tibo - Moira Dela Torre (Music Video) Himig Handog 2017
[00:13.36] Elementary pa lang napapansin na nila
[00:22.97] Mga gawi kong parang hindi pambabae e kasi
[00:26.96] Imbes na chinese garter laruan ko ay teks at jolens
[00:30.94] Tapos ka-jamming ko lagi noon mga sigang lalaki sa amin
[00:37.07] Nung ako'y mag-high school ay napabarkada sa mga bi
[00:41.05] Curious na babae na ang hanap din ay babae
[00:45.04] Sa halip na makeup kit bitbit ko ay gitara
[00:49.02] Tapos pormahan ko lagi ay long sleeves na tshirt at faded na lonta
[00:54.86] Pero noong nakilala kita nagbagong bigla ang aking timpla
[00:59.12] Natuto ako na magparebond at mag-ahit ng kilay at least once a month
[01:04.69] Hindi ko alam kung anong meron ka na sa akin ay nagpalambot nang bigla
[01:06.82] Sinong mag-aakalang lalake pala ang bibihag sa tulad kong tigreng gala
[01:14.79] Kahit ako'y titibo-tibo
[01:17.98] Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo
[01:22.49] Isang halik mo lamang at ako ay tinatablan
[01:26.47] At ang aking pagkababae ay nabubuhayan
[01:30.19] Na para bang bulaklak na namumukadkad
[01:34.71] Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang sikat ng araw-araw mong pag-ibig
[01:40.55] Sa'king buhay nagpapasarap
[02:07.77] Nung tayo'y nag-college ay saka ko lamang binigay ang matamis na oo
[02:12.55] Sampung buwan mong trinabaho
[02:15.21] Sa halip na tsokolate at tipikal na mga diskarte
[02:19.20] Nabihag mo ko sa mga tula at sa mga kanta mong pabebe
[02:25.03] Kaya nga noong makilala kita alam ko na agad na mayroong himala
[02:29.02] Natuto akong magtakong at napadalas ang pagsuot ng bestidang pula
[02:33.00] Pero di mo naman inasam na ako ay magbagong tuluyan para patunayang
[02:37.52] Walang matigas na tinapay sa mainit na kape ng iyong pagmamahal
[02:45.76] Kahit ako'y titibo-tibo
[02:50.01] Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo
[02:55.05] Isang halik mo lamang at ako ay tinatablan
[02:59.57] At ang aking pagkababae ay nabubuhayan
[03:04.36] Na para bang bulaklak na namumukadkad
[03:08.88] Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang sikat ng araw-araw mong pag-ibig
[03:15.52] Sa'king buhay nagpapasarap
