiinan na ang bahay na yun ay kanya

[01:50.29] Hindi na nag isip basta basta na lang ang pasok

[01:53.21] Nagamay agad nya ang loob at ang pasikot sikot

[01:56.40] Ang kaso di alam ni Vico sya'y pinaglaruan

[01:59.32] Kilala ng nagtanong sa kanya kung kanino yan

[02:02.77] Hindi na nag atubili at biglang tinawagan

[02:05.43] Ang may ari talaga ng pinasukang nilang tahanan

[02:08.62] Ang kayabangan at pagsisinungaling ni Vico ay

[02:13.93] Hanggang doon na lang kasi dun na sya malalagay

[02:16.59] Leron leron sinta, wag ka nang gagaya

[02:20.83] Sa mga tao na tong naging pangit ang bunga

[02:26.95] Pagdating sa dulo, mamamatay din pala

[02:33.06] Kapus-kapalaran, marami pang iba

[02:39.43] Hetong si Jodi ay palaging merong nalalaman

[02:43.41] Tapos hindi nahihiyang ikwento't ipanglandakan

[02:45.80] Minsan sa kwento nya nag iiba ang direksyon

[02:48.73] Ang hilig magkalat ng mga maling akusasyon

[02:53.02] Akala mo hurado kung manghusga ng maigi

[02:54.57] Trabaho nya mang chismis at lalong nawiwili

[02:57.82] Dumating ang araw at sya naman ang laman ng chismis

[03:01.01] Pinagpalit na pala sya sa dayuhan na makinis

[03:04.19] Huli na nyang nalaman na ang mister nya pala

[03:06.85] Umuwi na ng pinas, at wala na syang napala

[03:10.30] Kaya hetong si Jodi nilamon ng depresyon

[03:14.29] Walang trabaho kaya lumalala ang tensyon

[03:16.41] Ang daming bayarin mula upa hanggang kuryente

[03:19.61] Laman na lamang ng pitaka nya'y barya na bente

[03:22.54] Nawiwindang na sya at di alam ang gagawin

[03:25.72] Hanggang sa naisipan nya sarili'y patayin

[03:28.64] Leron leron sinta, wag ka nang gagaya

[03:34.75] Sa mga tao na tong naging pangit ang bunga

[03:40.86] Pagdating sa dulo, mamamatay din pala

[03:46.97] Kapus-kapalaran, marami pang iba

[03:53.35] Leron leron sinta 'wag ka nang magtataka

[03:56.00] Sa mga pakay mong palpak baka dyan ka pa matumba

[03:59.46] Baka dumating ang araw wala ka nang malalapitan

[04:02.38] Yung mga dati mong kaibigan baka di mo na makapitan

[04:06.38] Ano pa ba dapat ang ipaliwanag kung tinatahak na kita sa liwanag

[04:08.77] Kaso nagpalamon ka na sa dilim kaya mga mata mo'y tuluyang nabulag

[04:11.69] Ingatan mo mga may pake sa'yo wag hayaang sila'y mapalayo

[04:14.88] Dahil ang bunga pag to'y nahinog, masarap at magaan sa loob

[04:18.07] Kaya kayabangan ay pakitanggal kung gusto mo mabuhay ng marangal

[04:20.99] Hindi ko ugaling magbigay ng payo, pero sayo ay ginagawa ko

[04:24.18] Pagdating mo sa dulo sana matanto, dahil alam na alam kong alam mo

[04:27.10] Di na dapat sanang pinagmamalaki mga bagay na sobrang nakakarindi

[04:30.29] Sa dami ng pwede mo na pagpilian nagawa mo pa din na dyaan pag igihan

[04:33.21] Bahala ka kung anong desisyon mo, naway wala sanang mangyari sayo

[04:36.39] Darating din ang araw ika'y mapapaos hanggang sa problema'y di ka makaraos

[04:39.58] Tatakbo ka ng walang suot na sapatos, konsumisyon ay hindi matatapos