Lrc Player

Gloc-9 ft. Ebe Dancel - Sirena (Official Lyric Video)

Unknown artist
[05:59.81]·Synced by Guest·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:04.72] Ako'y isang sirena

[00:08.72] Kahit ano'ng sabihin nila, ako ay ubod ng ganda

[00:14.32] Ako'y isang sirena

[00:18.56] Kahit ano'ng gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba

[00:23.88] Drum na may tubig ang sinisisid

[00:28.40] Naglalakihang mga braso, sa 'ki'y dumidikdik

[00:33.44] Drum na may tubig ang sinisisid

[00:37.95] Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib

[00:43.00] Simula pa nang bata pa ako

[00:45.13] Halata mo na kapag naglalaro

[00:47.52] Kaya parang lahat ay nalilito

[00:49.65] Magaling sa Chinese garter at piko

[00:52.57] Mga labi ko'y pulang-pula

[00:54.95] Sa bubble gum na sinapa

[00:57.61] Palakad-lakad sa harapan ng salamin

[00:59.47] Sinasabi sa sarili, "Ano'ng panama nila?"

[01:02.13] Habang kumekembot ang bewang

[01:03.72] Mga hikaw na gumegewang

[01:05.58] Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang

[01:07.70] Upang matakpan ang mga pasa sa mukha

[01:10.11] Na galing sa aking ama na tila 'di natutuwa

[01:12.51] Sa t'wing ako'y nasisilayan, laging nalalatayan

[01:14.90] Sa paglipas ng panahon ay 'di ko namamalayan

[01:17.28] Na imbes na tumigas ay tila lalong lumambot

[01:19.68] Ang puso kong mapagmahal, parang pilik-matang kulot

[01:23.13] Ako'y isang sirena

[01:26.31] Kahit ano'ng sabihin nila, ako ay ubod ng ganda

[01:35.12] Ako'y isang sirena

[01:36.17] Kahit ano'ng gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba

[01:41.24] Drum na may tubig ang sinisisid

[01:45.77] Naglalakihang mga braso, sa 'ki'y dumidikdik

[01:50.82] Drum na may tubig ang sinisisid

[01:55.59] Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib

[02:00.64] Hanggang sa naging binata na ako

[02:02.50] Teka muna, mali, dalaga na pala 'to

[02:04.90] Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin?

[02:08.08] Ano ba'ng mga problema n'yo?

[02:10.22] Dahil ba ang mga kilos ko'y iba

[02:12.36] Sa dapat makita ng inyong mata?

[02:15.27] Sa tuwing nanonood ng liga, laging natutulala

[02:17.66] Kahit 'di pumasok ang bola, ako'y tuwang-tuwa

[02:20.32] Kahit kinalyo na sa tapang, kasi gano'n na lamang

[02:22.70] Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang

[02:25.36] "Tama na naman, Itay, 'di na po ako pasaway

[02:28.02] 'Di ko na po isusuot ang lumang saya ni Inay"

[02:30.14] Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon

[02:32.53] Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon

[02:34.93] Kasi araw-araw na lamang ay walang humpay na banat

[02:37.32] Ang inaabot ng ganda kong pang-ilalim ng dagat

[02:40.23] Ako'y isang sirena

[02:43.95] Kahit ano'ng sabihin nila, ako ay ubod ng ganda

[02:49.56] Ako'y isang sirena

[02:53.81] Kahit ano'ng gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba

[02:58.87] Drum na may tubig ang sinisisid

[03:03.40] Naglalakihang mga braso, sa 'ki'y dumidikdik

[03:08.44] Drum na may tubig ang sinisisid

[03:13.48] Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib

[03:18.53] Lumipas ang mga taon

[03:20.12] Nangagsipag-asawa aking mga kapatid, lahat sila'y sumama

[03:23.58] Nagpakalayo-layo, ni hindi makabisita

[03:25.70] "Kakain na po, Itay, nakahanda na'ng lamesita"

[03:28.38] Akay-akay sa paglakad, paisa-isang hakbang

[03:30.78] Ngayo'y buto't balat ang dating matipunong katawan

[03:32.91] Kaya sa 'yong kaarawan, susubukan kong palitan

[03:35.56] Ang lungkot na nadarama, 'wag na po nating balikan

[03:37.97] Kahit medyo naiinis, hindi dahil sa nagka-cancer

[03:42.75] Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y naka-duster

[03:43.28] Isang gabi, ako'y iyong tinawag, lumapit

[03:45.71] Ako sa 'yong tabi, ika'y tumangan, kumapit

[03:47.83] Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita

[03:49.95] "Anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa

[03:52.36] 'Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha

[03:54.75] Dahil kung minsan, mas lalaki pa sa lalaki ang bakla"

[03:57.42] Drum na may tubig ang sinisisid

[04:02.47] Naglalakihang mga braso, sa 'ki'y dumidikdik

[04:06.73] Drum na may tubig ang sinisisid

[04:11.24] Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib

[04:17.08] Ako'y isang sirena

[04:21.06] Kahit ano'ng gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba