Lrc Player

Upuan(128k)

Gloc 9
[04:13.00]·
This lyric sheet isn't paired with a song yet, so lines are shown but won't sync or seek.

[00:41.41] Kayo po na naka upo

[00:46.16] Subukan nyo namang tumayo

[00:51.66] At baka matanaw, at baka matanaw na nyo

[00:56.42] Ang tunay na kalagayan ko

[01:02.41] Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng

[01:04.91] Malaking bahay at malawak na bakuran

[01:07.41] Mataas na pader pinapaligiran

[01:09.90] At naka pilang mga mamahaling sasakyan

[01:12.66] Mga Patay na laging bulong ng bulong

[01:14.41] Wala namang kasal pero marami ang naka barong

[01:17.17] Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong

[01:19.66] Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong

[01:22.16] At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon

[01:24.66] At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon

[01:27.18] Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan

[01:29.93] Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan

[01:32.16] Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan

[01:34.90] Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan

[01:37.41] Kaya naman hindi niya pinakakawalan

[01:39.91] Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan

[01:42.16] Kayo po na naka upo

[01:46.92] Subukan nyo namang tumayo

[01:52.40] At baka matanaw, at baka matanaw na nyo

[01:57.16] Ang tunay na kalagayan ko

[02:02.78] Mawalang galang na po

[02:04.03] Sa taong naka upo

[02:05.29] Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno

[02:07.53] Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero

[02:10.28] Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo

[02:13.03] Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin

[02:15.28] Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling

[02:17.77] Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero

[02:20.52] Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo

[02:23.02] Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero

[02:25.53] Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo

[02:28.03] Pero kulang na kulang parin

[02:29.53] Ulam na tuyo't asin

[02:30.78] Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin

[02:33.53] Di ko alam kung talagang maraming harang

[02:35.53] O mataas lang ang bakod

[02:37.03] O nagbubulag-bulagan lamang po kayo

[02:39.01] Kahit sa dami ng pera niyo

[02:40.52] Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo

[02:43.01] Kaya...

[02:43.78] Wag kang masyadong halata

[02:47.03] Bato-bato sa langit

[02:51.42] Ang matamaa'y wag magalit

[02:56.42] O bato-bato bato sa langit

[03:01.43] Ang matamaan ay

[03:04.17] Wag masyadong halata (ooh)

[03:09.15] Wag kang masyadong halata

[03:12.42] Hehey, (Wag kang masyadong halata)

[03:19.17] (Wag kang masyadong halata)