Lrc Player

Sirena

Gloc 9 ft Ebe Dancel
[04:38.47]·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:08.31] Ako'y isang sirena

[00:11.31] Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda

[00:15.82] Ako'y isang sirena

[00:19.60] Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba

[00:25.85] Drum na may tubig ang sinisisid

[00:30.60] Naglalakihang mga braso, saki'y dumidikdik

[00:35.61] Drum na may tubig ang sinisisid

[00:40.37] Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib

[00:45.13] Simula pa nang bata pa ako,

[00:47.64] Halata mo na kapag naglalaro

[00:50.14] Kaya parang lahat ay nalilito,

[00:52.65] Magaling sa chinese garter at piko

[00:54.40] Mga labi ko'y pulang pula,

[00:57.40] Sa bubble gum na sinapa

[00:59.41] Palakad-lakad sa harapan ng salamin,

[01:01.66] Sinasabi sa sarili "ano'ng panama nila?"

[01:04.42] Habang kumekembot ang bewang,

[01:06.42] Mga hikaw na gumegewang

[01:07.42] Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang

[01:09.67] Upang matakpan ang mga pasa sa mukha

[01:12.68] Na galing sa aking ama

[01:14.18] Na tila di natutuwa sa tuwing ako'y nasisilayan

[01:16.69] Laging nalalatayan,

[01:17.69] Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan

[01:19.19] Na imbes na tumigas ay tila lalong lumambot

[01:22.70] Ang puso kong mapagmahal

[01:23.71] Parang pilikmatang kulot.

[01:24.96] Ako'y isang sirena

[01:27.71] Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda

[01:34.72] Ako'y isang sirena

[01:37.73] Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba

[01:43.48] Drum na may tubig ang sinisisid

[01:47.99] Naglalakihang mga braso, saki'y dumidikdik

[01:53.01] Drum na may tubig ang sinisisid

[01:57.52] Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib

[02:02.78] Hanggang sa naging binata na ako

[02:05.04] Teka muna mali, dalaga na pala 'to

[02:07.55] Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin

[02:09.56] Ano bang mga problema nyo?

[02:12.81] Dahil ba ang mga kilos ko'y iba,

[02:15.07] Sa dapat makita ng inyong mata

[02:17.07] Sa tuwing nanonood ng liga laging natutulala

[02:19.83] Kahit di pumasok ang bola ako'y tuwang-tuwa

[02:22.84] Kahit kinalyo na sa tapang, kasi ganun na lamang

[02:25.85] Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang

[02:27.86] Tama na naman itay, di na po ako pasaway

[02:30.11] Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay

[02:32.62] Kapag ako'y naiiyak ay sumusugod sa ambon

[02:35.12] Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon

[02:36.87] Kasi araw-araw na lamang ay walang humpay na banat

[02:40.13] Ang inaabot ng ganda kong pang-ilalim ng dagat

[02:43.14] Ako'y isang sirena

[02:46.39] Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda

[02:51.90] Ako'y isang sirena

[02:56.16] Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba

[03:01.42] Drum na may tubig ang sinisisid

[03:06.43] Naglalakihang mga braso, sa'kin dumidikdik

[03:11.44] Drum na may tubig ang sinisisid

[03:16.44] Sa patagalan ng paghinga, sa'kin kayo ay bibilib

[03:20.45] Lumipas ang mga taon, nangagsipag-asawa

[03:23.71] Aking mga kapatid, lahat sila'y sumama

[03:25.96] Nagpakalayo-layo ni hindi makabisita

[03:28.47] Kakain na po itay, nakahanda na'ng lamesita

[03:30.72] Akay-akay sa paglakad paisa isang hakbang

[03:32.97] Ngayo'y buto't balat ang dati matipunong katawan

[03:35.98] Kaya sa iyong kaarawan, Susubukan kong palitan

[03:38.49] Ang lungkot na nadarama, wag na po nating balikan

[03:40.74] Kahit medyo naiinis hindi dahil sa nagka-cancer

[03:43.24] Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y naka-duster

[03:45.24] Isang gabi, ako'y iyong tinawag, lumapit

[03:48.26] Ako sa'yong tabi ika'y tumangan, kumapit

[03:50.76] Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita

[03:53.02] Anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa

[03:55.27] Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha

[03:57.54] Dahil kung minsan mas lalaki pa sa lalaki ang bakla

[04:00.30] Drum na may tubig ang sinisisid

[04:03.55] Naglalakihang mga braso, saki'y dumidikdik

[04:09.57] Drum na may tubig ang sinisisid

[04:13.58] Sa patagalan ng paghinga,

[04:16.10] Sa'kin kayo ay bibilib

[04:19.35] Ako'y isang sirena

[04:23.60] Kahit anong gawin nila

[04:28.36] Bandera ko'y di tutumba