Hiram - Stick Figgas
[00:01.87] Here Are Five Things You Didn't Know About 6lack | Billboard
[00:03.21] "Hiram"
[00:10.12] Limitado ang renta natin sa planeta
[00:12.24] Nasasayang sa mga bagay na walang kwenta
[00:14.36] Kung pinanganak ka ng dekada otsenta
[00:16.20] Wag ka nang umasang umabot ka pa ng nobenta
[00:18.08] Alaala ng kabataan ang saya-saya
[00:20.22] Hanggang sa ang barkadahan ay nagkanya-kanya
[00:22.34] Di na mapaghiwalay pagnagdikit silang lima
[00:24.20] Hanggang sa tumanda at nagkapamilya na sila
[00:26.32] Dating magkatropa mga trip ay nag-iba
[00:28.18] Tsaka na lang nakumpleto nung
[00:29.25] Libing na nung isa
[00:30.57] May langit nga ba? pano kung wala?
[00:32.41] Nasayang lang buhay mo sa kakatingala
[00:34.30] Kakahintay sa gantimpala't himala
[00:36.18] Sumabay sa sablay na paniniwala ng madla
[00:38.29] Pasok sa paaralan, maghapong tulala
[00:40.14] Hanggang sa makatapos pero trabaho ay wala
[00:42.53] Tambahay maghapon na mabahong paa
[00:44.14] Oras na para bumangon aba
[00:45.73] Palagi ka na lang nakahiga kahapon ka pa
[00:47.58] Maraming oras para dyan kapag nasa kabaong ka na
[00:50.24] Sasayangin mo kaya ang segundo kahit isa
[00:52.09] Kung alam mo na kung ilan na lang
[00:53.71] Ang natitira?
[00:54.49] Ano kaya sa mga ugali mo magiiba?
[00:56.09] Kung alam mo na kung kelan
[00:57.41] Ang huli mong hininga
[00:58.49] Habang buhay ka ba mananatiling nakatanga?
[01:00.34] Anong gusto mong gawin?
[01:01.39] Nkapili ka na ba?
[01:02.46] Napakaikli nakakabitin talaga sulitin mo na
[01:04.31] Habang humihinga ka pa
[01:06.43] Gamit ang lapis sa bulsa ako'y mag-iiwan
[01:07.78] Ng marka na di maaring mabura
[01:10.16] Subalit aking napuna
[01:11.22] Ang gusto ng karamihan ay sa langit mapunta
[01:13.10] Ngunit bakit walang nais mauna?
[01:14.68] Hindi ka pwedeng hindi magpaalam
[01:18.39] Dahil ang buhay natin ay hiram lang
[01:22.92] Nilukso ko ang kalawakan
[01:24.51] Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman
[01:26.36] Ipakita sa akin ang mundo ng makulayan
[01:28.22] Sundan ang liwanag, Gisingin ang kamalayan
[01:30.34] Hindi ka pwedeng hindi magpaalam
[01:34.06] Dahil ang buhay natin ay hiram lang
[01:39.12] Nilukso ko ang kalawakan
[01:40.44] Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman
[01:42.31] Ipakita sa akin ang mundo ng makulayan
[01:44.17] Tuklasin ang lagusan pabalik sa pahiraman
[01:46.56] Nais ng ilan, wala ng solian
[01:48.14] Ayaw pang bitawan ang kanilang nakagawian
[01:50.28] Habang yung iba naman
[01:52.11] Naghanap ng dahilan magdiwang umaasang merong ulitan
[01:54.27] Bigay man o hiram
[01:55.31] Ano mang kahulugan
[01:56.39] Susulitin ko nalang
[01:57.43] Kasi bibihira lang namang
[01:59.05] Mangyare sa kaluluwa ang ganitong klase ng karanasan
[02:02.23] Pano nga kaya kung nakatago lang pala sa bungo ang susi ng kaharian
[02:06.23] Para lalo mong masaksihan
[02:07.82] Dapat ay bukas ang puso at payapa ang kaisipan
[02:10.21] Kung tayo ba'y gawa sa putikan
[02:11.79] Nandito ba tayong lahat para lang mahulma
[02:14.18] Pero nakatulog lang sa sinehan
[02:15.80] Pag gising ang palabas ay magtatapos na
[02:18.45] Ka-kamusta, kasi kung mga tira ko'y baldog na minsan kapos pa
[02:22.15] Ngunit sa lakas ng pagbagsak parang
[02:23.75] Bola ganun din kataas ang pag talbog nya
[02:26.14] Kung ang buhay sinusukat sa segundo
[02:28.01] Meron tayong tig iisang minuto
[02:29.06] San mo gagamitin ang mga natitirang ginto mo?
[02:31.46] Madadala mo ba lahat yan pagdating sa dulo
[02:33.30] Pag nandyan na yung sundo mo? Nagsitalinuhan na tayong lahat
[02:36.23] Marami-rami narin ang kinukumplika
[02:38.09] Makapag umpisa
[02:39.16] Bago tayo magtapos papunta
[02:40.49] Din lahat dun diba?
[02:42.12] Kaya mga nagmamalinis
[02:43.17] Nagmamabango
[02:43.96] Bahala kayo
[02:45.04] Magkikita kita rin tayo sa pagiging abo
[02:46.63] Basta ako sisindi ng damo
[02:47.95] Makikilanghap ka rin sa hinihinga ko haha
[02:50.61] Hindi ka pwedeng hindi magpaalam
[02:54.06] Dahil ang buhay natin ay hiram lang
[02:59.12] Nilukso ko ang kalawakan
[03:00.44] Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman
[03:01.51] Ipakita sa akin ang mundo ng makulayan
[03:04.95] Sundan ang liwanag, Gisingin ang kamalayan
[03:06.56] Hindi ka pwedeng hindi magpaalam
[03:10.26] Dahil ang buhay natin ay hiram lang
[03:15.05] Nilukso ko ang kalawakan
[03:16.39] Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman
[03:18.24] Ipakita sa akin ang mundo ng makulayan
[03:20.10] Tuklasin ang lagusan pabalik sa pahiraman
[03:22.50] Buhay sing-iksi ng gitling sa lapida
[03:26.24] Isang regalo na malaman tuwing umaga
[03:28.35] Ako'y nagigising at humihinga
[03:30.21] Naibahagi ko ba ang kaligayahan para sa iba
[03:33.93] Natagpuan ko rin naman kaya para sa sarili ko at nakapagtira
[03:37.91] Baka tayo'y parang mga dahon lang
[03:39.50] Na ang misyon ay ang magpataba sa lupa
[03:41.88] Para may matibay na maapakan ang mga
[03:44.02] Susunod na magiging binhi supling at utak
[03:46.14] Nung ako'y namasukan
[03:47.47] Naghintay ako ng pitong linggo para maging ganap na nilalang
[03:50.65] Ganun din ba sa paglisan?
[03:52.53] May apat na pu't araw pagkatapos ng pasiyam!?
[03:54.38] Kahapon na ngayon kapag bukas ay dumaan
[03:56.23] Dahil sa kakatingala mo sa prutas sa ubasan
[03:58.35] Bawat segundo'y mahalaga, di mo alam kung ilan nalang ang nasa orasan
[04:02.08] Naging papuntang impyerno ang mga pangarap kong daan
[04:04.48] Meron ba talagang buhay na walang hanggan?
[04:06.33] Maililigtas ba 'ko ng santo saking ulunan?
[04:08.45] Makakapasok ba ako sa palasyo sa kaulapan?
[04:10.58] At kung tunay ang nasa banal na kasulatan ay paanyaya ni kamatayan ay papaunlakan
[04:14.56] Ano kayang pakiramdam pag ako naman
[04:16.16] ang haba ng pila sino kayang nasa unahan?
[04:18.56] Walang permanente sa mundo alam ko yan
[04:20.40] Kaya nais kong pumanaw na may kabuluhan
[04:22.79] Ang buhay tulad ng lahat ay may katapusan
[04:24.64] Wala ka ng magagawa kung hanggang doon na lang
[04:26.53] Hindi ka pwedeng hindi magpaalam
[04:29.96] Dahil ang buhay natin ay hiram lang
[05:06.91] Nilukso ko ang kalawakan
[05:08.51] Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman
[05:10.37] Ipakita sa akin ang mundo ng makulayan
[05:12.51] Sundan ang liwanag, Gisingin ang kamalayan
[05:14.63] Hindi ka pwedeng hindi magpaalam
[05:16.49] Dahil ang buhay natin ay hiram lang
[05:23.12] Nilukso ko ang kalawakan
[05:24.46] Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman
[05:26.31] Ipakita sa akin ang mundo ng makulayan
[05:28.17] Tuklasin ang lagusan pabalik sa pahiraman
