Magda
[00:13.18] Magdalena ano'ng problema
[00:15.30] Bakit 'di ka makawala sa kadena?
[00:17.70] At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda
[00:20.36] Na hanap buhay mo ngayon
[00:22.74] Magdalena ano'ng problema
[00:25.40] Alam naman natin na dati kang nena
[00:27.80] At sa iyong ama ikaw ay prinsesa
[00:30.50] Ano'ng nangyari sa'yo?
[00:33.16] Ito'y kwento ng isang babaeng
[00:37.94] Tulog sa umaga, gising sa gabi
[00:43.02] Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete
[00:48.42] Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi
[00:51.62] Simulan na natin ang istorya
[00:53.74] Ako'y kanyang matalik na kaibigan
[00:56.13] Ernesto ang aking pangalan
[00:58.79] Kwentong dapat 'nyong malaman
[01:01.44] 'Wag nang magbulag bulagan
[01:03.84] Bakit ang nais natin ay malaman ang baho ng iba?
[01:10.23] Pagbibigyan kita
[01:12.61] Kilala mo ba si Magda?
[01:13.95] Na aking kababata mula pa ng pagkabata
[01:16.34] Kami lagi magkasama mga bangkang papel sa sapa
[01:19.00] Kanyang ngiti lumiliwanag ang paligid
[01:21.39] At pag siya'y dumadaan mga leeg ay pumipilipit
[01:24.03] Ubod ng ganda noong siya ay nagdalaga
[01:26.44] Tuwing kausap ko na malimit akong tulala
[01:29.09] Kahit may nararamdaman pinilit kong isara
[01:31.48] Ang bibig at pintig ng puso para sa kanya
[01:34.14] At sa sayawan matapos kaming makapagtapos
[01:36.53] Dahil pinawis ang mukha ako'y nagpunas ng pulbos
[01:39.20] Kahit parang hindi pantay ay nagmamadaling hinila
[01:41.86] Pinakilala niya lalaki na taga Maynila
[01:44.53] Magdalena ano'ng problema
[01:47.19] Bakit 'di ka makawala sa kadena?
[01:49.58] At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda
[01:52.29] Na hanap buhay mo ngayon
[01:54.68] Magdalena ano'ng problema
[01:57.34] Alam naman natin na dati kang nena
[01:59.75] At sa iyong ama ikaw ay prinsesa
[02:02.40] Ano'ng nangyari sa'yo?
[02:04.81] Maraming taon ako'y nalipasan
[02:08.00] Pinilit ko mang takasan
[02:11.19] Bagkus ay aking nalaman
[02:13.05] Ang tunay kong kailangan
[02:15.44] 'Di ko maibaling ang pagtingin ko sa iba
[02:21.02] Minamahal ko s'ya
[02:23.95] Hahanapin ko si Magda
[02:25.53] Lumuwas habang nagdarasal na maabutan
[02:27.64] Sa lugar na ang sabi'y kanyang pinagtatrabahuhan
[02:30.30] Nakita ko'ng larawan niya na nakadikit sa pintuan
[02:33.25] Iba man ang kulay ng buhok 'di ko malilimutan
[02:35.63] Ang kanyang mata at tamis ng kanyang ngiti
[02:38.02] At dahil ubod ng saya hindi na nag atubili
[02:40.68] Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim
[02:43.08] Madaming lamesa't mga nag-iinumang lasing
[02:45.74] Nang biglang nagpalakpakan may mabagal na kanta
[02:48.14] Sa maliit na entablado ay nakita ko na
[02:50.78] Ako ay nagtaka, nagtanung, nagkamot
[02:53.18] Bakit s'ya sumasayaw na sapatos lang ang suot?
[02:55.86] Ito'y kwento ng isang babaeng
[03:00.95] Tulog sa umaga, gising sa gabi
[03:06.00] Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete
[03:11.13] Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi
[03:14.57] Ituloy natin ang istorya
[03:16.45] Agad siyang sumama sa'kin walang kakabakaba
[03:18.63] Ang trato niya sa'kin ay nobyo tila katakataka
[03:21.29] Bumaba sa taxi-ng pinara sa may Sta. Mesa
[03:23.95] Parang ako'y bida sa mga sumunod na eksena
[03:26.61] Kung ito ay panaginip ayoko nang magising
[03:28.73] Ngunit ako'y nanaginip umaga na nang magising
[03:31.45] Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag
[03:34.11] Liham para sa'kin na isinulat niya magdamag
[03:36.49] Kahit gulong gulo ang isip pinilit kong basahin
[03:39.18] 'Di malilimutan ang mga sinabi niya sa akin
[03:41.83] Mahal kong Ernesto alam kong tulog mo'y malalim
[03:44.23] 'Di na 'ko nagpaalam 'di na kita ginising
[03:46.92] Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay
[03:49.58] At sa pinakamasayang gabi ng aking buhay
[03:52.23] Nung iniwan ko ang baryo natin ang akala ko
[03:55.16] Isang tunay na pag-ibig ang matatagpuan ko
[03:57.02] Hinanap kung saan-saan at kung kani-kanino
[03:59.40] 'Di ko inakalang ito ang kahahantungan ko
[04:02.13] Imbis na ako'y sagipin itinulak sa bangin
[04:04.79] Ito pala'ng ibig sabihin ng kapit sa patalim
[04:07.44] Kung mabaho sabunin, kung makati gamutin
[04:09.83] Kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin
[04:12.49] Kahit ako ay bayaran at kaladkaring babaeng
[04:14.88] Alam ang amoy ng laway ng iba't-ibang lalake
[04:17.51] Isa lang ang kaya kong sayo'y maipagmalaki
[04:19.91] Ikaw lang ang bukod tanging hinalikan ko sa labi
[04:22.56] Gusto ko mang manatili sa'yong mga yakap
[04:25.22] Ako may natutuwa dahil ako'y iyong nahanap
[04:27.61] Wala na yatang walis ang makakalinis ng kalat
[04:30.29] At ang katulad ko sa'yo ay 'di karapat-dapat
[04:32.94] Pinangarap kong sa altar ako'y iyong ihatid
[04:35.33] Ngunit sa dami ng pait ang puso ko'y namanhid
[04:37.71] 'Di ko makakalimutan ang pabaon mong halik
[04:40.39] Pero pakiusap huwag ka na sana pang babalik
[04:43.04] Regalo ng Maykapal ang ikaw ay makilala
[04:45.70] Salamat sa ala-ala, nagmamahal Magda
[04:48.36] Magdalena ano'ng problema
[04:51.02] Bakit 'di ka makawala sa kadena?
[04:53.41] At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda
[04:56.05] Na hanap buhay mo ngayon
[04:58.44] Magdalena ano'ng problema
[05:01.14] Alam naman natin na dati kang nena
[05:03.53] At sa iyong ama ikaw ay prinsesa
[05:06.23] Ano'ng nangyari sa'yo?
[05:08.88] Ito'y kwento ng isang babae
