Masdan Mo Ang Kapaligiran
[00:13.20] Wala ka bang napapansin
[00:17.44] Sa iyong mga kapaligiran
[00:25.14] Kay dumi na ng hangin
[00:30.20] Pati na ang mga ilog natin
[00:37.90] Hindi nga masama ang pag-unlad
[00:41.63] At malayu-layo na rin ang ating narating
[00:49.59] Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
[00:54.11] Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim
[01:01.54] Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
[01:06.05] Sa langit, 'wag na nating paabutin
[01:13.23] Upang kung tayo'y pumanaw man
[01:17.75] Sariwang hangin, sa langit natin matitikman
[01:25.45] Mayro'n lang akong hinihiling
[01:29.96] Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
[01:37.15] Gitara ko ay aking dadalhin
[01:41.92] Upang sa ulap na lang tayo magkantahan
[02:00.77] Ang mga batang ngayon lang isinilang
[02:06.09] May hangin pa kayang matitikman
[02:12.46] May mga puno pa kaya silang aakyatin
[02:17.78] May mga ilog pa kayang lalanguyan
[02:25.21] Bakit 'di natin pag-isipan
[02:29.73] Ang nangyayari sa ating kapaligiran
[02:36.64] Hindi nga masama ang pag-unlad
[02:40.35] Kung hindi nakakasira ng kalikasan
[02:48.33] Darating ang panahon, mga ibong gala
[02:53.10] Ay wala nang madadapuan
[02:59.74] Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
[03:04.26] Ngayon'y namamatay dahil sa ating kalokohan
[03:12.23] Lahat ng bagay na narito sa lupa
[03:16.21] Biyayang galing sa Diyos kahit no'ng ika'y wala pa
[03:23.91] Ingatan natin at 'wag nang sirain pa
[03:28.18] 'Pagkat 'pag Kanyang binawi, tayo'y mawawala na
[03:34.81] Mayro'n lang akong hinihiling
[03:39.59] Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
[03:45.95] Gitara ko ay aking dadalhin
[03:51.81] Upang sa ulap na lang tayo magkantahan
